Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko. Nagawa na rin namin ni Gael na kumain sa labas kahit na patago lang. I am not yet ready to introduce him to my sisters.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko one na ipakilala ko siya sa mga kapatid ko iyon na rin ang oras na dapat maghiwalay na kami. Gael is a nice person. Masyado siyang mabait sa akin at nakakapanghinayang kapag pinakawalan ko siya.
"A lunch for the queen." Napangiti ako kay Gael ng ilagapag niya ang tray na may pagkain sa harapan ko.
"Thanks, slave," biro ko sa kanya.
Madrama itong humawak sa dibdib na para bang nasasaktan habang umuupo sa tapat ng ko. Kaya natawa ako.
Tinaasan ko siya ng kilay ng makita ko siyang nakatitig sa akin. "Gandang-ganda kana naman sa'kin."
"Bakit nga ba masyado kang maganda? Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Paano kung bigla ka na lang agawin sa akin? Kaya pwede bang huwag kang lumapit sa ibang lalaki?" seryosong saad nito habang patuloy pa rin ang pagtitig sa akin.
Hindi man lang nito nagawang kibuin ang pagkain nasa harapan nito dahil nasa akin pa rin ang atensyon nito samantalang ako ay nagsisimula ng kumain.
Inirapan ko siya. "Bakit ba lagi kang kabado na aagawin ako sayo? Sinabi ko naman sayo, hindi ako papaagaw. At anong karapatan mo na pagbawalan akong lumapit sa iba? Yes, you are my boyfriend but you don't own me. Don't control me, I am not a robot."
Tuluyan ng naubos ang pasensya ko dahil sa sinabi niya. Anong karapatan niya na pagbawalan akong makipagkaibigan sa iba?
Kailangan ko bang iwasan ang lahat para sa ikaliligaya niya? Napaka-selfish naman niya kung ganoon. Isa pa wala naman akong ka-close na lalaki. Kung may nakakausap man ako casual talk lang. Kaya hindi ko alam kung bakit pagbabawalan niya akong makipag-usap sa ibang lalaki.
Wala akong ginawa para magselos siya at pagdudahan niya ako pero bakit ganito siya kung umakto ngayon?
Napaka-unreasonable niya. Hindi ko gusto ang pagiging possessive niya. Nakakasakal.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya pero mula ng minsang makita kami ni ate Rob at Nero at hindi natuloy ang pagkain namin sa labas ay palagi na siyang ganiyan. Na para bang may imaginary rival siya na anytime ay pwede akong agawin.
"Pero ang mundo ay parang Quiapo, maraming snatcher kapag-" sinipa ko siya sa paa bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin. Para siyang tanga, ang dami niyang kadramahan sa buhay.
Ganyan siya palagi. kapag nakikita niyang hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasabi niya ay susubukan niyang magbiro para ibahin ang usapan. Hindi niya alam mas naiirita ako sa ginagawa niya. Kung pwede ko nga lang siyang sungalngalin ng hawak kong kutsara nagawa ko na.
"Huwag mong ituloy kung ayaw mong ibato ko sayo 'tong hawak kong tinidor," pagbabanta ko.
I know that line. Ilang beses ko na ba iyong narinig pero bati ba naman siya gagayahin iyon para lang ilihis ang usapan.
"Pinapatawa ka lang, seryoso ka naman masyado."
Uminom ako sa juice na nasa harapan ko bago tumingin ng diretso sa kanya. "Stop being childish, Gael. I don't find it funny. Palagi mong iniisip na baka agawin ako sa iyo gayong wala naman akong nakikitang dahilan para mangyari iyon. If you are not confident with our relationship, we can end it now."
Nakita ko ang pagkataranta sa mukha nito pero hindi ko pinansin. Maarteng sumubo ako ng adobong nasa plato ko. Medyo maalat pero okay na.
"Sorry, okay. I didn't mean to piss you off. Baliw lang siguro ako sayo kaya minsan hindi ko maiwasang mag-isip ng negatives."
"I said yes because you promised me that you will do your best to make me fall in love with you. But if you keep on doubting me, you can stop now. We can stop whatever we have now."
