REN EMEIKO's POV Nasa bus na kami ngayon magkakaklase, tabi kami ni mican at nasa unahan ang mga class representative namin kaya safe ako kay shiro or hiro ngayon at enjoy naman ako kasama si mican. "Mican bat ang laki ng dala mong bag ano ba mga laman nyan?" Tatlo kasi dala nyang bag isang parang maleta na tas backpack at isa pang maliit na bag para sa mga kikay kits nya ata. "Kasi malaki yung unan na dala ko di kasi ako sanay sa maliit saka nag dala ako kumot natin at sapin sa tent" sya pala ang nakatoka mag dala nun sakin naman ang tent at tuwalya naming dalawa. "Sige ang cute ng tent na binili ni papa kahapon, blue sya " nagsmirk sya. "Lahat naman ng color blue sayo ay maganda" natawa ako, wala akong magagawa doon dahil fav ko talaga ang color blue basta anything na may kahalong b