Kinaumagahan ay masaya si Avery dahil mabuti na ang kaniyang pakiramdam. Hindi kagaya kahapon na gusto na lang niyang humiga sa couch sa opisina niya. Muntik pa nga siyang hindi makauwi kung hindi lang siya ginising ng kaniyang sekretarya. Inunat niya ang kaniyang katawan bago pumasok sa banyo para maligo. Hinubad niya lahat ng saplot niya sa katawan bago niya tinapat ang kaniyang sarili sa shower. Napapikit siya at ninamnam ang pagdaloy ng malamig na tubig sa kaniyang katawan. Nakakagaan sa pakiramdam ang lamig nito. Tumingala siya at pumikit. "Ngayon ay aalis ako para makapaghinga ka pero sa susunod ay hindi na ako makakapayag na mawala ka sa paningin ko." Kinakabahan siya sa pagngisi nito na para bang determinado ito na makuha siya ulit. "Kapag hindi mo ako kayang tanggapin sa buhay m