Sandaling binagalan ni Raven ang pagmamaneho nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng dashboard. While his eyes focused on the road, he grabbed his phone and answered the call without looking who the caller was.
"Yes?"
"Where did you go? I thought we're celebrating?" It was Marco's voice on the other line. Sa kabilang linya ay malinaw din niyang naririnig ang musika at tawanan mula sa pub na pag-aari ni Blaze.
"I just had to go home quickly— may natanggap akong anonymous email, telling me to come home because something is sent to my address. I'm guessing it's my mother, she probably sent me a graduation gift. Alam mo namang kapag hindi nakakapunta sa mga events 'yon ay nagpapadala na lang ng kung anu-ano."
"You guess? What, hindi mo alam ang email address ni Tita Viki?" natatawa pang tanong ni Marco.
"She changes every now and then," he answered wryly. "You know how old people are when it comes to technology."
"Alright. Hihintayin ka na lang namin dito sa pub. We won't start partying without you."
"Why are we even partying when Ryu hasn't woken up yet?" bahaw niyang tanong imbes na um-oo na lang at ibaba na ang cellphone.
During this time, Ryu was still in a coma after the incident that almost took his life.
"Magdidiwang tayo dahil ngayong araw na ito ay nagtapos tayo sa kolehiyo, at umuusad na ang kaso ni Ryu laban kay Stella Reyes at sa mga lalaking sangkot. Malakas ang laban ni Ryu at ngayon pa lang ay magdidiwang na tayo sa ikapapanalo ng kaso. Isa pa, uuwi na muna ng Japan si Jet— hindi ba dapat na bigyan natin siya ng farewell party? Baka isang taong din natin siyang hindi makikita."
Yeah, right. Napag-usapan na nilang magkaroon ng party sa gabi ng kanilang pagtatapos. Hindi lang siya kumportableng magdiwang habang nasa kaalaman nilang lahat na hindi pa rin nagigising si Ryu matapos ang ilang buwang nasa coma ito. But then, alam niyang hindi siya nag-iisa— alam niyang lahat sila'y hindi masaya sa nangyari sa kaibigan— sa Big Boss ng grupo.
Pero tama si Marco— may mga bagay pa rin silang kailangang ipagdiwang sa kabila ng lahat.
Huminga siya ng malalim at banayad na tumango.
"Okay then, I'll see you soon." Nagpaalam na siya at ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng dashboard. Doon niya itinuong muli ang pansin sa pagmamaneho.
Pagpasok ng sasakyan sa entrance ng subdivision ay binilisan niya ang pagpapatakbo. Malapit na niyang marating ang kinaroroonan ng bahay niya nang mula sa malayo ay nakita niya ang pagharurot paalis ng isang itim na kotse na naka-hinto sa harap mismo ng kaniyang dalawang palapag na Victorian house.
Nagtaka siya kung sino iyon. Sa isang newly-developed subdivision siya nakatira at wala pang gaanong mga bahay ang naitatayo roon.
Ang kapitbahay niya ay mahigit limampung metro pa ang layo— kaya sino ang nasa sasakyang iyon at bakit iyon naka-hinto sa harap ng bahay niya? May kailangan kaya ang sakay ng kotseng iyon sa kaniya?
At bakit iyon biglang umalis? Nakilala ba ang kotse niya at nang makita siyang paparating ay nagbago ang isip sa kung ano man ang pakay sa kaniya kaya umalis na lang?
Salubong ang kilay na inihinto niya ang kotse sa harap ng gate at mabilis na bumaba mula roon. Habang ang mga mata'y nasa kalsada pa rin ay naglakad siya patungo sa gate. Nang nasa harap na siya niyon ay doon lang siya humarap upang magtaka nang makitang bahagya iyong nakabukas.
Lalo siyang nagtaka.
Pinasok ba ng mga taong sakay ng sasakyang iyon ang bahay niya?
But that was an expensive car— sinong mayamang tao ang manloloob ng bahay ng iba?
There's only one way to find out.
Itinulak niya ang steel gate at mabilis pumasok— subalit hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay muli siyang napahinto nang makitang sa harap ng front door ay mayroong stroller.
What? Lalo siyang naguluhan.
Mabilis niyang itinuloy ang paghakbang upang makita kung ano ang naroon. At nang nasa harap na siya ng stroller ay lalo siyang nagtaka nang makitang may maliit na bata roon— natutulog sa loob habang nakasaksak sa bibig ang isang hinlalaki. He would guess it was a girl, base sa suot nitong pambabaeng damit.
Salubong ang kilay na hinayon niya ng tingin ang paligid— hoping he'd see something—or someone who would help him understand what's happening. He was confused and clueless. He had hundred of questions in his mind. Hindi niya maintindihan kung bakit may bata roon!
Akma siyang babalik sa sasakyang upang kunin ang cellphone at tumawag ng pulis upang i-report ang natagpuan nang may mahagip ang kaniyang mga mata.
Sa loob ng stroller katabi ng natutulog na bata'y mayroong nakasiksik na parisukat na envelope. Maingat niya iyong kinuha, upang hindi magising ang bata, saka binuksan.
Suddenly, he felt like something hit his chest when his eyes recognized the familiar handwriting. With a heavy heart and quivering hands, he read the letter.
Raven,
This little girl's name is Rachel. She is eighteen months old— go figure.
All her documents are stored in a secret pocket under the stroller, including her medical records. You'll know everything she needs from those docs.
You take care of her from now on and do not try to contact or look for me. I am marrying someone else and I can't bring her with me. I am done with my responsibility as a parent.
I hope you two have a good life.
Gazi
Namamalikmatang sinulyapan niya ang batang nasa loob ng stroller— hindi alam kung gaano siyang katagal na nakatitig lang dito. Deep within him wanted to wake up the little girl and talk to her, but the other part of him wanted her to continue her sleep so he could just stare at her.
Hanggang sa... kumilos ang bata. At mula sa pagkakatagilid ay tumihaya ito at nagmulat ng mga mata.
And when their eyes met, his throat just suddenly constricted, his eyes watered and his chest tightened. He felt like he was staring at the tiny copy of himself. The only difference was that the little girl has hazel brown eyes— just like her mother's.
But, God have mercy— the little girl looked exactly just like him! She was like his female version!
At nang ngumiti ang bata sa kaniya ay hindi na niya napigilan pa ang mga luha. He gently touched her hand and smiled back at her with blurry eyes.
"Hello, sweetheart," he uttered in a shaky voice. "I am Papa."
***