Chapter 5

1462 Words
Chapter 5Calleigh Jean's POV Nakita ko si Michael na para bang nagmamadali. Sinundan ko naman siya ng palihim. Nagtago naman ako sa may gilid ng building. Enough to say na hindi nila ako makikita. Nakita ko kasi na nasa unahan niya si Michie.  Parang nakaramdam ako ng selos. Alam kong mali ang magselos pero mahal ko si Michael e.  Agad namang lumingon si Michie nang tawagin siya ni Michael. Hinawakan nito ang baba ni Michie. Nagkatitigan sila na mas lalo kong ikinaselos. May ginawang kakaiba si Michael. Itatanong ko nalang sa kanya.  Umalis na si Michael. Sinulyapan ko naman si Michie pero nakatalikod na siya sa akin kaya mas minabuti kong sundan nalang si Michael tutal siya naman ang gusto kong kausapin. Gusto ko sanang samahan si Michie kasi mukha siyang naliligaw kaso may mas importante akong gagawin. Nawala sa paningin ko si Michael. What do you expect? Prince siya at may magandang ability. Mas mabilis silang kumilos kumpara sa mga normal na bampira.  I am not just a normal vampire. Ako yung bampirang nakatakda para mabiyayaan ng mas malakas na ability. Bale kapag may ipinapanganak na royal prince, nagkakaroon ng nakatakda. Kasing edad at kasing araw at oras ipinangak. Natyempuhan na ako iyon. Nakakalungkot isipin na ang weak ko kumpara sakanya at kay Geo. Pero halos lahat ata ay naiinggit sa akin dahil ako yung nakatakda. Ay actually, dalawa kami, ako at si Nica. Si Nica na hindi maitama ang asal. Ginamit niya ito sa pambubully at pagmamayabang. Wala naman akong mapapala kung pakialaman ko pa siya. Kanina pa ako pasikot-sikot at paikot-ikot pero hindi ko pa rin siya mahanap. Nakakapagod pala maghanap sa lalaking ayaw magpakita.  Napagdesisyunan ko na umuwi muna. Tsaka ko nalang siya kakausapin kapag nag karoon siya ng oras. Magpapahinga muna ako.  Napabuntong hininga naman ako. Sana pala ay sinamahan ko nalang si Michie. Nasayang oras ko kakahanap sa kanya.  "Searching for me?" Napatayo naman ako ng tuwid dahil may naramdaman akong yumakap sa akin. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya.  "Ang hilig mong manggulat." Bulong ko naman sa kanya. Tumawa naman siya. Nakakahawa ang tawa niya. Bumitaw na siya sa pagkakayakap. Aw, sayang nabitin ako.  "Follow me." Utos naman niya sa akin. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Sinusundan ko naman siya. Nakatingin lang ako sa likuran niya. Napakaswerte ko talaga dahil nakakasama ko ang isang katulad niya. Maraming nai-inggit sa akin. Marami ring galit pero hindi ko na pinapatulan. Noong bata palang kami ay lagi ko nang kasama ang mga Prinsipe. Kahit ganoon ay hindi ko pa rin mabasa ang daloy nang pag-iisip nila. Napakamisteryoso kasi nila. Yung tipo ba ng lalaki na maraming nililihim pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi humanga sa kanila lalo na kay Michael. Tiningnan ko ang dinaraanan namin. Mukhang papunta kami sa bahay niya dito sa loob ng Academy. Nasabi ko na bang isa siya sa may pinakamalaking bahay dito? Prinsipe e. Bias ang treatment sa kanila. Alam kong may pag-uusapan kami. Imposible rin na hindi niya naramdaman ang presensya ko kanina. Ngayon ko lang naalala iyon. Pumasok na kami sa bahay na tinitirhan niya. Ang kanya at kay Geo ang pinakamaganda at pinakamalaki. Sumunod naman yung sa amin ng mga SFG at SFB tapos yung kila Michie ay okay lang naman. May tiwala naman akong makakasama si Michie sa SFG. Maganda siya, maganda pa sa akin. Siya nga ata ang pinakamaganda dito. Hindi ko lang alam kung matalino siya. Pero si Geo at Michael ay parehas nasa rank 1. Tamad pa ngang mag-aral si Geo sa lagay niya pero Rank 1 pa rin.  Wala pa ngang nakakatalo sa kanya sa patalinuhan e. Si Michael naman e ayaw makipagkompitensiya kay Geo kaya hindi ito nasali sa mga paligsahan. Mas pinipili niyang tumulong sa business nila na isa sa pinakamalaki sa Pilipinas. Hindi rin siya nagpapakahirap mag-aral.  "I did that for her sake." Binabasa niya ata ang nasa isip ko. Alam niyang itatanong ko sa kanya kung anong nasaksihan ko kanina.  "Binura ko kung paano niya nakilala si Geo. May balak ako." Pagpapatuloy naman niya. Naramdaman ko ulit ang init ng yakap niya. Hindi ko alam ang reason niya pero for sure makakabuti iyon kay Michie knowing na kakaiba ang ugali ni Geo. Imbis na magtaka ako, magpapasalamat pa ako. "Ako ang nakipag-usap sa mommy ni Michie na dito siya papasukin para mabantayan ko siya. Para mabantayan mo. Aalis ang nag-alaga sakanya. Aasikasuhin ang business sa Canada. Ayoko rin na may mangyari sa kanyang masama kaya sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay ng magbabalak manggulo sa kanya." Ngumiti naman ako.  Kaya pala. Kinausapdin ako ng mommy ni Michie na sana maging kaibigan ko ang anak niya, since wala rin naman akong ibang kaibigan dito kundi si Michael lang. Siya lang yung tinanggap ako ng buong puso. Siya lang yung hindi nang-iwan. "At para hindi ko mapakasalan ang sarili kong kapatid." Yun ang nakatakda para sa kambal. Royal family sila kaya laging magkapatid ang pinapakasal. Mas gusto nilang ma-maintain ang pagka pure royal blood nila. Too bad, kasi hindi si Michael ang tipo ng lalaki na handang pakasalan ang sariling kapatid.  "You will be my wife, Calleigh." Automatic na napaangat ang ulo ko para makita siya. I can see that he is sincere. Napaluha ako at napayakap nang mahigpit sa kanya. Papakasalan ako ng lalaking matagal ko ng mahal.  "Michael." Kaming dalawa lang ang nakakaalam sa relationship namin. Boyfriend ko siya pero kailangang itago kung hidi ay paghihiwalayin kami. Handa niya akong ipaglaban kahit anong mangyari. Hindi rin niya hahayaang masunod ang gusto ng kanyang mga magulang. Para sa kanya, kasalanan ang pakasalan ang sariling kapatid. Kahit sa akin ay mali iyon.  "Calleigh, I love you" He started kissing my forehead, nose then he kissed me on my lips. Gustong gusto ko ang kasweetan niya. I am really in love with this man. Saglit lang ang halik niya. Ayaw din naming may makakita sa amin. "Walang makakapaghiwalay sa atin, Calleigh. Mahal na mahal kita tandaan mo yan. Sorry kung iniiwasan kita. Alam mo naman na maraming mata dyan sa paligid." Sumang-ayon naman ako sa kanya. Kahit ako ay umiiwas. Ayokong malaman ng mga magulang ni Michael na may namamagitan sa amin. Siguradong ilalayo nila ang minamahal ko. No, hindi ako makapapayag. "Okay lang sa akin, Michael. Para rin naman sa ating dalawa ang ginagawa mo at isa pa, masaya nga ako kasi nagkaroon ako ng kaibigan. Si Michie, pangako na aalagaan ko siya at ituturing din na isang kapatid. May pagkasadista pa nga yun pero masarap siyang kasama. Nako, ibang-iba ang ugali niya."   Naalala ko na naman yung pangyayaring tinarayan niya ako. Nakakatuwa. Bukod kay Nica, siya lang ang gumawa sa akin noon. Takot kasi sa akin yung iba dahil mas malakas ako. "Mana yun kay Mommy." Hindi mo maipagkakait na magkapatid talaga si Michael at Michie. Oo, magkapatid sila, nahiwalay lang si Michie for some reasons. Matagal ko na ring kaibigan si Michie kaso tuluyan na niya kaming nakalimutan. Sa ngayon ay kailangan naming magpanggap na walang nangyari sa nakaraan. "Nga pala, walang dapat na makaalam na siya ang Princesa. Marami akong plano. Kaya kailangan ko ang tulong mo." Naiintindihan ko naman. Ayaw niyang malagay sa kapahamakan ang kapatid niya. Matagal pa namang nahiwalay ito sa kanya. Matagal rin naman niyang binabantayan si Michie simula nung nawalay ito.  Kaya lang naman ako nagseselos dahil baka tuluyang mahulog ang loob ni Michie kay Michael. Baka ipilit na silang dalwa ang ipakasal. Sobrang sakit noon kapag nagkataon. Huwag naman sanang manyari ang kinakatakutan ko. Ayokong mawalan yung lalaking minamahal ko at unang kaibigan ko. "I'll do my best para sa kaligtasan niya." Ginulo naman niya ang buhok ko kaya napasimangot ako. Hindi ko na ata kakayanin kapag nahiwalay sa akin ang best friend ko.  "Puntahan mo na si Michie. Pacheck kung nahanap niya na yung room niya." Natawa naman ako sa sinabi niya. Mukhang nararamdaman niya rin na naliligaw ang babaeng yun. Magkaiba sila ng ugali ni Michael. Seryoso kasi itong lalaking to samantalang si Michie ay lumaking sutil, mataray at makulit.  "Uhm, pwede mo bang tulungan si Michie para makasama sa SFG?" Sana pumayag siya para makasama ko siya at mas mabantayan.  "Hindi na." Kapatid niya ba talaga to? Hindi man lang niya tulungan ang kapatid niya para makasama namin sa highest section, plus hindi na siya mahihirapan pang mag-aral sa loob ng apat na taon. Magiging dalwang taon nalang kasi.  "Bakit naman?" "She can handle it. Napakaganda ng kapatid ko. Matalino pa siya sa akin. Kakaibang princesa siya. Hindi ko nga alam bakit naging kapatid ko ang isang tulad niya. Mas mabait lang ako sa kanya. Puntahan mo na siya." Natawa na naman ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti at tumawa nang ganito. at dahil iyon kay Michie. I want to know more about Michie. Hindi na kasi siya katulad ng dati. Malamang ay binura nila ang alaala nito. Nakakalungkot . Umalis na ako para hanapin siya. Well, wala naman nakakakita sa akin na pumupunta ako sa lungga ni Michael eh. I'm pretty sure. Mabilis akong kumilos. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD