Muli akong bumalik sa kasalukuyan mula sa pagkaka-estatwa ko nang makita ko siya. Pumasok ako at isinara ang pinto pero nanatili akong nakatayo sa gitna ng kwartong kinaroroonan namin. Tila ayaw humakbang ng mga paa ko papalapit sa upuang nasa harapan niya. The last person I want to see is now in front of me. Gusto ko siyang lapitan at saktan. Biglang nagpupuyos ang damdamin ko. Lihim kong naikuyom ang kamao ko. "Ms. Escalante, aren't you going to sit?" tanong nito at umangat ang mukha mula sa pagkakatingin sa portfolio ko na ipinasa ko kanina. Napalunok ako bago nagsimulang humakbang papasok. Job interview ang pinuntahan ko pero bakit parang pakiramdam ko bibitayin ako ngayon. Nahihirapan akong huminga at ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Kalma, Ramona. Kalma. I erased al