CHAPTER 36 ELENA Lumipas ang ilang linggo nasanay na ako sa trabaho ko. Sa DNA section ng hospital lang kami ni Dr. Beltran at ni Flor nagtatrabaho kaya hindi maingay at magulo dito. Kahit paano medyo nakakalimutan ko ang masakit na nangyari sa akin nitong mga nakaraan. "Flor, Ellen, mauna na ako sa inyo. Flor siguraduhin mo 'yong mga DNA test, ha? Mag-iikot pa ako sa hospital,” paalam ni Doctor Beltran sa amin ni Flor. "Sige, Dok. Kami na po ang bahala nito,” magalang na sagot ni Flor, na may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Tipid lang din ako na ngumiti kay Doktor Beltran. Umalis na ito at kaming dalawa na lang ni Flor ang naiwan. "Siya nga pala, Ellen. Gusto mo gumala tayo sa plaza, pagkatapos ng duty natin?" tanong ni Flor, habang abala siya sa paglalagay ng mga result ng D