Nagising ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.Inaantok na napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Stella na malaki ang ngiti. Napahawak ako sa noo ko at sinuklay ang buhok bago tinatamad na bumangon. Mabilis naman na lumapit sa akin si Stella at tumalon sa kama ko. Napatingin ako sa labas at nakita kong tirik na tirik na pala ang araw. Tinanghali ako ng gising. Bumabawi pa kasi ako ng tulog kaya parang gusto ko lang humilata at matulog buong araw. Mabuti na lang at bukas pa ang uwi namin sa probinsya kaya may time pa akong magpahinga bago bumyahe ulit. Napatingin ako sa relong nakasabit sa dingding. Mag-aalas nuwebe na ng umaga. Sobrang haba na pala ng naitulog ko. "Did I wake you up?" "You are asking the obvious," sagot ko sa kaniya at nag-inat. Lumabi naman ito sa