Bukas na ang alis ko papuntang Japan. Mabuti na lang at pinayagan pa rin nila ako mag-solo travel kahit na may ginawa akong kalokohan noong nakaraan. Tinawagan kasi ni Ate Ren si Ate Rob na hayaan na lang daw ako. Natuto na raw naman siguro ako sa ginawa ko kaya hindi ko na uulitin. Hindi na talaga. Baka mamaya kung ano na mangyari sa akin kapag naghubad na naman ako. Mabuti si Kuya Nero alam kong hindi niya ako papatulan dahil hindi niya ako gusto pero paano kung halang ang kaluluwa ang matyempuhan ko? Baka magkatotoo ang sinabi ni Ate Rob na makikita na lang akong lumulutang sa ilog, kaya hindi na talaga ako iinom ng alak na sakit ng ulo at kahihiyan lang naman napala ko kinabukasan. Napangiti ako nang matapos na akong mag-impake ng mga dadalahin ko. Isang malaking maleta lang naman ang