"Ano ka, bata? Ayoko!" Lumayo ako sa kanya at naghanap ng ibang magagawa sa Burnham Park. Hinila niya ang palapulsuhan ko saka pinaharap sa mga bisikleta na nakaparada at maayos na nakasalansan. Pinanood ko ang bawat kilos na ginawa niya. Lumapit si Vad sa nagbabantay roon at bagaman hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila ay kitang-kita ko ang paglalabas nito ng pera at pagbabayad doon sa lalaki. I scoffed. At talagang sasakay siya at makikisali sa mga batang nagba-bike? Umirap ako saka tumalikod at iniwan siya roon. Nagulat ako nang bigla nalang siyang sumulpot sakay-sakay ng bisikleta na may sidecar. "Sakay na. 'Wag ka ngang KJ." Inambaan ko siya ng suntok at saka tiningnan ng masama. He gave me a smug smile as he pointed the sidecar of the vehicle. Tumingin ako sa paligid. Naka