Chapter 30 Elena Nakaupo ako sa puntod ni Ate, habang nakatingin sa kawalan. Kanina pa ko rito at hindi ko alintana ang sobrang lamig ng panahon. Nag-aamba pa na umulan subalik wala akong lakas na umalis sa tabi ng puntod ni Ate. Hindi nauubos ang mga luha ko sa pagpatak. Lalo lang yata ito lumalakas na parang batis na walang kapaguran sa pag-agos. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na ganito pala kasakit ang paglisan mo Ate. Ang daya mo dahil iniwan mo kami ni Rafael, na parehong nag-iisa. Ang daya mo dahil hindi ka na makakaramdam ng lungkor, samantalang kaming dalawa na naiwan mo hindi alam kung paano harapin ang bukas. Iniwan mo lang kami basta-basta. Ang daya mo Ate. Ang daya-daya mo. Paano ako mabuhay na wala ka?” paninisi ko habang hinahaplos ang puntod niya. Sa huli, na reali