Alex
*
*
boss ano ang susunod na gagawin mo? tanong ni gino
pupuntahan ko si Gabriella habang abala si kade sasamantalahin kong bogbugin ang asawa nya. iniwan nya ako at pinagpalit sa siraulo mafia boss nayon." pagalit na sagot ko
boss mag engat ka kilala natin si kade sa oras na nahuli ka niyang nagpapanggap sigurado papatayin ka." pahayag ni gino
huwag kang mag alala nandoon naman si Magnus." baliwalang sagot ko
saakin kalang babe! wala akong pakialam kung nalawayan kana ng mang aagaw mong asawa. mapapasaakin ka kahit anong mangyari. dapat ikakasal na tayo ngayon. pero dahil sa walang kwentang pamilya mo kaya nasira ang plano ko.
good evening boss! hindi namen naabutan ang kapatid ni mr spade may isang lalaki daw na laging kasama ni miss spade. personal bodyguard daw." bungad na wika ni wong
sinimsim ko ang laman ng baso. bago nagsalita
hanapin nyo huwag kayo titigil hanggat hindi nyo napapatay ang kapatid ng mafia boss nayon." walang emosyon sagot ko
yes! boss. sya nga pala may business trip si mr spade. baka maiwan ang asawa." sagot nito
good! magpadala ka ng tauhan. siguradohin nyong mapapatay nyo ang lalaking yon." malamig na utos sinagot ko ang tawag ni Magnus
boss aalis mamaya si kade pagkakataon mo na ibibigay ko sayo ang location." bungad na wika Magnus
hindi na ako nakasagot pinatay na nito ang phone ngumisi ako papahirapan kita hanggang sa maisip mong ako lang ang lalaking nararapat sayo. pag napangasawa kita mas yaman ako. nag iisang tagapagmana mana ng Ybarra. papalitan ko ang clothing company mo ng apilyedo ko." napapangiti ako sa aking naiisip malaking tulong ang ninakaw ni Magnus na prosthetic mask kaya pala nilang gayahin pati boses sana hindi mahalata ni Gabriella na impostor lang ang nabububog sakanya
*
*
Gabriella pow
*
*
nakasimangot ako paano ba naman kasi hindi ako makalabas ng bahay kung hindi bubuksan ni kade ang pinto. fingerprint lang ni kade ang makakapag bukas ng pinto. naiinis na naupo nalang ako sa sofa. natutulog na si kade kaya pagkakataon kona sana tumakas
bakit kaya hindi sinabi ni papa na patay na ang totoong mama namen ni jax. bakit niya hinayaan na saktan ako ni mama Minerva? kailangan ko nang kasagutan kahit na sinasaktan ako ni mama mapamahal siya saakin.
hindi ko namalayan nakatulog ako sa sofa.
kinabukasan
waaaaaahhhh.... gulat na sigaw ko nanlalaki ang mga mata ko nasa ibabaw ako ni kade nakahiga.
hmmm baby ang aga-aga bakit sumisigaw ka." namamaos na tanong nito nagmamadali akong bumangon subalit hinila ako ni kade pinahiga sa tabi niya at kinulong sa kanyang bisig.
baby ang bango mo." pabulong na sambit nito
hindi ako makalikos sobrang bilis ng t***k ng puso ko magkayakap kameng dalawa. bakit kinakabahan ako sa tuwing kasama ko siya. siguro dahil sa pinagbubuhatan ako ng kamay " sagot ng isipan ko
forgive me for all the sins I have committed against you. can we start again." he said
hindi ako makaimik sa aking narinig. ganon lang ba kadali yon? ilang buwan akong nagtiis sa pananakit niya tapos sasabihin niyang patawarin ko siya at mag umpisa kame.
baby! please forgive me." malambing na wika nito
bakit? pagtapos mo akong gawin libangan pag nagagalit ka. halos patayin mo ako. tapos gusto mo patawarin kita? puno ng hinanakit na sumbat ko
humiwalay ito sa pagkakayakap saakin dumalim ang mukha bumangon ito at lumabas ng silid. bumangon ako naglakad papasok sa banyo.
kapal ng mukha niya. hindi ako tanga para hindi ko malaman na pinapaikot lang niya ako. gusto niyang mainlove ako sakanya tsaka niya ako sasaktan para magdusa ako.
hinubad ko ang saplot ko tinapat ang sarili sa shower.
napuno ng galit ang dibdib ko. graduate na ako panahon na para tumayo ako sa sarili kong paa. aalis ako sa mafia boss nato. hindi ko alam sa totoong nangyari kay kiana. hindi na ako papayag na may taong mananakit saakin. hindi na ako papaapi sa kahit na kanino. lalaban na ako, kailangan kong magpagaling sa truma ko. may treatment naman para sa truma kaya alam kong maailis din ang truma ko. hindi pwede iiyak lang ako sa sulok at tatanggapin ang lahat ng pananakit ng mga masasamang tao sa paligid ko.
hindi na ako papasindak! napansin hindi ako kayang patayin ni kade. hindi ako naniniwala na mahal niya ako. alipin lang niya ako. hindi niya nerespito ang kasal namen, gabi-gabi siyang may kasamang babae. tapos sasabihin niyang mahal niya ako. hinding-hindi ako iibig sa walang kwentang lalaki." kausap ko sasarili ko
pagtapos kong maligo nakatapis ako ng tuwalya na lumabas. pumasok ako sa walk-in closet. dumilim ang mukha ko iba't ibang dress lahat mamalin may jewelry at bags shoe's. lahat may tag pa
kinuha ako ng undies at maxi dress. hapit na hapit yon sa katawan ko makikita rin ang pasa sa iba't ibang bahagi ng hita at leg's ko. may pasa din sa braso ko.
gusto kong pinamukha sa gagong asawa ko kung anong klasi siyang asawa. hinayaan kong nakalugay ang basa kong buhok. akmang lalabas na ako nang bumukas ang pinto napatigil si Kade sa pagpasok hinagod ako nito ng tingin.
you look like a wh*re. change your f*cking clothes right now." pagalit na utos nito nanginginig agad ako sa takot pero nilakasan ko ang loob ko.
tinaasan ko ito ng isang kilay. bago nagsalita
baby! ayaw mo ba nang suot ko? kunway nagtatampong tanong ko yumoko ako para itago ang pamumutla ko
oh! f*ck." mura nito napangiti ako
kahit sino matapang bumabait pag inlove. kaya makikipag laro ako sayo kade spade. nagmamadali itong lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit lihim akong napangiti
boss bakit bigla ka naging mabait kay lady Gabriella? diba siya ang pumatay sa kapatid mo? tanong ni Magnus sumulyap ito sa kinaroroonan ko mabilis akong nagtago
ang pinaka masakit na paghihiganti ko sakanya ay paibigin siya. gusto kong madurog ang puso niya sa sobrang sakit. tulad ng naramdaman ko sa pagkamatay ni Kiana." pagalit na sagot ni kade
paano kung buhay nga ang kapatid mo? paano kung hindi si miss Kiana ang pina cremate natin." biglang wika ni Magnus
buo na ang pasya ko. magdurusa siya hindi sapat ang kanyang buhay para pagbayaran ang kasalanan niyang ginawa." walang emosyong sagot ni kade
nagtangis ang aking bagang naalala ko ang usapan nila kagabi malinaw ang narinig ko gusto niya pagbayaran ko ang kasalanan hindi ko ginawa. hahanapin ko si kiana. kailangan makaalis ako dito hahanapin ko si kiana ibabalik ko sa hinayopak nato.
nagluto ako ng almusal. magpalit ka muna nang damit ayaw ko sa suot mo hihintayin kita sa garden." malambing na wika nito
tumango ako dinampian ako nito ng halik sa labi bago lumabas ng silid.
ulol! makikita mo kade ikaw ang mainlove saakin. gagawin ko ang lahat para patunayan na hindi ko pinatay si kiana. siraulo mafia boss na tanga.... nanggagalaiti kong sigaw padabog na kumuha ng Jean's at shirt.
mafia boss daw ulol! tanga pwede pa. tika kung mafia boss siya mamatay tao nga siya. waaaaaahhhh kainis mamatay tao na nga kinalakihan kong pamilya pati ba naman Asawa ko mamatay tao din. sino ba ang mga kalaban ng gagong to. kailangan ko makausap si papa. siya ang may alam sa mga organization. nakatuon kasi ang buong oras ko sa pag aaral mahirap ang kursong nursing " para akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang nagbibihis
kinalma ko ang sarili ko bago lumabas ng silid. nandito kame sa bahay ni kade high-tech ang bahay nato fingers print ang lock sa pinto my password din pero hindi ko rin alam. hindi ko alam kong saan ang lugar nato nakatulog ako sa byahe kagabi nagising ako nasa kama na mag Isang natutulog. nang bumangon ako narinig ko ang usapan ni kade at Magnus.
abala si Kade sa phone habang nakangiting nakatanaw saakin. naglakad ako palapit dito.
sarap buhusan ng kape ang gago. ang gwapong demonyo." sa isip ko
naupo ako sa harapan nito. nilagyan ko nang sinangag ang plato nito at bacon sinamahan ko nang hotdog.
tinapay ang kinain ko. tinapay at kape lang ako pag umaga. tanghali lang ako kumakain ng kanin. salad naman paggabi. takot akong tumaba mataba kasi ako dati. araw-araw tinatawag ako ni mama ng baboy.
baby ayaw mo ba ng sinangag? malambing na tanong ni kade.
ahmm tinapay at kape lang ako pag umaga." nakangiting sagot ko
dapat kumain ka ng kanin ang payat mo." nag aalalang wika nito
salamat. gusto mo bang tumaba ako at pagtawan ulit ng mga tao? seryosong pahayag ko
mamahalin parin kita kahit na tumaba ka." nakangiting sagot nito napairap ako sa sagot nito buti nalang pumasok ng gate si Magnus at ibang mga tauhan nito kaya hindi nakita ang pag irap ko
boss! cancelled ang flight natin. pinasok ang hideout natin sa Probinsya. napatay naman nang mga kasamahan natin ang mga pangahas pero isang pangalan lang ang nalaman ng tauhan natin. willow organization. hindi pamilyar ang organization nayon." seryosong pahayag ni Cyrus
alamin nyo ang organization nayon. baka maging problema pa natin sila balang araw. ngayon palang ubusin nyo na ang lahat ng miyembro nila. siguradohin nyo muna na iligal ang business nila at mga criminal para wala tayo maging problema." seryosong sagot ni kade.
baby! aalis tayo ngayon may pupuntahan tayo. sasama kaba saakin? malambing na tanong ni kade
sige! medyo matagal pa naman ang Board Exam." nakangiting sagot ko
boss mag almusal lang kame bago tayo umalis." paalam ng isang lalaki sa pagkakaalam ko van ang pangalan niya
pagtapos kumain nauna akong pumasok. seryoso naman nag usap sila kade at tauhan nito. naupo ako sa sofa habang nag iisip ng susunod na gagawin.
kailangan ko makaalis. kailangan kong makausap si papa namimiss kona ang kakambal ko. pag ako nakaalis dito hindi na ako magpapakita kay kade."
baby! aalis na tayo." malambing na aya ni kade. dinampian ako ng halik sa labi bago inalalayan palabas ng bahay
sh*t bakit kinikilig ako sa halik niya. umayos ka Gabriella Ybarra. huwag kang tanga pinakaikot kalang niya at sasaktan kadin. aalahanin mo slave kalang niya." paninirmon ko sa sarili ko
baby my problema ba? malambing na tanong nito pagpasok namen sa kotse. sa back seat kame. si Cyrus naman ang driver. may sarado ang harapan namen kaya hindi kame nakikita ng driver
ahmm w-wala." utal na sagot ko
natatakot kaba saakin? nag aalalang tanong nito
siraulo pala ang gagong to eh! ikaw ba naman gawin punching bag ng asawa mo iwan ko lang kung hindi ka matakot. kahit saksakan ng gwapo ang asawa ko. sa paningin ko isa syang demonyo na nagtatago sa wangis ng isang tao.
medyo." tipid na sagot ko bumuntong hininga ito hinila ako palapit dito niyakap ako nito ng mahigpit
patawarin mo ako kung nasaktan kita hindi na mauulit." pabulong na wika nito saakin
siraulo ulol. huwag ako gago." naiinis na sambit ng isipan ko
hayaan mong alisin ko ang takot sa dibdib mo. hindi na kita sasaktan magtiwala ka saakin. kalimutan natin ang lahat ng masasamang nangyari mag umpisa tayong muli." malambing na wika nito.
hindi ko alam bakit nasasaktan ako sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. parang patalim na tumatarak sa dibdib ko. dahil siguro sa alam kong niloloko lang niya ako. kahit malambing at sweet siya saakin nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkamuhi saakin.
hindi kita masisisi kung hindi ka naniniwala saakin. sobrang kitang nasaktan physically and emotionally. babawi ako sayo wife. hindi na kita sasaktan basta huwag kalang lalapit sa ibang lalaki. nabigla lang ako nang makita ko ang walang buhay na kapatid ko sa tabi mo hinahanap kona si kiana, hindi na kita sasaktan." malambing na pahayag nito ng hindi ako tumugon sa mga sinasabi nito
hindi na kita sasaktan. basta huwag kalang lalapit sa ibang lalaki. siraulo talaga ang gagong to. sasaktan parin niya ako pag nakita niya akong may kausap na lalaki. makikita mo magsisisi kadin balang araw. sa isip ko
boss may sumusunod saatin." Sabat ni Magnus
walang reaction si kade parang walang narinig. abala lang ito sa phone ilang sandali lang nakarinig ako ng putukan.
hinawakan nito ang ulo ko at sinubsob sa kanyang dibdib.
huwag kang mag aalala tauhan kona ang bahala sakanila." bulong nito
napapikit ako pasemple kong inaamoy ang dibdib nito ang bango nya kasi ang tigas pa ng dibdib. para siyang si ian somerhalder gray eyes din sya.
hayst kainis gwapong demonyo naman nito." mahinang sambit ko
hahaha! seriously wife demonyo ang paningin mo saakin? natatawang tanong nito
mas siniksik ko ang mukha ko sa dibdib nito nahihiya ako. narinig pala niya yon
i love you." bulong nito sa malambing na boses
demonyo nga ang asawa ko. paiba-iba ang ugali. sisiguradohin kong pagsisihan mong sinaktan mo ako. sisiguradohin kong mamahalin mo ako sa kabila ng pagkamuhi mo saakin." sambit ng isipan mo
nakakainis! bakit sarap mo yakapin? pakiramdam ko safe ako sa bisig mo kahit alam kong ikaw mismo ang kikitil sa buhay ko? pabulong na sagot ko
natigilan ito lihim akong napangiti. naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko. minsan iniisip ko na mahal niya ako kahit puno ng galit ang kanyang dibdib
hindi kaba natatakot na patayin kita? mahinang tanong nito habang hinahaplos ang buhok ko bakas ang galit sa boses nito kahit na mahinahon ang pagkakatanong niya.
wala na akong pamilya! hindi ko pala tunay na ina si mama Minerva. matagal nang patay ang kakambal ko at si papa hindi ko alam kung sino ang pumatay sakanila. wala na akong pamilya! si kiana nalang sana kaso kahit anong paliwanag ko walang naniniwala saakin. wala pa akong napapatay na tao. mahina ang loob ko hindi ko nga kayang ipagtanggol ang sarili ko. hindi ako masamang tao pero patuloy akong nagdurusa. gusto ko nalang mamatay. ayaw konang mabuhay. masaya ako kung ikaw ang kikitil sa buhay ko." pagsisinungaling ko pinalongkot ko ang boses ko hindi umimik si kade tahimik lang siya humiwalay ako sa pagkakayakap.
baby mag engat ka sa mga susunod na araw may business trip kasi ako. huwag kang aalis sa mansion." malambing na wika nito
sige." sagot ko