Naomi “Kanina ka pa kain ng kain, hindi ba napapagod iyang bunganga mo?” Iritang sabi ni Ashton saakin. “Libre eh, susulitin ko na!” Sambit ko, napasimangot siya doon, nangisi akong sinamahan na siya sa pamimili. “Sabi naman sayo iset up mo nalang ng date kay bryan, wala namang gusto si Ayumi sa mga iyan.” Irap ko. “Ibili mo ng chocolate na paborito niya saka iyong ticket ng concert na parehong gusto nila ni bryan.” I shrugged, kanina ko pa iyan sinasabi sakaniya, ayaw naman. “Ayoko, malay ko ba kung anong gawin ng lalaking iyan sa kapatid ko.” Sumpladong sabi niya, I hissed. “Edi wag.” Irap ko, In the end binilhan nalang namin ng limited edition merchandises ng paborito niyang k-pop boy group, nahirapan pa kaming hanapin iyon, pero masaya