Tamang tingin lang

2368 Words
“Boss Z! hindi mo makukuha yan ganyang kagandang babae kung titigan mo lang.” wika ni Alex habang nasa isang night bar sila at nag iinom. sa kabilang dulo 5 mesa mula sa puwesto nila naroon naman ang grupo ni Amara kasama ang mga kaibigan nito na sila Diego, Rodney at Daniel. Habang sya naman ay kasama sina Alex, Leo at Marlon. Bagamat umalis na sya sa rescue team nanatiling kaibigan niya ang mga ito at si Fhyross bihira na nga lang itong makasama dahil busy ito sa pag aalalaga ng mga babies nito at isa pa ayaw payagan ni Lucas. Malaki pa rin kasi ang selos nito sa kanya kahit wala naman dapat itong ipag selos. “Grabe boss Z! Sa dami ng babae sa mundong piling pili mo talaga yung kayang kaya kang i under.” biro ni Leo. “Kung ganyan naman kaganda mag papa under nalang din ako.” Ani marlon sabay lingon kay Amara na tumayo na nag paalam sa mga kaibigan mukhang pupunta ito ng restroom. She cut her hair kung tama ang alala nya bob cut ang tawag sa hair style nito ngayon. Mas lalo itong nag mukhang mataray sa style ng buhok. Maiksi sa likod habang mahaba bandang unahan. Ash blonde ang kulay niyon kaya lumutang ang lalo ang pagiging mestiza nito. Lalo pat mukhang nag make up pa si Amara ngayon kaya mas lalong lumutang talaga ang ganda nito ngayon gabi. Kapag nasa headquarters kasi sila wala itong make up na kahit ano ngayon lang nya ito nakitang nag pahid ng lipstick sa labi at umitim ang palibot ng mata at kilay na gawa sa eyeliner. She look fierce and scary. “Boss magaling bang humawak ng baril?” tanong ni Leo. Tumango naman sya na ininom ang beer nya. “She’s a pro kaya bawal ang tatanga tanga kapag nasa harapan ka nya.” ngiti ni Zian. Muntik ng mapatayo si Zian ng matanaw na meron dalawang lalaki humarang dito na dinakot pa ang puwet ng dalaga. Narinig pa nya na nag tawanan ang kaibigan nito na nakita rin ang ginawa ng dalawang lalaki parang natutuwa pa ang mga ito na binabastos si Amara. Pagbaling nya ng tingin kay amara wala na ito roon pero yung dalawang lalaki parehas ng nasa sahig at walang malamay na tinutulugan ng mga kasama marahil ng mga itong gising. “F*ck nakita nyo yun. Sabog ang nguso nung isa hahahaha! Astid ng GF mong hilaw boss war freak. pusta reresbak ang mga yan kapag nagkamalay.” ani Leo na marahil nakita ang ginawa ni Amara na di nya nakita. Marahil kaya nag tatawanan ang mga kaibigan ni Amara dahil alam na ng mga ito ang mangyayari. Napangiti nalang syang umiling. “Grabe lakas sumuntok mukhang bali ang ilong nung isa tas tanggal ang pustiso nung isa pa. Katakot.” “Di ka ba kinakabahan boss. Di kaya maging battered husband ka boss.” “I made her change like that she’s not like that before.” napabuga ng hangin si Zian. ***** “Amara.” napalingon si Amara ng marinig ang pagtawag ng isang britonong tinig. Talaga naman kahit nasaan sya basta basta nalang itong sumusulpot. “Di ka ba nag sasawa sa kasusunod sa akin.” inis na wika ni Amara na nag patuloy na sa pag lalakad. Iniwan na nya ang mga kaibigan dahil na wala na sya sa mood makipag bardagulan sa mga ito dahil sa dalawang lalaking bastos sa loob. Uminit talaga ang ulo nya kaya bago pa sila mag cause ng gulo lalayo na sya pero heto at may isang asungot na pumalit. “I told you i want a child with you.” “anong tingin mo sa bahay bata ko paupahan apartment. Napuruhan mo lang ako nung una kaya nakabuo ka pero tingin mo buhay ka pa kaya kung ——— agh! “Amara.” malakas na sigaw ni Zian ng malaglag ang dalaga sa motor nito pag sakay ng bigla mula sa likuran may isang lalaking may hawak na baseball bat ang humanpas salikuran ng dalaga. Tumaob ang motor kasama si Amara kaya napatakbo bigla si Zian para tulungan si Amara. Nakatanggap din ng hampas ng basball bat si Zian habang ibinabangon ang motor pero di nya iyon ininda. Hindi bababa ng sampu ang grupo ng mga lalaki ngayon na pareparehas na may hawak na tubo at kutsilyo ang nakapalibot sa kanila ni Amara. napalingon naman si Zian sa guard kanina na nasa harapan kanina ng bar pero wala na ito ngayon. “5 on 5.” usal ni Amara. “Kaya mo ba?” nag aalalang tanong ni Zian nakita nyang iniinda pa nito ang pag kakahampas rito ng baseball bat sa likod. “Tirahin nyo na. Yung babae iuuwi ko pag katapos.” sigaw ng lalaking namamaga ang nguso. Agad na sumugod ang mga lalaki ng sabay sabay. Malas lang ng mga ito maling tao ang binangga ng mga ito idagdag pa na mainit pa naman ang ulo nya. Inabot lang yata ng 3 minutes bagsak ang 14 na lalaki pareparehong hindi na makabangon at kanya kanya daingan. “Bakit naman binalian mo. Katakot takot na pulis report to.” angal ni Zian ng makita ang ilan na kitang bali ang kamay, Braso at binti. “Tingin mo may pakialam ako.” Pero napangiwi rin si Amara ng makita ang nagdatingan police mobile. - - - - - - - - - - - - “Kilala nyo ba kung sino yung isang binalian nyo ng buto. Anak ni Senator Jimenez malaking problem tong pinasok nyo. “Talaga ba? Di mo man lang ba itatanong kung sino na una sa amin sumugod.” “Hindi iyon ang importante ngayo miss. Tingnan nyo nga hitsura ng mga yan.” turo ng pulis na gumagawa ng statement nila habang nasa police station sila. “Binugbog nyo sila at 5 sa kanila nasa hospital patong patong na kaso ang kakaharapin nyo. posib———- “Bago ka humatol alamin mo muna ang pang yayari. Meron mga cctv sa lugar malinaw nyong maki——- “Teka nga bakit ang tapang mo baka nalilimutan mo pulis ako at nasa loob ka ng pulis station. Matuto kang gumalang baka ipasok kita sa kukulungan papakin ka ng mga preso sayang ang ganda at tapang mo kapag nasa loob ka na.” ngisi ng lalaking pulis na nasa harapan nila. Mabilis naman pinigilan ni Amara si Zian na tatayo sana at halatang na pikon ito sa sinabi ng police officer. “Dela Cruz mukhang papalag si Tisoy.”ngisi ng isa pang pulis sa likuran nito. Nagtawanan ang iba pang pulis na naroon na napalingon sa gawi nila. “Umayos kayo dalawa kapag ako napikon sa inyo.” wika nito sabay patong ng baril sa ibabaw ng mesa. isa lumang revolver iyon na tinawanan naman ni Amara na tumayo. “Anong pangalan mo?” tanong pa ni Amara na tiningna pa ang ID ng police James Allan Dela Cruz. Putang——a! tapang mo boss PO1 kalang pala.” “Abat napaka walang mod———- napatayo pa ito ngunit nabitin ng dalawang baril na Black Combat GGB pistol ang inilabas ni Amara na pinatong sa desk nito kasama ang ID. Halatang nagulantang ang pulis na napatayo ng deretso at sumaludo kaya wala sa loob na napatayo na rin ang iba pang pulis roon na nag tataka man ay napasaludo na din sa dalaga. Napangisi naman si Zian. ‘That’s my Gril.” Ngumisi si Amara na muling itinago ang mga baril sa likuran nya at ID saka itinuon ang dalawang kamay sa mesa nito. “Wag nyong ibaba ang mga kamay nyo hanggat wala akong sinasabi mga gunggong. Mga wala kayong kuwenta. Ang ayos namin sumama rito para mag bigay ng statement pero your already conclude kahit wala naman kayong ibendebsyang hawak. Puro kayo ngasngas ang mga ulopong nato ang kunan nyo ng statement. Kumuha kayo ng witness then sa korte tayo magkita kita mga kupal.” Ani amara sabay tapik sa balikat ni Zian saka tumalikod na at nilisan ang police station . “Bakit bigla kang tumiklop pati tuloy kami napasaludo.” reklamo ng isanv pulis. “Police din boss mataas ang rango SPO4 Amara Wakefield. Underground Society police.” awang naman ang mga labi ng mga nakarinig. “Amara.” hindi sumagot ang dalaga instead tiningnan lang ito habang isinusuot ang helmet. “I lost my wallet.” “So?” “Can you ride me home?” tumaas ang kilay ni Amara. “Please.” napabuga naman ng hangin si Amara saka isenenyas na sumakay na ito sa likuran nya. Nag mamadali naman itong sumakay. Aalis na sana sila ng bigla itong mag salita. “Ano nanaman problema mo.” “Puwede ba akong nalang mag drive.” “Makikisabay ka na nga lang napakareklamo mo pa.” inis na wika ni Amara. “Ano kasi —— ahm! Medyo—- ano kasi——“ di malaman ni Zian kung paano nya sasabihin na tinitigasan sya dahil sa puwesto nilang dalawa. Bahagya kasi nakatuwad si Amara at magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan nila. Isang maling preno lang nito mararamdaman nito ang biglang pag babago ng reaction ng katawan nya at ewan ba nya bakit biglang lumakas ang signal ng dragon nya. “Ano nga kasi?” “Im boner right now and it because of you. Im sorry.” wari na hihiya pa itong sabihin iyon. Buti nalang suot na ni Amara ang helmet nya kundi makikita nito ang pag ngiti nya. Anong nangyari dito ngayon bakit para itong teenager na nahihiya. Samantalang lantaran ang pag palandi nito sa kanya kapag may pag kakataon at meron na rin nangyari sa kanila noon. Ngayon pa ito nahiya sabihin na tinitigasan ito. “Tigang ka ba ang bilis mong tigasan.” ani Amara na bumaba na ng motor nya. Umisod naman si Zian para pumuwesto sa driver position sumakay naman si amara sa likuran nito. “Okay na po ba sir komportable ka na ba?” “I am celebate.” “Paki spelling baka di mo alam ang meaning nun?” sarcastic na ani Amara ng umandar na sila. Mabagla lang ang patakbo ni zian ng simula pero ng bigla nito iyon paliparan wala sa loob na napahawak sya sa bewang nito. Na alala nya nung gabing na aksidente sila sa motor. He protected her for all cost. Pinakiramdaman ni Amara ang puso nya habang nakayakap sya sa likuran nito. Naka helmet sya habang si Zian ay wala kaya hindi makikita ni Zian na biglang pag babago ng mood nya. Bigla kasi nanariwa yung sakit na paulit ulit nyang kinakalimutan. Yung sakit ng umalis sya 7 years ago at yung sakit years ago na handa na sana syang sabihin rito ang tungkol sa baby nila but the accidents happen. She lost her baby dahil sa kapabayaan nya at wala syang ibang puwedeng sisihin kundi sarili lang nya. Pumikit sya at hinayaan na maglandas ang luha sa pisngi nya. Mukha lang syang okay sa panlabas pero deep inside unti unti na syang na uupos. Iyon ang gabi gabi nyang nararamdaman kapag mag isa nalang sya sa condo nya at lihim nyang pinasasalamatan kahit papano ang presensya ni Zian na sa araw araw na ginawa ng diyos sa pang bubuwisit sa kanya. Nagagawa nyang makalimot sa nararamdaman nya. ***** “Umuwi ka na.” halos pagtulakan ni Amara si Zian pero ayaw nitong umalis. Nilanpasan na nila ang likuan patungo sa condo nito kanina. Inaway pa nya ito hanggang sa makarating sila ng condo nya. Akala nya umalis na ito kanina pag baba nito sa may entrance ng condo nya habang sya naman ay dumeretso sa basement parking ng condo. Ngunit nagulat sya ng makita si Zian na naka sandal sa pinto ng condo nya na parang kanina pa ito nag iintay. “Dito ako makikitulog.” “Sira na ba talaga ang ulo mo.” “Pakiramdam ko oo.” mahinang sagot nito na parang na hihiya pang umamin bagay na ikinatameme ni Amara. Hindi talaga sya sanay kapag ganitong masyadong seryoso si Zian. Mas sanay sya sa mga dirty talk nito, Pang mamanyak at pang bubuwisit nito sa kanya araw araw pero kapag ganito itong seryoso pinakakabog lang nito ang puso nyang pagod na pagod ng mag mahal. “Utang na loob Zian umalis ka na.” “Ikaw ang mahal ko Amara.” napapikit si Amara sa sinabi ni Zian. Masarap iyon sa pandinig nya pero masakit para sa puso nya. “Sobrang miss mo na ba si Tamara kaya pati ako pag tyatyagaan mo na. Wala ka bang konsensya kahit konti lang … Pagod na ako Zian! Akala mo ba okay pa ako.” umiling iling si Amara saka pagak na tumawa. “Konting respeto naman Gatchalian.” tinabig nya ito para buksan ang pinto kailangan na nyang makapasok bago pa syang tuluyan mapaiyak sa harapan nito. Nangako na sya sa sarili nya noon na hindi na sya iiyak sa harapan ng kahit sino at mag mumukhang kaawa awa bago pa man nya maisarado ang pinto pinigilan na iyon ni Zian. “I love you because your the cadet officer who always bite her lips everytime im near 7 years ago at patutunayan ko sayo na nagkamali lang ako sa pag aakala kong ikaw si Tamara. Patutunayan ko that im worth for your love.” ani Zian saka ito bumitaw sa pinto saka tumalikod na para umalis. Natigilan naman si Amara dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin sya talaga ang gusto ni Zian pero dahil inakala nitong si Tamara ay siya kaya si Tamara ang naging karelasyon nito sa mahabang panahon. Ngunit imposible hindi nahulog ang damdamin nito kay Tamara nakita mismo ng mga mata nya kung gaano kainit ang pag sesex ng mga ito. Mabilis syang umiling iling hindi sya puwedeng mag isip ng kung ano ano. Tama na ang pag ibig pag ibig na yan. Kota na sya handa na syang tumandang dalaga hindi naman na sya virgin kaya okay lang kesa mag hukay nanaman sya ng sarili nyang libingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD