Ramona 1

2016 Words
RAMONA Bigla akong napatigil nang biglang may mga naglalagang petals mula sa itaas. Kalalabas ko lang ng hallway ng building ng classroom namin. Gutom na ako kaya nagmamadali akong maglakad pero para akong nasa Japan ngayon dahil daig pa ang may cherry bloosom ngayon dahil sa dami ng petals na nanlalaglag. Napatingin ako sa itaas at nakita ko ang ilang lalaking nagtatapon ng mga petals mula sa third floor. Anong trip nila? Kumunot ang noo ko nang biglang may mga estudyanteng pumalibot sa akin na may dalang mga illustration board. Sabay sabay nilang binaliktad ang hawak nila hanggang lumantad sa harapan ko ang mga letrang nakasulat doon. "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" iyan ang buong salita. Tumaas ang kilay ko dahil sa nabasa. Kanino naman kayang pakulo ito? Alam ko na may confession na magaganap dahil sa mga pakulo nila pero hindi ko inaasahan na para sa akin pala iyon. Gasgas na ganitong style. Marami ng gumawa nito at hindi lahat nagtagumpay na makatanggap ng oo. Hindi na nakakakilig ang mga ganitong paraan ngayon. Masyadong agaw pansin, baka gusto lang magpasikat ng may pakulo nito idinamay pa ako. Muling luminya ang mga estudanteng nakapalibot sa akin kanina. Daig pa nila ang mga sundalo na tila lumiya para padaanin ang Presidente sa sobrang stiff nila. Muntik na akong mapa-make face ng makita ko ang lalaking papalapit sa akin. He is far from my type. Akala ko pa naman kikiligin ako kahit papaano kapag nakita ko na kung sino ang mastermind ng pakulong ito. Ngumiti ito pero alanganin ng makalapit na sa akin habang ako naman ay naiinip na gusto ng umalis. Gutom na ako, abala sila. Lalo na siya. "I-I....l-like you." Umikot ang mata ko dahil sa sinabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon. May hawak pa siyang bulaklak at nanginginig ang mga kamay habang parang batang nagmamakaawa habang nakatingin sa akin. Alam kong madami siyang inipon na lakas ng loob para gawin ang stunt niya ngayon pero hindi ko maiwasang mainis lalo na ng magsimula na kaming pagtinginan ng mga tao at nagchant pa ang mga ito ng kung ano-ano. "Say yes! Say yes!" "O-oo na 'yan!" Iba't iba ang sigawan ng mga taong nakakita sa pakulo ni Leroy. Desisyon sila? Sila ba magiging jowa kung sakali. Hmp! Sinamaan ko ng tingin ang mga tao sa paligid namin kaya nanahimik silang lahat. Aba dapat lang, makuha sila sa tingin. Tiningnan kong muli si Leroy, hindi dahil interesado ako sa kanya kundi upang ipakita sa kanya na wala siyang pag-asa. Hindi ko siya type. Matangkad? Check. Matalino? Check. Gwapo? Medyo alanganin siya sa parteng iyon. Hot? Double cross. Mukha siyang malnourished na nilalang. Siguro sa kaaaral niya nakalimutan na niyang kumain. Ito ang tipo ng taong, busog ang utak pero hindi ang tiyan. Iyong dapat A+ lahat ng grade kahit umabot pa ng sixteen ang BMI Tipong hahangin lang ng kaunti maari ng matangay. Sure ako na matalino siya dahil palagi ko nakikita ang pangalanniya sa honor list. Okay na sana siya kahit hindi masyadong gwapo pero ayoko naman ng di na nga gwapo mukha pang bangkay na kababangon lang sa hukay. Mga lalaki naman sa una lang magaling kaya kung iiyak ako doon na sa may hitsura para naman hindi luging masyado. Pero hindi naman ako tangang iiyak dahil lang sa lalaki. Hindi ako pinanganak na maganda para lang sayangin ang luha sa kabaro ni Adan. "I don't like you. Hindi kita gusto." Bored na saad ko. Hindi ko na kailangan pa ng maraming salita para ipaliwanang sa kanya ang gusto kong sabihin. Tagalog at English na iyon siguro naman intindi na niya. "Oooooh...." narinig kong saad ng mga tsismoso at tsismosang nanonood sa amin. Akala siguro ng mga ito may shooting ng pelikula at kung maka-usyoso ay wagas. Mukha lang akong artista pero wala akong balak pumasok sa showbiz. Sabi kasi ni Ate Renata, kapag nag-artista raw ako bashers lang ang maiipon ko, hindi fans. "Pe-pero wala ka namang boyfriend." Umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ayokong lantarang manlait dahil bad iyon kaya huwag niya akong pilitin. Kahit papaano gusto ko pa naman sanang may matirang pride sa kanya kahit nasa ginagawa niyang ito parang prine-pressure niya ako para sagutin ko siya. Kaso paki ko naman sa mga nakatingin sa amin ngayon? Some of the public proposal is not fan but a way on pressuring someone to say yes. Ginagamit nila ang mga mata ng mga taong nanonood para tulugan silang mapilitan na sagutin sila pero hindi ako gaya ng iba. I will never be guilty saying no, even if it's infront of the crowd. I will not say yes para lang hindi siya mapahiya. Ginusto niya iyan, kaya dapat handa siya sa consequences. "Hindi kita type. Ayoko sa iyo. Okay na bang dahilan iyon? Pwede naba akong dumaan kasi gutom na ako," mataray na saad ko. Wala akong time para sa kanya. Matalino naman siya pero bakit hindi niya gets agad ang sinabi ko? "And who says she's single?" A handsome man is approaching us. Masyado itong eksena pero wala akong pakialam. Napangiti ako ng makita siya. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ko sa kanya. Hindi man siya kasing level ng first crush ko at least alam kong hindi ako lugi sa kanya. Nakita ko kung paano nahati ang crowd para bigyan siya ng space para makalapit sa akin. Mabilis niyang pinatong ang isang braso sa balikat ko ng tuluyan na siyang makalapit. Nginitian ko siya. Kumindat naman siya sa akin bago humarap kay Leroy. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang balitang wala pa siyang boyfriend. So, I just want to introduce myself. I am the boyfriend. She's mine," maangas ang pagkakasabi ni Gael. Yeah, I am not single. Gael is my boyfriend, it's been two weeks since I said yes to him. Hindi nga lang namin ipinapaalam sa lahat dahil iniiwasan ko na malaman ng mga ate ko ang tungkol sa amin. Alam kong kapag nalaman nila na may boyfriend na ako ay baka tumutol sila lalo na si ate Rob. Pero ngayon mukhang malalaman na nila na may boyfriend na ako. Ipagsigawan ba naman ni Gael. Sigurado akong pag-uusapan ang eksenang ito at impossibleng hindi makarating sa tenga ng mga kapatid ko. Nakita ko kung paano nanlumo si Leroy at ang kaninang bulaklak na hawak nito para iabot sa akin ay walang buhay na nitong hawak habang laglag ang balikat. "Everyone, Listen! Ramona Escalante is my girlfriend! She is mine so to all those guys na nagbabalak na ligawan pa siya, back off!" sigaw ni Gael na ikinagulat ko pero hindi ko mapigilang mapangiti. Binabakuran ako ng ungas. Hindi ko mapigilang kiligin. Akala yata ni Gael nasa pelikula talaga kami at kung makapagdeklara akala mo male lead na male lead siya. Gusto pa yata niyang higitan ang eksena ni Leroy. Mga lalaki talaga hindi papatalo. Nakita ko ang ingit sa mata ng ibang babae. Gael is one of the campus crush kaya alam kong madaming nagkakagusto sa kanya pero sorry na lang sila. Ako ang gusto, hindi sila. Ako ang niligawan, ako ang girlfriend. Kung may naingit meron din namang kinilig. Pero ano man nararamdaman nila. Wala na akong pakialam doon. Hinila na ako ni Gael papalayo sa kumpulan ng mga estudyante. Naiwan namin sa gitna si Leroy na malungkot ang mata habang nakatingin sa amin. Sorry siya. Gaga lang ako pero hindi ako pumapatol sa gaya niya. Ayoko ng lalaking lampa. Mukha kasi siyang mahinang tingnan hindi dahil sa payat siya kundi dahil mukhang mahina ang loob nito. Kanina nga halatang-halata ang panginginig ng kamay nito. Ang kailangan kong boyfriend yung handang harapin ang tatlo kong ate. Pero sa akin pa lang bahag na buntot niya paano pa kapag mga kapatid ko na ang haharapin niya? I chose Gael not because I love him but because I know that he is someone na hindi agad nagpapatalo o hindi agad ako ipapatalo. I like him, but not to the point na mahal ko na. Siguro hindi pa ngayon pero mukha namang hindi siya mahirap magustuhan. Masaya naman akong kasama siya. He still far from him. Kung ikukumpra ko siya malayong-malayo pa rin silang dalawa. Gael has playful and badboy aura, while that guy is too serious but always striking. Iyong tingin pa lang matatameme na ako. Gael is his opposite, that's why I chose Gael as my escape. Maybe he can help me to forget him. I hope. "Dapat talaga una pa lang sinabi na agad natin na tayo na para wala ng langaw na aaligid aligid sa iyo," nakasimangot na saad ni Gael habang naglalakad kami palabas ng campus. Tila asar pa rin ito sa nangyari. "Pasensya kana. Masyadong maganda girlfriend mo." Tumingin siya sa akin bago ngumiti. "Napakaganda kaya nga ang swerte ko sayo." Umirap ako dahil sa sinabi niya. Mambobola. Matagal ko ng alam na maganda ako. "Mabuti alam mo," sagot ko at hinawakan ko ang bag niya bago siya hinila papunta sa kotse niya. "Gutom na ako kaya bilisan mo." Naiiling na nagpatangay na lang ito pero bago pa kami makarating sa pinagkakaparadahan ng kotse niya at tila minamalas na makasalubong namin ang hindi dapat makasalubong. "Where are you going?" tanong ni ate Rob habang nakatingin sa amin ni Gael. Kasama nito si Nero na tuwid ang tingin sa amin ni Gael dahilan para mabilis kong bitawan ang bag ng boyfriend ko. "We are about to eat," sagot ni Gael na para bang balewala lang dito na ate ko ang kaharap namin. I know na kahit hindi ko sila ipakilala, alam kong kilala niya ang mga kapatid ko. My sisters are too famous for different reasons. Hindi naman artista ang mga kapatid ko pero madami ang nakakakilala sa kanila dito sa loob ng school na pinapasukan namin. "And you are?" Mapanuri ang tinging ibinabato ni ate Rob kay Gael ng tanungin niya ito. Tila hindi ito natuwa sa sagot ni Gael. Tingin pa lang nito parang hinuhushagan na agad ang boyfriend ko. "He is my classmate. Nagutom kasi kami paggawa ng presentation kaya niyaya kong kumain,"mabilis na sagot ko bago pa makasagot si Gael. Pasimple ko siyang siniko at pinanlakihan ng mata para sabihang sakyan na lang niya ang sinasabi ko. Pareho kaming lagot kapag nagsabi siya ng totoo. Sigurado magigisa ako ng todo at hindi pa ako ready na masermonan. "You can treat him the other day. Sumabay kana sa amin ni Nero. Hindi ka makakasabay kay Raf dahil male-late siya ng uwi dahil may tatapusin pa siya." "I can send her home after we eat," singit ni Gael. "Do you know where she lives?" Tanong ni Nero na kanina pa tahimik sa tabi ni ate Rob. Ikiniling nito ang ulo na para bang inaanalisa si Gael bago tumingin sa akin. No wonder magkasundong-magkasundo sila ni Ate Rob. Parehong-pareho sila ng ugali. "Why do I have this feeling that he is not just your classmate, kiddo?" Nahugot ko ang hininga ko. Hindi ko alam kung dahil sa tingin niya o dahil sa tanong niya. Mabilis kong sinaway ang sarili ko bago siya inirapan. Dapat hindi na ako nagpapadala sa presensya niya. "You heard me. I said, he is my classmate, mukha ba akong sinungaling?" mataray na tanong ko para itago ang kaba. "Gael, next time na lang tayo kumain. Sinusundo na kasi ako ng mga parents wannabe ko," baling ko kay Gael bago walang lingong nagmartsa papunta sa kotse ni Nero. Mabuti pang sumunod na lang ako sa gusto nila kesa mabuking pa ako. Mas madaming paliwanagan at sermong magaganap kapag nanyari iyon. Mabuti sana kung isa lang gigisa sa akin. Tatlo sila. Sumunod naman sa akin si ate Rob pero nakita ko pang may binulong si Nero kay Gael dahilan para ikuyom ng huli ang kamao nito. Bakit ba kasi nakasalubong pa namin sila? Malayo naman ang senior high building sa college building pero tuwing uwian madalas na sinasadya pa talaga ako ni ate Rob para isabay pauwi. Hindi naman na ako bata. Kaya ko nang umuwing mag-isa. Saka ayokong makita ang pagmumukha ng driver namin ngayon. Hindi ko maiwasang maasar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD