Chapter 39 Rafael Ilang araw na ang mga lumipas. Nakaupo ako sa isang dalampasigan. Nakatingin sa ulap sa kalangitan habang ang mga alon ay nag-uunahan na makarating sa dalampasigan. Malamig ang panahon. Nanunuot ang lamig sa aking kasukasuhan. Hinihintay ko na lumubog ang sikat ng araw sa silangan. Alas-kwatro imedya na ng hapon. Gustong-guto ko sa lugar na ito dahil tahimik. Dito natagpuan ni Daddy si Manong Jose, na walang malay. Bata pa lang ako noon. Nakakabingi ang katahimikan ng lugar na ito. Tanging hampas ng alon ang maririnig mo at mga huni ng ibon. Niyaya ko si Mang Jose na pumunta rito. Tinatanaw ko pa sa aking isipan si Miranda. Nakasuot ng puting damit habang nakasumbrero. Masaya na nakangiti habang nagpapahabol sa alon sa tabi ng dagat. Tinatanaw ko na nakayakap ako sa