I need to totally run as fast as I can so that I can still save myself from danger! "HAY naku! Naha-highblood talaga ako sa isang section na naka-assign sa akin ngayon!" ani teacher Mae pagkapasok na pagkapasok pa lang ng Faculty. Dumiretso s'ya sa kanyang table dala ng kanyang mga bitbit na libro at ang isang kamay pa'y nakahawak sa noo na tila ba pinasakit iyon ng husto. "Oh? Ba't mukhang biyernes santo 'yang mukha mo, Maam Mae? Kanina lang ang hyper-hyper mo pa ah!" puna naman ni teacher Via. "Eh pa'no ba naman, Maam Via, 'yong isang estudyante ko, ubod ng ingay sa klase at ang tigas ng ulo!" sumbong ni teacher Mae saka pabagsak na inilagay sa table niya ang kanyang mga bitbit saka naupo sa upuan niya. "Anong year? Baka kilala ko 'yan." "First year. BSBA-1A." Natigilan bigla ako