Ramona 53

1357 Words

Buong magdamag akong umiyak. Nakatulog na ako sa kaiiyak ko kaya kinabukasan ay mugto ang mga mata ko. Wala akong kumilos pero sinikap ko pa ring bumangon dahil may pasok pa ako. "What happened to your eyes?" tanong ni mama ng nag-aagahan kami kinabukasan. Kinusot ko ang mata ko at ngumiti sa kaniya. "Napuyat lang po ako, late na kasi ako nakatulog dahil nag-review pa ako," pagdadahilan ko at yumuko para uminom ng kape nang hindi niya mapansin na nagsisinungaling ako. "Next time don't stay up late, mukha kang nakahithit dahil sa hitsura mo," wika ni mama at inabutan ako ng sandwich. "Opo." Tumingin ako kay Ate Roberta na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa akin. Sa kaniya ako umiyak kagabi pero kahit nakalipat na ako sa kwarto ko ay ayaw pa ring tumigil ng luha ko kaya nag-in

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD