Ramona 25

1122 Words

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Stella nang makasakay na kami sa kotse. Tumango ako sa kaniya habang malungkot na nakangiti. I want to say I am okay. Na wala lang sa akin ang nakita ko pero alam kong hindi iyon totoo. Alam kong nasasaktan ako at wala akong magagawa doon. Hinawakan nito ang ulo ko at hinila para ipatong sa balikat niya. "Hindi naman siya maganda, mas maganda ka pa," wika nito na pinapagaan ang loob ko. Hindi ko maiwasang matawa sa kaniya. Alam kong gusto lang niya akong i-comfort pero hindi naman na niya kailangan sabihin iyon. Maganda naman talaga ang girlfriend ni Kuya Nero tapos mukha pang mabait kaya hindi an niya kailangang magsinungaling sa akin. "Okay lang ako. Malayo ito sa bituka," paniniguro ko sa kaniya. "Malayo sa bituka pero sakto sa puso," saad nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD