CHAPTER 3

1876 Words
Hanggang ngayon, hindi pa rin inaasahan ni Avery na makikita niya si Zeo nang ganoon kaaga. Alam naman niyang dadating ito dahil nakita niya mismo sa guest list ang pangalan. Akala niya ay wala ng epekto ang lalaking iyon sa kaniya pero hindi pala. Nang makita niya ito, bumalik ang lahat ng sakit na pinaranas nito sa kaniya. Alam niya sa sarili niya na mahal pa niya ito dahil kung nasasaktan pa siya ibig sabihin, hindi pa rin nawala ang pagmamahal niya sa lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan iyong sinabi nito sa kaniya. Kahit pala isang salita lang iyon, kapag mismong nanggaling sa bibig ng taong mahal ay sobrang sakit ang maidudulot sa sistema ng salitang iyon. Nagpasalamat nga siya sa oras na iyon dahil hindi siya pumiyok sa harapan ng binata. Napabaling ang atensyon niya sa pinto nang bumukas ito at iniluwa nito ang sekretarya niya. Napailing na lang siya sa ginawa nito dahil wala talagang pinagbago ang babaeng ito. Hindi pa rin marunong kumatok sa pinto. Kung may kababalaghan siyang ginagawa rito sa opisina ay baka matagal na nitong nakita kung ano ang ginawa niya sa loob. Nasanay na siya sa sekretarya dahil isa rin ito sa taong tumulong sa kaniyang makaahon. Alam nito ang pinagdadaanan niya noong siya'y hindi pa nakamo-move on sa binata. "Miss Avery, tumawag po ang kaibigan ninyo na si Ms. Jess. Ang tanong niya ay bakit hindi ninyo sinasagot ang tawag niya sa ’yo?" nakangiting tanong nito sa kaniya kaya napailing na lang siya nang makalimutang tawagan ang kaibigan. Kinuha niya ang phone sa bag at napamura siya sa maraming missed call nito. "Okay, nakalimutan ko pala. Puwede ka ng umalis, Willaine." Nag-dial siya para tawagan ang kaibigan niyang si Jess. Isang ring lang ay sinagot na nito kaagad ang kaniyang tawag. "He–" Hindi pa nga siya tapos sa pagbati niya ay biglang may sumigaw sa kabilang linya kung kaya’t nilayo niya ang phone sa tainga niya. Pinindot niya ang loudspeaker na nakababasag talaga ng eardrums. Kung makasigaw ay parang nakalunok ng megaphone. "Puwede relax ka lang," natatawang pagkakalma niya sa kaibigan. "Buwesit kang babae ka! Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko? Kanina pa ako tawag nang tawag sa ’yo pero hindi mo sinasagot!" Ganito ito kapag hindi niya sinasagot ang tawag parang mapapraning! "Kumalma ka, bruha ka! Huwag kang sisigaw!" "Ave, paano ako kakalma? Hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?" Tinawanan niya lang ito. Alam niyang namumula na ito sa galit. Mas lalo niyang inasar ang kaibigan. Masarap kasing asarin dahil ang dali lang mamula ang pisnge nito kapag galit. "Nakakasakit ka na ng damdamin eh, 'no?" Narinig niyang huminga ito nang malalim sa kabilang linya. "Hindi mo ako tinawagan kagabi. Nagtatampo na talaga ako sa iyo." Alam niyang napanguso ito. Mas lalo siyang napangiti sa sinabi ng kaibigan. "Okay, sorry. Anong gusto mo?" "Punta tayong bar mamaya. Huwag kang tumanggi riyan! Alam mong hindi ka makakatakas sa akin!" *** As usual pagkapasok pa lang niya sa loob ng bar ay maraming nagtutukaan at parang mga ahas kung makakapit ang mga babae sa mga partner nila. Napailing na lang siya. "Nasaan kaya ang babaeng iyon?" At sa paghahanap niya, hindi niya namalayan na may makasasalubong siya sa daan. Nakabangga siya sa isang matigas na dibdib, hindi niya alam kung sino iyon. Muntik pa nga siyang matumba kung hindi lang nito naagapan ang pagkayapos sa baywang niya. Napakunot ang noo niya nang maamoy ang pamilyar na pabango nito at awtomatikong lumayo ang katawan niya sa lalaki nang maramdaman niya ang init ng katawan nito. Pumikit siya at umiiling. Hindi puwede. Ayaw pa niya itong makita. "Sorry, miss. I don't have any intention to bump you. It was an accident." Nanigas siya sa kinatatayuan niya nang marinig ang baritonong boses nito. Hindi siya puwedeng magkamali, kilang-kilala niya ito. "We meet again, my sweet innocent Avery," nakangising sabi nito. Akmang sasagutin na niya ito nang biglang may babaeng yumakap at humalik sa labi ni Zeo. Pagkakita niya sa eksena ay biglang kumirot ang puso niya. Hanggang ngayon ay may relasyon pa rin pala ito sa dating bestfriend niya. "Oh, sorry," sabi ni Clarissa na hindi pa rin nakatingin sa kaniya. Ito ang babaeng pinagpalit sa kaniya at ang babaeng totoong mahal ni Zeo. Biglang humarap ito at nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya na para bang hindi inaasahan nitong makita siya. "Hi, Avery! Ikaw pala!" nakangising bati nito at tinuro siya. "It's you. The one and only ex-girlfriend of my loving Zeo." "Stop it, Clarissa!!" May pagbabanta ang boses ni Zeo at tinanggal ang pagkakapit ni Clarissa sa leeg nito. Bumaling ito sa kaniya at umiling. ''It's not what you think, Ave." "No, it's okay. You don't need to explain because I don't have the right to complain." Ngumiti siya sa mga ito. "And of course! Puwede ninyo naman gawin ang gusto ninyo kasi mahal ninyo naman ang isa't isa," patuloy niyang sabi nang nakangiti. "Yeah, you're right!" pagsang-ayon ni Clarissa sa kaniya. "We love each other, right love?" akangiting hinagkan ulit nito si Zeo. Napailing na lang siya sa mga pinaggagawa ni Clarissa. "Sige, mauna na ako," aniya at tumalikod na sa kanila. Ayaw na niyang makita ang mga ginagawa ng mga ito at ayaw niyang marinig sa mismong bibig ni Zeo na mahal pa rin nito ang babaeng pinagpalit sa kaniya. Nagbuntong-hininga na lang siya, napagdesisyonan niyang ibaling na lang ang atensyon sa ibang tao kaya tinawagan na niya si Jess. "Hello, Jess. Nasaan ka na?" "Halika! Pumunta ka na rito sa second floor. Right side sa pangalawang door. Okay?" "Okay, bye," paalam niya sa kaibigan. Pagpasok niya roon ay nakita niyang komportableng-komportable itong nakaupo sa sofa at nagsalin ng inumin sa baso nito. Ngiting-aso ang gaga, tantiya niya ay parang kanina pa ito umiinom. Napailing na lang siya sa kaibigan. "Hi, friend!" bati nito sa kaniya. "Hi," tipid na sabi niya. Napatigil ito sa pag-inom ng wine at nawala ang ngisi nito sa mga labi nang nahalata nitong may problema siya. "Oh, kung makabusangot ka riyan ay parang pasan mo ang mundo ah,” natatawang biro nito sa kaniya kaya napasimangot siya. "Tumigil ka! Bruha ka!" sita niya. "Anong problema?" nagtatakang tanong nito. Hindi siya umimik bagkus ay nakatingin lang siya sa kaibigan niya. "Ay dedma lang ang peg ko rito? Ano ito? Guessing game ang lalaruin natin?" Napaisip ito sandali. "Hulaan ko, si Zeo na naman, ano?" Kumuha ito ng inumin at ibinigay nito sa kaniya. "Tagay ka muna riyan," paanyaya nito sa kaniya. Inisang lagok lang niya ang alak. "Uhaw lang, teh? Ano ba ang problema mo?" Nagtatakang tumingin ito sa kaniya. "Zeo," mahinang sabi niya. "Ano na naman ang ginawa ng hayop na iyon?" "Hindi siya hayop, tao siya, Jess," paliwanag niya. Napaismid ito. "Tao o hayop. Asal-hayop pa rin iyon." "Sila pa rin pala." Tumingin siya sa kawalan at sabay nilagok ang alak. Nagtatakang tinititigan siya nito. "Anong sila pa rin? Ano bang pinagsasabi mo riyan?" "Sila pa rin pala ni Clarissa." Kumunot ang noo nito. "Ano naman sa iyo kung sila pa rin ng impokrita at dati mong bestfriend?" ''Ang sakit pa rin pala," naiiyak niyang sabi. Hinawakan siya nito sa kamay. "Friend naman! Akala ko ba naka-move on ka na?" "Akala ko nga rin naka-move on na ako pero noong makita ko siya ulit ay bumalik lahat. Akala ko okay lang sa akin at hindi na ako masasaktan. Sa anim na taon na iyon, ginawa ko ang lahat para makalimutan ko siya at ibaling ang pagmamahal ko sa iba pero noong nakita ko siya ay bumalik ang pagmamahal at sakit na naramdaman ko sa kaniya. Nandito pa rin siya." Tinuro niya ang dibdib niya. "Siya pa rin ang nagmamay-ari nito," humahagulhol niyang sabi. Naaawang tiningnan siya ng kaibigan. "Mawawala rin iyan kahit matagal pa ang abutin. Mamanhid rin iyan kapag nasanay ka na sa sakit na idinulot ni Zeo sa iyo," pag-aalo nito at yumakap ito sa kaniya. "Salamat dahil nandito ka at nakikinig sa kadramahan ko, Jess." "Wala 'yan, bestfriend. I’m always here for you kaya tumigil ka na sa kakaiyak. Ay, wait lang, Ave. Restroom muna ako." *** Napamura si Zeo nang makaalis na ito sa harapan niya. It was the chance to talk to her pero wala namang nangyari. Kung tawagin naman niya sa kompanya nito ay palaging sasabihin ng sekretarya nito na busy ito at ang schedule naman nito ay hectic. He tried to convince her to have some lunch or dinner with him but she was always saying no to his offer. Now that she was here but someone came up and ruined his chance. He didn't expect that Clarissa would interrupt. F*ck this life! Nanggagalaiting hinarap niya ito. "You know what, Clarissa? Stop following me! It was the chance to talk to Avery pero anong ginawa mo? Hinalikan mo ako sa harapan niya. You know what, Clarissa? I want to wring your neck until you die." Hinawakan niya ito nang mahigpit sa balikat. Nakita niyang bumalatay sa mukha nito ang sakit. "Zeo, masakit," daing nito at nagtangkang kumawala ito sa kaniya pero mas lalong niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat nito. "Talagang masasaktan ka kapag hindi ka tumigil." Marahas niya itong binitawan at tinalikuran. Narinig pa niyang tinatawag nito ang pangalan niya pero hindi na niya ito nilingon. Naglakad na siya patungo sa mesa nila. "Dude, bakit ganiyan ang mukha mo? Nakasimangot ka na naman?" nakangising biro ni Wayne sa kaniya. He hissed at him. "Bakit? Hindi ka ba naka-score sa mga chics dito?" mapang-asar na tanong ni Craig. "Di ‘yan mawawalan ng chics," nakangising sabi ni Ramm. Lumapit sa kaniya si Ken at hinaplos-haplos nito ang pisnge niya. "Kung wala ka nang nakikitang chics ay ako na lang. Puwede ako," pabakla-baklang sabi nito kaya natawa na lang sila. "Ano bang nangyari sa ’yo kanina?" nagtatakang tanong ni Wayne sa kaniya. Napabuntong-hininga siya at napasuklay sa kaniyang buhok dahil sa wala na namang napala ang pangalawang attempt niya. "Avery." "Oh, where is she, Zeo?" gulat na tanong ni Ken. "Nakaalis na." "Bakit hindi mo hinabol?" kunot-noong tanong ni Ramm. "Paano ako hahabolin kung palaging nakabuntot sa akin si Clarissa? Baka isipin ni Avery na kami pa rin ni Clarissa kahit sa totoo lang ay matagal ng walang kami." "Then tell her," saad ni Ken at bigla itong tumayo at nagpaalam na pupunta sa banyo. "Gusto mo bang mawala siya sa ’yo?" Napalingon siya nang sambitin ito ni Craig at nakita niyang nagsalin ito ng alak sa baso nito. ''Hindi ako papayag na mawala siya sa ’kin." Gulong-gulo na siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin para makausap ang dalaga. Paano niya ito malalapitan? Kung hindi naman siya nito gustong makausap o makita man lang. "Kung ganoon naman pala, don't give up on her. Si Avery nga, ginawa ang lahat para sa ’yo pero anong ginawa mo? Sinaktan mo siya." Natamaan siya sa sinabi ni Ramm. Tama nga naman ito. Nandoon na pero pinakawalan na naman niya. Nagsisisi talaga siya sa ginawa niya noon. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para makausap ang dalaga kahit kaonting oras man lang. Kaonting oras siya magpaliwanag sa dalaga sa mga kasalanan niya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD