REN EMEIKO’S POV Kinuha ko ‘yung remote at nilipat sa cartoon network. Wala namang umangal dahil busy ‘yung kapatid ko kakapindot sa cellphone niya. Lately hindi niya na hawak ang psp niya at panay na ang pindot sa cellphone niya saka hindi niya na din ako pinapakiaalam pagnililipat ko ‘yung channel. "Oy Ran, sino katext mo?” Tumingin siya sa’kin sabay subo ng pocky na kinakain niya. "Si Mican.” bahagya akong sumilip sa phone niya pero agad niya ding pinatay ‘yun. "Weh?” Tumayo siya at kinuha ‘yung box ng pocky na kinakain niya. "Saan ka pupunta wala akong kasama dito sa baba.” tinuro niya ‘yung kusina at umupo doon. "Dito para malayo layo sayo, chismosa ka eh.” binelatan ko siya at agad kinuha ‘yung phone ko sabay text kay Mican. 'Kan katext mo si bunso?' Sent 5:14pm 'Yep why?' S