Yes, he is my boyfriend, but he is aware that I am not in love with him yet. I just gave him a chance to prove to me if he was worth it or not. We put a label on our relationship for exclusivity only. Gusto ko siya pero hindi pa sa point na mahal ko na siya. Kami na pero kailangan pa rin niyang patunayan sa akin na tama bang pumayag ako sa relasyon namin o dapat na bang putulin.
Courting will never impress me. Niligawan naman niya ako pero sinagot ko agad siya dahil naniniwala ako na lalabas ang totoong ugali ng isang tao kapag kampante na sa iyo at nakuha na nila ng gusto nila. Actually saying yes to him is a challenge for him. Sinagot ko siya hindi dahil gusto ko ng maging kami kundi dahil gusto kong makita agad ang totoong kulay niya. After all, all boys are good boys during courtship.
Napaangat ang ulo ko ng makita ko ang kamay niya na may hawak na yogurt milk na may straw na, na dahan-dahan niyang inilalapit sa may tray ng pagkain ko.
Ngumiti ito sa akin ng matamis na para bang nagpapa-cute. "Peace offering." Tinaasan ko siya ng kilay. "Bati na tayo?"
Umikot ang mga mata ko dahil sa inakto niya. Kinuha ko ang yogurt milk at ininom iyon. Alam niya ang kahinaan ko.
"May magagawa pa ba ako?"
Nag-take note ako sa utak ko.
This will be the last time. If ever na mabanggit ulit niya ang mga bagay na sinabi niya kanina. Ang mga kapraningan niya. It will be over between us. Hindi ako magdadalawang isip na makipag-break sa kanya dahil wala akong balak na i-tolerate ang mga kapraningan niya.
Nakita ko ang malawak na ngiti nito bago nagsimulang kumain. Dahil sa kapraningan nito, hindi agad ito nakakain samantalang ako ay tuloy-tuloy lang ang kain habang nagdadrama siya sa harapan ko. Napapaisip na tuloy ako kung tama ba talaga ang desisyon ko na sagutin agad ito.
Nakikita ko ang ibang matang nakatingin sa pwesto namin pero wala akong pakialam hanggang dumako ang mata ko sa isang babaeng pinanlalakihan ako ng mga mata kaya pinalakihan ko rin siya.
It was Stella. A friend of mine na ayaw daw maging third wheel kaya kapag nakikita niyang papalapit na si Gael ay kusang lumalayo. Hindi ko rin trip ang isang iyon pakiramdam ko hindi siya boto kay Gael gayong wala namang ginagawa sa kanyang masama iyong tao. Kung makatingin kasi ito sa boyfriend ko parang palaging may masamang ginawa si Gael.
"Mauna na ako," paalam ko kay Gael ng makita kong hindi pa siya tapos kumain.
"Wait!"
"May kailangan pa akong tapusing presentation."
Wala akong balak sayangin ang oras na panoorin siyang kumain gayong may kailangan pa akong tapusing presentation. Kung inuna lang sana niya ang pagkain at hindi ang mag-isip ng kung ano-ano, sabay nasa kaming natapos.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tumayo na ako at kinuha ang tray ko para ibalik sa may counter kung saan inilalagay ang mga hugasang pinggan.
Magkaiba naman kami ng strand ni Gael kaya kahit hintayin ko siya ay hindi naman kami papasok sa iisang classroom. STEM siya habang GAS naman ako. Magkabukod ang building namin kaya hindi rin kami magkakasabay.
"Hey!"
Biglang may mabigat na kamay na umakbay sa akin habang naglalakad ako sa hallway.
Malapad ang ngiti ni Stella ng tingnan ko siya.
Ginalaw-galaw ko ang balikat ko para alisin niya ang braso niyang nakapatong doon. "Mabigat,"reklamo ko.
Ngumuso ito. "Pero kapag si Gael naka-akbay sayo okay lang. May favoritism ka, neneng."
"Boyfriend ba kita?"
Mas humaba ang nguso nito. "Wow, may mga kaibigan talagang nakakalimutan ka kapag may jowa na."
Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Sino ba umiiwas kapag kasama ko si Gael? Ako ba?"
Nag-peace sign ito habang nakangiti ng alanganin. "Sorry. Team Nero pa rin kasi ako."
"Stella!" nanlalaki ang matang saway ko dito pero tinawanan lang ako nito.
Pati ba naman siya?