"TAKE A REST FIRST" Akma na sanang lalabas ng kwarto si Zion ng tinawag ko siya. "Zi? Sandali." Agad siyang lumingon. "Maraming salamat," Isang matamis na ngiti at tango ang natanggap ko sa kanya. "He's coming now. Magpahinga ka na muna," Tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto. Bumangon ako, at saka sumandig sa headboard ng kama. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng kwartong tinutuluyan ko. Ang lawak at napaka-kumportable. Ito ang kwartong pang-bisita nina Zion Alcantara. Anak siya nina Sir Duke at Ma'am Mars. May isa pa siyang kapatid na si Zevdiel. Panganay siya, pero mas matanda parin ng ilang taon si Lord sa kanya. Humagahulgol ako sa subrang takot ng mga sandaling iyon. Akala ko kung masamang tao na... iyon pala ay Zi lang. At dahil sa takot ko na rin, ay hindi ko napigil