Dinukot niya ang kanyang cellphone. Ilang message din ang di pa niya nabubuksan kung kaya ay binuksan na niya. Dalawa ang galing kay Rio. Tinatanong nito kung dumating na ang load. Nang makita na meron naman notification ay nereplyan na niya kaagad ito. "YES!" Naka capslock pa para intense. Ilang sandali pa ay nagreply na ito. "Hay naku Inday mayaman kana wala ka paring load?" Text uli nito. "Tado, anong mayaman anong akala mo sa akin bangko? Gawa mo diyan? Hinay hinay sa kakapacute baka mabwesit yan sayo bukolan ka." Text ko sabay send dito. Ilang sandali pa ay nag reply na ito. "Tado ka din! Gaga ka talaga. Kj ka talagang bruha ka, friend ba talaga tayo?" Napangisi siya sa text nito. "O ay di ko din alam e!" Natatawa kung na send ang message. "Pag kinasal ako susungalngalin talaga