"Look!" Ipinakita ni Audrey sa akin ang phone niya. Naka-open ang twitter at may mga tweets doon na sure akong iyon ang nais niyang ipabasa. 'Vad Ruiz and Chloe Alexander? Omg! I'm a fan of the two.' 'Chloe? For real? Akala ko ba simple girl lang gusto ni Vad?' 'Taken na si Vad ko huhu' 'Hindi nga? Anong meron?' 'Sus! Hinatid lang, issue agad? Baka naman nagmagandang loob lang si kuya mo.' 'Akala ko ba si Brandon ang nali-link kay Chloe? Aba, magkapatid pala ang nais.' 'In fairness, bagay naman sila.' I scrunched up my nose and stopped reading. Wala na ba silang magawa kung hindi pag-usapan ang buhay ng may buhay? I rolled my eyes in annoyance. Sakto naman na nag-park ang familiar na sasakyan sa tapat ko. Audrey shrieked a little. "Omg! Iyan na yata sundo mo..." Napipilitan ako