Zenni * * " Salamat! Pwede ba kita makausap? Magpapaliwanag lang ako pakinggan mo ako kahit 5 minutes lang." Pakiusap ni Axel " Makakapag lakad ka naman! Ilagay mo nalang sa lababo ang pinagkainan mo. " Malamig na wika ko kay Axel sabay lapag ng tray na may laman pagkain. Naglakad na ako palabas ng kwarto naupo ako sa sofa sapo ko ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko okay na ako, Sa loob ng isang taon naging maayos ako. Nakaya ko mamuhay masaya naman ako kahit paano. " Sino ang dapat kong paniwalaan? Gusto ko malaman ang dahilan. Wala talaga ako maintindihan. Kasinungalingan ang alam ng mga kaibigan ko at kamag-anakan ko. Inakala nila na naglason ako sa sarili ko pero ang totoo si mommy ang may gawa non. Sinamantala lang ni mommy ang pagkakataon para lumayo ako sakanil