Diretso siyang naglakad patungong kusina kung nasaan si Martha na nagluluto ng hapunan. Hindi na niya pinansin si Zyon na nasa sala at nagbabasa ng notes. Himala yatang nag aaral na ito. Pero hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya kanina. Nag iinit na naman ang ulo niya nang maalala ito. She glanced at him at sakto namang itinaas nito ang tingin mula sa binabasang notes. She threw dagger stares at him na hindi naman ikinabahala ng lalake. Ano pa bang aasahan niya? Nagmano siya kay Martha nang makita siya nito. Agad naman niya itong tinulungan sa paghahanda ng hapunan nilang tatlo. Kaharap niya ang lalake sa mesa kaya pasimple niya itong iniismiran at sinasamaan ng tingin. Zyon's not affected though. "You two are...unusually quite." Basag ng mama ni Zyon sa katahimikan. Aga