CHAPTER 12

2489 Words

Natawa na lang si Avery sapagkat nauutal pa si Zeo noong tinanong siya nito kung puwede ba siyang halikan. Kaya nang hindi pa ito kumilos ay mabilis niyang kinabig ang batok at mariin niyang hinalikan ang labi nito. Narinig niyang napaungol ito sa ginawa niya. Halos hindi na siya makahinga nang maayos dahil ang lapit-lapit nito sa kaniya at ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata. Naramdaman din niya sa sarili niya na nasisilaban na siya kahit naghahalikan lang naman silang dalawa. Masarap humalik si Zeo dahil parang nawawala na siya sa sarili niya. Paano na lang kung lumampas na sila at naabot na ang rurok ng sarap na siyang patuloy na pinapalasap nito sa kaniya? Baka mabaliw siya dahil sa sarap na naramdaman niya. Alam niya sa sarili niya na kahit anong tanggi n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD