bc

Biting the Bullet (Santa Juana de Arco #1)

book_age16+
4.6K
FOLLOW
52.0K
READ
friends to lovers
dominant
goodgirl
independent
decisive
drama
comedy
bxg
friendship
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Fake it till you make it ang pilosopiya ni Aleona sa buhay. Kaya nga handa na sana siyang mag-move on nang mawala niya ang kinaiingat-ingatang kuwintas na huling regalo ng yumaong niyang ama. 

Pero sino ang mag-aakala na ang nakahanap niyon ay si Sylas Fortaleja, one of the hottest figures in their campus. Handsome, rich, and smart. That’s Sylas. Kung itatabi siya rito, paniguradong mapagkakamalan siyang anak ng yaya nito.

At ayaw ibigay ni Sylas ang necklace niya. No, more like, he held it for ransom. Ibabalik lang daw nito iyon sa kanya sa kundisyong ibabalik niya ang ninanakaw niya: ang puso nito.

Sundan ang mala-fairy tale na kwento ni Aleona. Mula sa kung paano siya nangahas na kagatin si Sylas para mabawi ang kwintas hanggang sa paano siya napasubo sa isang sitwasyong hindi niya inasahan: ang mahulog sa lalaking alam niyang hindi mapapasa-kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1.1
“Girl, he’s so handsome talaga. Ba’t ganern?” Napabuga na lamang si Aleona ng hangin saka minasahe ang sentido. Pagkuwa’y hinarap niya ang kaibigang si Ysabel na nakaupo sa harapan niya. As expected, her friend was looking somewhere far from them. Hindi na niya kailangang alamin kung saan--or more accurately, sino ang tinitingnan nito. “Alam mo, Ysa, pang-sampung ulit mo nang sinabi iyan.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “One more time, pagmumultahin na kita.” Napanguso ang kaibigan niya saka sinalubong ang kanyang titig. “Ba’t ka nagagalit?” “Tingin mo bakit?” “Sungit, ah?” Inirapan siya nito saka muling tumingin sa tinititigan kanina. Pagkuwa’y hinawakan nito ang kamay niya. “Pero shocks, Aleona! Ampogi niya mag-smile!” Niyugyog pa siya nito. Napatalak na lang siya. “Sabi ko sayo, pagmumultahin na kita, di ba? Now, give me one hundred pesos.” “Luh?” bulalas nito. Nandilat pa nga ang mga singkit nitong mata. “Ba’t may pagsingil?” “Para seryosohin mo yung sinasabi ko. Kasi promise, Ysa, nakukulili na ako sayo. Teka, anong oras na ba?” She checked her wristwatch. “Oh, it’s almost three na. May klase ka pa, di ba? Lumayas ka na nga dito.” “De wow,” Ysabel sneered. Tapos, sinakbit nito ang handbag sa kaliwang balikat. “Makalayas na nga dito. Apakasungit na naman ni Aleona.” “Yan, tama yan.” Muli niyang hinarap ang librong binabasa. “Ikaw? Di ka pa uuwi? Wala ka nang class, right?” Umiling siya. “Mamaya na. Dito muna ako. Lam mo naman, mainit sa unit mo kapag ganitong oras.” "Sorry naman." Pinandilatan siya ni Ysabel. "And you can turn the AC naman kasi, girl. Di naman big deal yun." "Di na. Dito na lang ako tutal nandito na rin naman na ako." Sumenyas siyang umalis na ito. “Okie.” Tapos, tumayo na ito. But before she went away, yumukod ito saka bumulong sa kanya. “You make silay for Sylas for me, ha?” Kinindatan niya ito saka nagpaalam. Aleona just rolled her eyes. Tapos, hinatid niya ito ng tanaw hanggang makalabas ito ng main door ng cafe kung saan sila tumambay -- ang Maid of Orleans Cafe, na nasa loob din ng campus nila. Hay nako, Ysa. Ano kayang sasabihin ni Tita Adora kapag nakita ka niyang umaalembong? naiiling-iling na lang niyang isip. Mama ni Ysabel ang tinutukoy niyang Adora. Bale, employer din niya dahil ito ang na-hire maging kasambahay siya ni Ysabel sa condo unit ng kaibigan. Hay nako. Makapag-aral na nga. ibabalik na sana niya ang atensyon sa binabasang lecture sa Contracts and Obligations nang maramdaman niyang may nakatitig hindi kalayuan sa kanya. When she checked who it was, it was a tall guys na singkit tapos may medium length bangs na nakahawi pakaliwa. Si Sylas Fortaleja, ang lalaking dalawang linggo nang ini-stalk ni Ysabel. Meanwhile, Sylas smiled at him. Kumaway pa nga ito. Aleona won’t deny na napakagwapong lalaki nga naman talaga nito, lalo na kapag ngumingiti. Even from that distance, she could see how perfect his white teeth are. Not to mention, napaka-friendly ng ngiti nito. He had that typical campus heartthrob type na ngiti. Kaya gets na rin niya kung bakit patay na patay ang kaibigan niya rito. Aleona smiled meekly saka muling ibinaling ang titig sa libro. Siguro, mahigit sampung minuto na rin siyang nagbabasa at nagha-highlight ng mga importanteng information sa libro nang maramdaman niyang may nakatayo sa harapan niya. “Miss Aleona?” sabi pa nito. Nagtaas siya ng tingin at ang una niyang napansin ay ang suot nitong puting apron na may ruffles ang strap. That style reminded her of maid outfit sa mga historical British film. "Yes?” tanong niya. “This is for you.” Nilapag nito ang isang medium size na red velvet frappe. Napamaang siya. “Ay, di yan sakin. Di ko yan order.” Saka lang niya napansing nakasulat pala an pangalan niya sa cup gamit ang itim na permanent market. “That’s on me.” Aleona looked on her left and saw Sylas rose from his seat. Tapos, humakbang ito palapit sa kanya. Hindi maiwasan ng dalaga na hagurin ito ng tingin. Matangkad ang lalaki. Malapad ang balikat at maliit ang baywang kaya parang inverted triangle ang katawan nito. She might as well compliment his long legs, na lalo pang nagmukhang mahaba dahil sa suot nitong slim fit na Korean slacks. Sylas stopped in front of the table and smiled at the waitress, his gesture of expressing his gratitude. The waitress also smiled back and excused herself. Then, Sylas looked at her. “Hi?” sabi nito sa baritonong boses. “Can I share the table with you?” Napatitig si Aleona sa lalaki. Did she hear him right? Gusto nitong maki-share ng table sa kanya? Pero bakit naman? He already had his own, di ba? Sylas suddenly laughed awkwardly. Parang napahiya yata ito dahil hindi siya agad sumagot. “Well, it’s fine if you don’t want to,” sabi pa nito habang napapakamot ng ulo. “Anyway, study well, and uhm…” Binaba nito ang tingin sa binigay nitong inumin niya. “Enjoy the drink. It’s on me.” He flashed another sweet smile before he went back to his table. Muli na namang napakurap-kurap si Aleona. What did just happen? Ibinaling niya ang tingin sa frappe saka iyon sinimulan inumin. Red velvet frappe talaga ang madalas niyang bilhin kapag nagko-coffee shop siya. Naiba lang kanina dahil inaantok siya kaya kape ang binili niya. Alam kaya niyang favorite ko ito? isip niya habang sumisipsip.Tapos, napakunot siya ng noo at nilayo ang cup sa kanya para tingnan ang pangalan ko. Wait, bakit pala alam niyang ito ang ino-order ko? Pati pangalan ko? She looked at Sylas, and caught him staring again. Muli itong ngumiti at saka kumaway. Napalunok na lang siya. Kasabay niyon ay ang pagdagundong ng puso niya. Okay, what’s going on? She wasn’t sure either. Basta bigla na lang nag-react nang ganoon ang dibdib niya. Saka bakit parang gumwapo yata ito bigla sa paningin niya? She suddenly realized Sylas was indeed a charmer. Bukod sa napaka-expressive nitong mata, ang tangos din ng ilong at ang ganda ngipin. And now that he was looking at her, parang na-conscious bigla si Aleona. Magulo ba ang buhok niya? Hindi ba siya mukhang manang sa suot niyang eyeglasses? Wait, meron nga pala siyang bagong tubong pimple sa noo! Napasapo tuloy siya bigla ng dibdib. Ramdam niya ang bilis ng t***k ng puso niya. Oh my God, Pa! Anong gagawin ko? sigaw niya sa isip habang kinakapa ang pendant ng kuwintas. It was a bullet with her initials - A.A. - carved in the middle. Then, she heard Sylas laughed. Nang ibaling niya muli ang tingin dito, nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki. Parang siya ang tinatawanan nito, but not in an insulting manner. Parang tingin nito’y napaka-cute niyang tingnan. Napalunok na naman si Aleona kasabay ng biglang pag-init ng pisngi niya. Now, this was getting awkward. So when she heard the entrance door opened, her first thought was to flee from the scene. Taranta niyang ipinasok ang mga gamit sa bag. While doing so, she saw in the corner of her eyes that Sylas got confused with her action. Tumayo pa nga ito at muling lumapit sa kanya. But she didn’t let him. Hinablot niya ang frappe sa mesa. “Thanks for this!” sabi niya sa lalaki. Sylas’s right hand was extended, as if hoping to grab her and made her stop. Lalo lang niyang binilisan ang paglalakad. Nabangga tuloy niya ang isang lalaking papasok na ng cafe. “Sorry! Sorry!” taranta aniya. Laking pasasalamat niyang hindi natapon ang inumin niya. Tapos, kumaripas siya ng takbo. She didn’t stop until she reached the center flagpole of the campus. Noon lang niya binigalan ang pagtakbo para maghabol ng hininga. “My gosh, ang awkward no’n.” Tiningnan niya muli ang pangalan niya sa cup. “Bakit alam ni Sylas ang pangalan ko?” First of all, hindi naman siya sikat sa campus. She was purposely keeping her profile low. She doesn’t even have many friends. Aside from Ysabel and her barkada, wala na siyang masabing kaibigan niya talaga. Ni wala nga siyang ka-close sa mga blockmate niya! So how did Sylas know her name? Then, she remembered how Sylas looked at her earlier. Ngiti ito nang ngiti sa kanya. Now to mention, he even asked if they could share the table. Could it be…? Could it be…? Napasinghap siya. “Di kaya type ni Sylas si Ysabel?” Tinakpan niya ang bibig. Yes, that made sense. Baka naman noon pa man ay type na ni Sylas si Ysabel, at nakilala siya nito dahil lagi niyang kasama ang gaga. Tapos, baka torpe ang lalaki, kaya nang makita siya nitong mag-isa, naisip nitong makipagkaibigan sa kanya at umasang pagtutulayin niya sila. Yes, that perfectly made sense! “Oh my God,” bulong niya sa sarili. “Dapat ko itong ikwento kay Ysabel!” But wait, hindi kaya niya sisirain ang strategy ni Sylas kung gano’n? Saka baka masyado ring umasa ang kaibigan niya. Matindi pa naman mag-daydream iyon. Napailing-iling siya. “Pa, ano kayang gagawin ko--” Natigilan siya nang hindi wala siyang nakapang pendant sa dibdib niya. Taranta niyang tiningnan ang dibdib. s**t! Her necklace was missing! She looked inside her blouse, pero wala siyang nakita, “Nako po! Asan na yun?” taranta niyang tanong sa sarili. Nakatanggap tuloy siya ng tingin sa mga kapwa estudyanteng naglalakad. Naalala niya bigla kung paano siya nabangga kanina. Siguro, sumabit ang kwintas niya. She decided to trace her steps back. Hiling lang niya’y sana makita pa niya dahil importante iyon sa kanya…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.9K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

NINONG II

read
619.3K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.8K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
481.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook