Nang dumating ang order nila ay di na siya nagpigil pa ng kain lalo dahil halos punong puno ang mesa nila ng mga pagkain. Pawang masasarap kaya naman ay nilantakan niya na. As if its her last meal sunod sunod na subo ang ginawa niya. Halos paubos na ang pagkain niya ng mapansin niya na di kumakain ang lalaki at tila gimbal na gimbal sa mala marathon sa bilis niyang subo ng pagkain. Nahihiyang huminto siya sa paglantak sa pagkain At nagpunas ng gilid ng bibig niya. Anong magagawa niya kung gutom na gutom talaga siya alangan naman sayangin niya ang mga pagkain. "Pasensya na ho Sir, di pa kasi ako kumakain mula kaninang umaga." paliwanag ko. "What??? are you for real anong oras na wala pang laman ang tyan mo?" gulat na sabi nito. "Maaga pa po kasi ang klase ko kanina. Tsaka nagmadali na a