Ramona 31

1475 Words

Malakas na tugtog, mga nagkikislapang ilaw. Maraming nagsasayaw sa dance floor habang meron namang mga abalang uminom. Amoy pa lang ng mga pinaghalo-halong amoy ng pabango at alak sa paligid ay parang maduduwal na ako. Hindi talaga ako sanay sa iba't-ibang amoy, meron pang mga nabe-vape kaya tila mausok na rin ang lugar. Inilibot ko ang mata ko sa bawat sulo ng bar. May mga sikat na personalidad din akong nakita. Mga anak ng politician at mga artista na dati ay sa tv ko lang nakikita pero sana itaas sila na may glass wall. Siguro iyon ang vip area. Hinila ako ni Stella papalapit sa bar counter at ito na mismo ang umorder nang iinumin namin. Long island ice tea, kahit cocktail lang iyon ay napangiwi pa rin ako nang tikman ko. Hindi ako sanay uminom ng kahit na anong alcoholic beverages.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD