CHAPTER 9

1686 Words

Pagkarating ni Avery sa opisina ay napansin niyang maraming nakatambak na papeles. Napatingin siya sa kaniyang likuran nang bumukas ang pinto. "Good morning, Miss Ave! Iyan po ang kailangan ninyong pirmahan ngayon din," magalang na sabi ni Willaine. Tinanguan niya ito. "Sige. Ako na ang bahala rito at tatawagin na lang kita kapag tapos na." "Okay po, miss." Lumabas na ito kaagad. Umupo na si Avery sa swivel chair niya at sinimulan nang basahin ang mga ito at pinirmahan. Lahat ng inaaprobahan niya ay nakalatag sa mesa at ang mga hindi niya inaaprobahan ay inilalagay niya sa kahon. Isinubsob niya ang kaniyang sarili sa kababasa. Hindi madaling maging CEO ng kompanya ng ama niya. Nakakapagod pero kapag nakasanayan na, ang sarap sa pakiramdam kapag marami siyang naitulong sa mga tauhan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD