Someone's pov:
"Hello mga kachingu ako nga pala si Lucy Isabel Barcena the one and only lucy ang pinakamaganda sa lugar namin at-."hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang may magsalita na isang batang babae.
"Ang panget mo kaya pa'no ka naging maganda?."nakataas ang kilay na sabi ng batang babae na may dalawang ponytail sa buhok.
"Oo nga panget mo!."dagdag naman ng isa pang batang babae din na nakabund ang buhok.
Nalungkot ang mukha ni Lucy at yumuko.
"Maganda kaya ako."naluluhang sabi nya.
Nagtawanan naman ang ibang mga bata.
"Sino nagsabing maganda ka eh bungi ka nga."sabi muli ng batang isa habang tinuturo sya at nagtawanan naman ang iba pang mga bata na nakarinig sa sinabi nito.
"Panget, panget, panget!."
sabay-sabay na sabi ng mga mata habang tumatawa.
Di naman napigilan umiyak ni lucy dahil tinutukso sya ng mga ito.
Napaupo sya saka umiyak.
"Hoyyy!." sigaw na nadinig ni Lucy kaya nahinto sya sa pag iyak at nahinto din sa pagtawa at pang aasar ang mga bata.
Sabay sabay silang napalingon sa sumigaw.
Nakita nila ang isang batang babae na palakad papunta sa kanila.
Nang makarating ito at namewang ito saka tumaas ang mga kilay.
"Bakit nyo sya pinaiiyak huh?Gusto nyo samain kayo sakin hah. " matapang na sabi nito saka nilapitan isa-isa ang mga bata.Natakot naman ang mga ito saka nagsitakbuhan.
Nanatili lang nakatingin si Lucy sa batang tumulong sa kanya.
"Tsk..matatapang kasi madami sila."dinig pa nyang sabi nito at humarap sa kanya na may ngiti s mga labi.
"Ok ka lang ba?,"tanong nito habang nakangiti at tinulungan syang tumayo.
"Sa.. lamat." sisinghot-singhot na sagot ni Lucy.
"Ako nga pala si Jieun ikaw anong pangalan mo?."tanong nito habang nakaupo na sila sa isa sa mga bench sa park na malapit sa kanila.
"Ako si Lucy, salamat sa pagtulong sakin huh pwede ba best friend na tayo?." excited na sabi ni Lucy habang nagniningning ang mga mata na nakatingin kay jieun.
"Oo ba best friend." masiglang sagot naman nito sa kanya saka sila nagyakap ng mahigpit.
Samantalang sa mansion naman ni Mr.Chua ay nakaupo si Zeus sa patio habang nakatingin sa labas ng gate nila.
"Anak halika pupunta tayo sa school kung saan ka mag-aaral."pukaw sa atensyon nya ni Mr. Chua.
"Sige dad." sagot naman nnit.Nasanay na syang managalog at tawagin daddy si Mr. Chua sa paglipas na isang buwan at ito nga ay mag papa-enrol na sya sa elementary.
Kahit ayaw nya ay wala syang magagawa dahil kasama iyon sa plano na gawin lang syang simpleng bata.
Lumabas sila sa mansion na nakakotse katabi nya ang daddy nya.
Nakatingin si zeus sa dinadaanan nila at namamangha sya sa nakikita nya.
Nang makarating sila sa school kung saan sya mag a-aral ay bumaba na sila saka sila pumasok sa principal office.
"Good morning Mr. Martinez. " bati ni Mr. Chua.
"Good morning din mr. Chua, sya na ba ang anak mo?."ganting bati nito at kinamayan din si Mr. Chua.
"Yes ikaw ng bahala sa kanya. " nakangiting sagot naman ni Mr. chua.
Tumango si Mr. Martinez saka sila lumabas sa opisina ng principal at nilibot sila.
"Ito ang magiging room nya Mr. Chua, wait pakikilala ko sya."masiglang sabi nito at pumasok sa room.
"Hello children may bago kayong classmate kayo ng bahala sa kanya huh, wag nyo syang aawayin ok ba yon?." malapad na pagkakangiting sabi ni Mr. Martinez.
"Opo principal."sagot naman ng mga bata.
"Halika na hanap ka na ng upuan mo." sabi nito kay zeus at iginaya sya sa loob ng classroom.
Agad syang naupo sa bakanteng upuan sabay naman lumabas si Mr. Martinez at si Mr. Chua.
Sinulyapan pa sya ni Mr. Chua na nag-aalala.
Pero tinaguan lang ito ni zeus at ngumiti ng bahagya.Kaya napanatag naman ang kaloob ng daddy nya.
Tahimik lang na nakikinig si zeus habang umiikot ang mga mata.
Nang matapos ang klase ay di pa sya umuwe umikot pa sya sa loob ng eskwelahan hanggang sa napunta sya sa likuran bahagi.
Nakakita sya ng isang puno na mataas at mayabong kaya agad syang umakyat dito.
Tinawagan nya si Celia para sabihin wag syang gambalain kung nasan man sya.
"Pakisabi kay daddy na uuwe na lang ako alam nyo naman kung nasan ako di ba" sabi ni zeus kay Celia.
"Yes my Lord. "magalang na sagot ni Celia sa kanya.
Pinatay na nya ang tawag at marahan syang pumikit.
Nakakaramdam sya ng ginhawa kapag nasa taas sya ng puno.Napapanatag din ang kalooban at pag iisip nya.
Wala pa din syang balita sa mga magulang nya kaya nag aalala pa din sya na kung baka napano na ito.
Pero sinasabi ni Celia na maayos ang lagay ng mga ito kahit wala pa syang balita.
Napabuga sya ng hanging saka dumilat.
Medyo nasisilaw pa sya sa sikat ng araw na tumatagos sa mga dahon ng puno.
Tinaas nya ang kanyang mga kamay at pinaglaruan ang araw.
Nasa ganon syang posisyon ng makarinig sya ng munting mga tinig.
Agad bumaling tingin nya sa baba at nakita nya ang dalawang batang babae.
"Best bakit ba nandito na naman tayo?." reklamo ng isang batang babae na maiksi ang buhok.
"Masarap kasi dito best mahangin saka tahimik. "sagot naman ng isang batang babae na may kahabaan ang buhok at halatang masayahin.
Ibinalik na ni zeus ang pwesto nya at muling pumikit.
Nadidinig nya pa ang pag uusap ng dalawang batang babae sa ibaba ng puno.
"Ano ba ang gusto mo sa lalaki best?." dinig nyang tanong nito na humahagikgik pa.
"Simple lang best gusto ko yung matapang yung kaya akong ipaglaban sa mga masasamang tao."sagot naman ng isang humahagikgik din.
Di na namalayan ni zeus na napapangiti sya sa nadidinig nya.
"Ano yung best super hero lang ang peg. "natatawang sabi nito ulit.
"Bakit best ang gwapo kaya ng mga super hero. "sagot naman ng isa.
"Best aanhin mo ang gwapo kung di ka naman pakakainin."kontra naman ng isa sabay tawa.
"Tsk...ewan ko sayo best basta ayun gusto kong maging asawa."nangangarap na sagot nito.
Dinig naman ni zeus na humagalpak ng tawa ang kaibigan nito.
Natawa ng mahina si zeus dahil sa pinag uusapan ng dalawa ayaw nya na maistorbo ang mga ito kaya nanatili syang tahimik.
"Ang bata pa natin asawa agad ang nasa isip mo, " natatawang sabi pa din ng kaibigan nito.
"Best in future lang naman eh."tingin ni zeus ay nakasimangot na ito kaya bahagya syang sumilip.
Di nga sya nagkamali at nakapout na ito.
"Ang cute naman nya."mahinang sabi ni zeus habang nakangiti at nakatingin sa batang nasa baba ng puno.
Hindi nya alam kung bakit di nya maalis ang paningin nya sa batang babaeng may kaputian at mahaba ang buhok di nya namalayan na nakatitig na sya dito.
"Best parang may nakatingin sakin." nahihintakutan sabi nito sabay yakap sa sarili.
"Best wag ka naman manakot." sagot naman ng isa na niyakap din ang sarili at nagpalinga linga pa.
Agad naman nagtago si zeus dahil baka makita sya ng mga ito.
"Alis na tayo best nakakatakot."yaya nito at nagmamadaling umalis sa lugar.
Agad naman tumalon si zeus kasabay ng buntong hininga.
"Sayang gusto ko pa naman sana syang titigan pa."nanghihinanayang na sabi nito habang nakatingin sa daan na tinahak ng dalawang batang babae.
Tinawagan na nya ang driver nila saka sya nagpasundo dito.
Agad dumating ito at umuwe na ng mansion.
Lucy povs:
Maaga akong pumasok dahil kahapon di ako nakapasok.
Pag pasok ko ng room ay agad kong nakita si jieun.
"Best!!!."tili ko pagkakita ko sa kanya, dahil di ako makapaniwala kaklase ko sya.
Agad akong lumapit sa kanya saka umupo sa upuan katabi nya.
"Akalain mo magkaklase pala tayo."di makapaniwalang sabi ko.
"Oo nga eh nakakatuwa. "sagot din ni jieun sakin na nakangiti.
Agad silang napalingon sa lalakeng tumabi sa upuan nya.
Nakakunot noo naman sya samantalang yung lalake naman ay halatang gulat na gulat.
Inirapan ko na lang ito." Ganon ba ko kaganda para ikagulat nya"sabi ko sa isipan ko.
Nahinto kami sa pagkukwentuhan ng pumasok ang teacher namin.
Nang matapos na ay sabay kami lumabas ni jieun na nakaakla ang mga kamay sa braso nya.
"Grabe best ganda ko talaga." sabi ko sabay flip ng buhok ko.
Natawa naman si jieun sakin.
"Bakit best?." natatawang tanong sakin ni jieun.
"Kasi naman yung katabi ko sa upuan gulat na gulat pagkakita sakin i mean sa ganda ko. " maarteng sabi ko, natawa naman si jieun na ikinasimangot ko naman.
"Best naman pinagtatawanan mo ko. "nakapout na sabi ko.
"hehehe sorry na." nakangiti pa din sabi nito saka kami pumunta sa canteen ng school.
Kumain kami ng paborito namin turon saka palamig.
"Best sayo nga muna 'tong id ko kainis nasasakal ako!."sabi ni jieun bago isubo ulit ang turon.
Agad ko naman sinabit sakin yung I'd nya na may name tag.
Yung akin kasi di ko sinusuot dahil naiirita ako sa picture ko dun.
Pagtapos namin kumain ay di pa ko umuwe pero si jieun ay umuwe na dahil kelangan na sya sa bahay nila.
Dumeritcho ako sa tambayan namin sa likuran ng school sa may malaking puno.
Pagdating ko doon ay naupo ako at sumandal sa puno.
Tinaas ko ang kamay ko dahil nasisikatan ako ng araw.
Nilaro laro ko yung araw sa kamay ko saka ako bahagyang napatingala.
Pagtingala ko nagulat ako dahil may nakasilip at nakatingin sakin.
Bigla akong napatayo dahil nahulog ito sa puno mula sa itaas.
"Sh*t!."dinig kong sabi nito pagkabagsak.
Nang makabawe naman ako sa gulat ko ay nilapitan ko sya at tinanong.
"Ayos ka lang ba?."nag aalalang tanong ko kasi di biro yung taas na binagsakan nya.
Agad naman ito tumayo ng maayos pero napangiwi din kaya bigla akong natawa.
Kumunot naman ang noo nito at tinignan ako ng salubong ang kilay kaya nahinto ako sa pagtawa ko.
"Sorry ang cute mo kasi tignan. "natatawang sabi ko pa din.
Naubo naman ito bigla kaya nilapitan ko sya saka ko bahagyang hinimas yung likuran nya.
"Ayos ka lang ba talaga, gusto mo dalhin na kita sa clinic?."nag aalalang tanong ko pa din sa kanya.
"No.I'm fine thank you. "sagot agad nito sakin.
"Sigurado ka ba? " tanong ko ulit at di inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
"Yeah I'm totally fine."naiiritang sagot naman nito sakin.
Nakita ko na nakatingin sya sa name tag na nakasabit sakin.
Nang umangat sya ng tingin ay tinalikuran na nya ko.
Nahabol ko na lang sya ng tingin at napapataas ang kilay.
"Hmmp.. ang sungit sayang gwapo pa naman." sabi ko sa sarili ko.
"bakit kaya ganon na lang reaksyon nya, nun nakita nya ko sa room natulala sya ngayon naman nahulog sya pagkakita sakin, sobrang ganda ko ba talaga?." hagikgik kong tanong sa sarili ko.
Naupo ako ulit sa puno saka sumandal gusto ko kasi dito kesa sa bahay masyadong magulo.
Dito tahimik at payapa, gusto ko talaga ang ganitong lugar.
Nakatingin lang ako sa kawalan habang madami tumatakbo sa isipan ko.
Mga bandang alas singko na ko umuwe sa bahay namin.
At gaya kanina ng umalis ako ganito pa din ang madadatnan ko.
"Wala kang kwentang asawa!." sigaw ni nanay kay tatay dahil nakaupo na ito sa upuan at lasing na naman.
"Wala ng makain ang pamilya mo alak pa ang inaatupag mo!." sigaw muli ni nanay.
Ewan ko ba naman kasi sa edad kong walong taong gulang ang lawak na ng kaalaman ko lalo na sa buhay na meron ako ngayon.
Si nanay sunod sunod na nanganak samin, ako ang panganay tapos nasundan pa ng maliliit ko pang kapatid.
Lima kami tatlong lalaki saka dalawa kaming babae si krizzia.
Kaya nagsusumikap ako na mag aral para naman maiahon ko sa hirap ang buhay namin.
Wala na kasi akong pag asa kay tatay 'eh dahil wala na 'ata balak magbago.
Nag iiyakan ang mga kapatid ko kaya nilapitan ko sila saka inalo.
"Pesteng buhay!." sigaw ni tatay bago kami iwanan saka lumabas ng bahay.
Napaupo naman si nanay habang umiiyak kaya binigyan ko sya ng tubig.
Pagtapos ay niyakap ko sya ng mahigpit at di ko napigilan di maluha.
"Pangako nay makakaahon din tayo sa hirap, " lumuluhang sabi ko habang nakayakap pa din kay nanay.
"Oo anak sisikapin ko na makapagtapos kayo."sagot naman ni nanay sakin saka kami nagyakapan muli ng mahigpit.