PROLOGUE
Alpha—ang mga Alpha ay kilala bilang ‘Recessive’ at ‘Dominant’ ang recessive alpha ay lowest than 49% ang grado na lumabas bilang isang Alpha sa mga isinagawang pagsusuri. Samantala, kung 75% ang ranggo pababa, dumaraan uli sa mas detalyadong proseso upang matukoy kung ito ay Recessive o Dominant. Karaniwan ang isang Dominant Alpha ay 90% pataas ang ranggo sa isang pagsusuri lamang at karaniwan na ang magulang ng isang Dominant Alpha, ay parehong Alpha, Recessive man o Dominant. Ang mga Dominant Alpha ay karaniwan sa mga kilalang pamilya ng Alpha sa Alpha, bagaman mahirap para sa dalawang Alpha ang magkaroon ng anak, hindi nawawala ang ganoong tradisyon. Karaniwan sa mga Alpha sa Alpha na mag-asawa, mayroong isa o higit pang omega na inaanakan lamang.
Omega—mayroon ding ‘Recessive’ at ‘Dominant’ na Omega. Sa mga Omega, mas mabilis magdalang-tao ang isang Dominant. Ang mga Dominant Omega na mula sa magandang pamilya lamang ang madalas na kinokonsidera ng ibang mga Alpha dahil karaniwan kasi sa mga Dominant Omega ay ang halos perpektong hitsura at bibihira. Isa sa sampung libong tao lamang ang tiyansa na magkaroon ng isang Dominant Omega. Maging lalaki ay may kakayahang magdalang-tao.
Beta—Pangkaraniwan. Lumabas na walang kakaiba sa kanila.
NOTE; Ang kahulugan ay maaaring may kaibahan sa pangkaraniwang Omegaverse. Ang ibang magiging impormasyon ay mula sa alternatibong daigdig na nilikha ng manunulat.
PROLOGUE
Prologue
“Shayne—“
Pinilit kong ngitian si mama para mabawasan ang bigat ng kanyang loob habang itinatali ang aking mga kamay.
Sumisingaw na ang init sa buo kong katawan. Hindi pa ito ang oras, pero habang nadaragdagan ang edad ko, nagbabago rin nang nagbabago ang araw at bilis ng pagdating ng aking heat. Mas nakakatakot dahil pabago-bago siya ng araw, maging trabaho ko apektado.
Nang mapadako ang tingin ko sa salamin sa harapan ay kita ko ang pamumula ng mukha hanggang sa aking tainga. Kahit ang mga mata ko ay mapupungay na rin. Suot ang makapal na robang pantulog namasdan ko ang sarili sa kaawa-awang kalagayan.
“Aah!” muntik ko nang mabawi ang palad ko nang higpitan niya ‘yon. “Ma,” nginitian ko siya dahil nakagat niya ang ibabang labi at tila nagpipigil maluha. “Ituloy mo na, ma. Nararamdaman ko na talaga siya nang husto.” May paghihirap sa paghinga na sabi ko. “Hindi ka pa ba nasanay?” mahina akong tumawa.
Sa narinig, kaagad na tinapos ni mama ang pagtatali sa aking kamay at paa. Sumunod doon ang bakal na inikot niya sa dalawang magkadikit ko ng kamay maging sa binti. Wala ako sa kama dahil ilang pagkakataon ko nang nasira ‘yon dahil sa kondisyon na ‘to. Sa lapag ako kung saan mayroong makapal na sapin para hindi malamigan ang aking katawan. Nang tumayo siya para itali sa bakal na nasa pader na ipinagawa pa niya ay nagsimula ko nang maramdaman ang unti-unting pagbagsak nang natitira kong katinuan.
“Iwanan mo na ‘ko, ma…” nahihirapan na ‘kong magsalita ng diretso dahil sa paghingal.
Huli niyang inilagay ang busal sa aking bibig. Katulad nang madalas, luhaan niya ‘yong ginagawa sa ‘kin.
“Makakahanap din tayo ng gamot na tatalab sa ‘yo. Sa ngayon, pagtiisan mo muna ‘to, Shayne.”
Tumango ako sa kanya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa pinipigil kong luha. Nasasaktan ako na maging siya ay nahihirapan sa sitwasyon. Kahit ano isusugal ko basta tumigil na ang pagluha niya at paninisi sa sarili. Hindi naman niya ‘to kasalanan.
