"Why are you like this?" Nagsalubong ang mga kilay nito sa naging tanong ko. Umayos ako ng tayo at tumingin sa kaniya ng diretso. Hindi ba talaga niya alam ang ibig kong sabihin? Matalino siya hindi ba? Dapat gets na agad niya. " Why are you acting like this? Like you don't want me to avoid you, like you like me? You are confusing me!" hindi ko maiwasang maibulalas. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko nag-uurong sulong ang nararamdaman ko sa kaniya dahil minsan pakiramdam ko gusto rin niya ako kahit alam ko naman na hindi iyon totoo. Hindi ko maiwasang umasa dahil sa mga kilos niya nitong mga nakaraan. "Ramona..." "Dati noong gusto kita iniiwasan mo ako ngayong ayoko na sa iyo, ikaw naman ang kusang lumalapit sa akin na para bang ayaw mong iniiwasan kita? Ano ba talaga ang gusto mo? Natutu