"A certain Mayeth oros. Yeah near Bicutan just use your connection and a certain Bogart. I think it has something to do with the drug syndicate. Okay I'll take pictures of the kid's wound and bruises thanks my man." sabi nito sa kausap. Mukhang maghihimas rehas si Tiyang Mayeth ngunit wala siyang maramdaman na ni katiting na awa para sa babae. Kulang pa iyon upang pagbayaran ang ginawa nito sa kanyang kapatid. Marahil ay iyon na ang sagot sa kanilang problema ito na ang tamang oras ng paniningil nila sa mga naging kasalanan at p*******t nito sa kanila. Mayamaya ay may tinawagan na naman ito. Iba talaga pag yayamanin unlimited call samantalang silang mahihirap puro message request lang ang walang pang load. Minsan humihiram pa sa 808 ba yun, ito walang kahirap hirap tawag dito at tawag doo