Napagdesisyonan namin na sa ganitong sitwasyon, hindi niya ‘ko dapat makita. Ayoko ng maghirap ang loob niya lalo pa at may nararamdaman na rin siya.
Hinalikan niya ako sa noo. Bago tuluyang lumabas sa maliit na silid ay siniguro niya uli kung kandado na ang bintana na puwede kong labasan kung makatakas ako, pero imposible. Sa ilang beses na muntik-muntikan na ‘kong makawala, naperkpekto na ni mama ang pagtatali sa akin.
Bumagsak ang pinipigil kong luha nang makalabas na siya. Halos mamaluktot ako sa kinahihigaan. Ang pagkaawang nararamdaman ko sa ‘king ina dahil nagkaanak siya ng ‘tulad ko na isang Dominant Omega na hindi pa tinatablan ng kahit na anong gamot para makapamuhay ng normal ay unti-unti rin nanlabo sa aking isipan. Nagsimula nang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Mabilis na rin kumalat ang init sa ‘king katawan. Ilang ungol ang pinakawalan ko dahil sa frustration na nararamdaman ko na hindi ko magawang hawakan ang sariling katawan lalo na ang bahagi kong buhay na buhay. Ilang beses ko nang nasugatan ang sarili kaya binalutan niya ang mga kamay ko ng makapal na tela.
Gustong-gusto kong hawakan ang katawan ko.
Parang sinisilaban na ang buong katawan ko sa labis na init. Nagsimula na ‘kong mainis sa kadenang pumipigil sa ‘kin. Gustong-gusto ko ng katawan na didikit sa katawan ko para pawiin ang init na aking nararamdaman. Dahil ‘di ko magawang sumigaw ay puro ungol lang ang nailalabas ko. Wala akong pakialam kung nasasaktan na ‘ko sa bawat hila ko, gusto kong makawala. Gusto kong tumakas. Gusto ko ‘tong masolusyunan!
Kahit sino… basta mapapawi ‘to…
“Uhhhmmmp!”
Naramdaman ko ang sakit nang subukan kong hilahin ang aking paanan.
Namuo na rin ang mga luha ko dahil hindi ko magawang makaalis. Simula pa lang ‘to, isang linggo ko pa ‘tong pagdaraanan. Nagsisimula pa lang pero babaliwin na ‘ko nang sobrang pag-iinit at pagnanais na may isang Alpha na makarinig sa ‘kin at pawiin ang init na ‘to sa buo kong katawan.
Hanggang kailan ko ‘to pagdaraanan?
“Iilan lang si Shayne sa may kaso na hindi tinatablan ng gamot para sa mga Omega. Dahil iilan pa lang sila, wala pang nagkakaro’n ng interes para solusyunan ‘yan lalo at kinakailangan ng malaking halaga at mahabang panahon bago ‘yan tuluyang mapagtagumpayan.”
Naipikit ko nang mariin ang aking mga mata. Pilit kong iniaalis sa isipan ang doktor na tila binigyan ako ng sentensiya ng habang-buhay na pagkakabilanggo sa pagiging isang naiibang Omega. Hinding-hindi ako magiging normal. Hinding-hindi magiging normal ang buhay naming mag-ina.
“Maliban na lang kung hahayaan ninyo na markahan siya ng isang Alpha. Sa gano’ng paraan baka—“
“Aalis na kami, salamat, Doc.” Pigil ang galit ni mama.
Ang pagpapamarka ay malinaw na pagtatali sa isang Omega. May mga Omega na kahit may asawa na ay hindi pinapayagan na markahan sila ng isang Alpha dahil oras na iwanan sila nito, magiging miserable ang buhay nila. Samantalang ang Alpha, puwede pang gawin ‘yon sa kahit na sinong kapares. Puwedeng markahan lahat ng gusto nila, gano’n kagahaman ang mga ‘to.
Isang linggo lang ang heat ng ‘tulad ko sa isang buwan. Pero kailangan kong manatili sa bahay ng dalawang linggo. Kahit puro Beta ang kasa-kasama ko sa trabaho, hindi puwedeng hindi ako makakasalubong ng Alpha. At sa ganitong panahon, puwedeng mapagsamantalahan ako at magkaro’n ng mga pagsisisihang karanasan.
Miserableng-miserable ang pakiramdam ko sa panahon ng heat. Gagambalain ako ng labis na pag-iinit na tumatagal ng ilang oras hanggang makatulog ako.
Kinaumagahan, dama ko pa rin ang pangangailangan pero nakakapag-isip na ‘ko ng matino. Darating si mama para pakainin ako. Pero titingnan niya muna kung talaga bang may katinuan ako bago niya alisin ang busal sa bibig ko at pakawalan ang aking mga kamay. Sasamahan niya rin ako sa paliguan sa k’warto pero mananatili ang kadena sa binti ko na ako mismo ang nagsuhestiyon sa kanya. Sasamantalahin ko ‘yon para hawakan ang sarili ko at ilabas ang init na ‘yon kasunod ng paliligo at pagpapalit ng kasuotan. Muli, babalik ako sa higaan kapag natapos ko na ‘yon at kusa ko ng ibibigay ang mga kamay ko para itali niya uli. Tatabihan niya ‘ko at yayakapin sa kama. Sa gano’ng paraan gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko kakayanin na mawala si mama sa tabi ko. Siya lang din ang dahilan bakit pinipilit kong labanan ang depresyon dulot nito.
“Shayne, alam mo bang napakabango ng Pheromones mo?”
Nangiti ako nang tingnan ko ang nakangiting si mama. Nakaunan ako no’n sa hita niya habang hinahaplos niya ang hibla ng aking mga buhok.
“Sabi nila, ang makakapagsabi lang ng amoy ng Pheromones mo ay ang iyong ina at ang magmamahal sa ‘yo ng sobra-sobra.”
“Pero pare-pareho lang naman matamis ang amoy ng isang Omega, mama.” Marahang sabi ko.
“Lilac, Lilac ang kahawig ng amoy mo, Shayne…”
Nangiti ako, “Hindi ba masyadong matamis ‘yon, mama?”
Nangiti rin siya, “Kung alam ko lang na gano’n ang ilalabas mong amoy, sana Lilac na lang ang ipinangalan ko sa ‘yo.”
Natawa ‘ko, “Kung gano’n hahanap ako ng magsasabi sa ‘kin na amoy Lilac ako. Tama ba, mama?” Nagkatawanan kami.
“Pero ang pag-ibig ay hindi naman agad-agad nagiging gano’n katindi katulad ng sinasabi ko. Iyong iba, dumaraan pa sa mahabang proseso at panahon ng pagsasama. Kaya hindi mo ‘yon kailangan na gawing basehan bago magmahal.”
Hindi ko pinangarap.
Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa pisngi ko, “Ma, iba rin ang amoy mo. Hindi ko lang kayang ipaliwanag.”
Buwan-buwan ang heat ko, isang linggo ang itinatakbo niya. Pero sa kababaihang Omega iyon madalas katulad ni mama. Pero sa ‘tulad kong Male Omega, isang beses lang sa isang taon ang lalaking Omega nagkakaro’n. Pinakamababa ang isang linggo at may ibang tumatakbo ang heat ng tatlong buwan. Maging sa heat, kakaiba ako. Kung papipiliin ako, mas pipiliin ko ang tatlong buwan na heat kesa sa buwanan. Sa gano’n, baka mas maging positibo pa ‘ko at hindi palaging nakararamdam ng pangamba. May siyam na buwan din ako na preparasyon bago dumating ang panahon na ‘yon.
Kinagabihan. Pansamantalang hinayaan ko na lamunin ako nang labis na pagnanasa. Inimahe ko ang isang lalaking humahaplos, dumiriin, kumakagat, at sumisipsip sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan. Ilang ungol ang pinakawalan ko dahil mas tumaas ang init na nararamdaman ko, parang nag-aalab na ‘yon sa loob. Nagiging malikot na ‘ko, pilit ko nang ikinakawala ang sarili ko kahit pa masaktan ako. Pinagpapawisan na rin ako. Pero itong pawis na ‘to ang nakapagpapawala sa mga Alpha sa sarili, dahil kakaiba ang amoy naming mga Omega, sapat ‘yon para malimutan nilang maging matino sa mga kapareha nila.
Walang hitsura ang lalaki sa imahinasyon ko. Siya ang walang sawang kinasama ko simula nang labing-walong taong gulang ako. Alam kong hindi siya sapat, pero kahit paano, lumalabas ang init sa loob ng aking katawan.