"The moon isn't afraid to be in the dark because she knows it is, in the dark, that she'll shine the most." Hindi na naipaliwanag pa ng maayos ni Vad ang sinabi niyang iyon dahil tumunog na ang cellphone naming dalawa, sabay pa talaga ng oras na iyon. Pareho na kaming hinahanap sa baba kaya bumalik na kami roon. Pinakilala niya ako sa mga kaibigan at kamag-anak na dumalo at sabay naming hinintay ang pagtatapos ng party. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako agad ng gabing iyon pero nang mag-umaga ay muling bumalik sa isipan ko ang huli naming napag-usapan noong nasa rooftop kami. Under the stars and the beautiful moon, he gave me a serious talk about the moon. What does that mean? Ang ibig niyang sabihin ay dapat na ipakita ko sa mundo yung tinatago ko at mananatili ang mga taong nakaka-ap