Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa salamin. Sanay naman ako magsuot ng mga ganitong mamahalin pero kinakabahan pa rin ako na baka masira, maapakan, o madumihan itong damit at sapatos ko. Dahil nga nagpa-straight ako ng hair kahapon at bagong kulay ay hindi ko na ginalaw pa iyon maliban sa nilagay kong gold color clip. Nang mag-vibrate ang phone ko ay alam ko na agad na nasa baba na si Vad. Yeah, even if he's the celebrant, he still picked me up. Nasa baba ang parents ko at kapwa nakabihis na rin dahil parehong invited. Kinuha ko ang purse na gagamitin ko para sa gabing ito saka muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. I'm wearing a long bar silver earrings, gold necklace with a small heart as a pendant, a chain bracelet with my initials on it and a ring from cartier