Chapter 49 RAFAEL Maaga pa pero malungkot ako na nakaupo sa tabi ng puntod ni Miranda. Mag-isa na ginugunita ang kanyang mga naiwan na mga alaala sa akin. Hinaplos ko ang kanyang libingan. “Sorry, hon. Hindi ko nakita ang kapatid mo. Huwag kang mag-alala dahil mag-iingat ako kahit na ganito ang ginawa mo sa akin iniwan mo akong mag-isa.” Pigil ang aking sarili na huwag umiyak. Unti-unti ay natanggap ko na rin ang lahat. Na kahit kailan o kahit ano pa man ang gagawin ko ay hinding-hindi na magbabalik si Miranda sa akin. Tama siya na ipagpatuloy ko ang buhay ko habang nabubuhay pa ako. Ilan sandali pa ay pumatak ang ulan ngunit hindi ako umalis sa aking pwesto habang nakikinig ako ng kanta na (Where do I begin) dito sa cellphone ko. “Where do I begin To tell the story of how great a l
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books