Sinundan ko nang tingin ito na papuntang sasakyan na nito. Nagulat pa siya ng maya maya ay muli itong bumaba ng sasakyan. Mabilis ang mga hakbang papasok ng kabahayan napasunod ang tingin niya sa lalaki mukhang may nakalimutang inportante kaya bumalik. "May nakalimutan kaba?" tanong ko dito ng malapit na ito sa kanya. "Yes." sagot nito. "Anong nakalimutan mo?" taka kung tanong kasi papalapit ito sa kanya. "Nakalimutan kung pagbayarin ka." sabi nito. Siya naman alam niyang namutla siya saang kamay ng diyos niya kukunin ang pampaayos ng sasakyan nito. E nakikitira at nakikikain na nga lang silang magkapatid dito e. "Akala ko ba pagta trabahoan ko ang bayaran ko sa kotse mo?" para siyang nanghina bigla doon. Wala pa man din siyang kapera pera sa mga sandaling ito. "Ibang utang ang sisin