Ayon sa doktor na tumingin sa kaniya ay isang buwan ang kailangan niyang pahinga bago bumalik sa eskwela, subalit dalawang linggo pa lang ang nakalilipas ay pumasok na siya. Hindi niya kayang magmukmok ng matagal sa kaniyang silid dahil binabaha siya ng mga isipin. Hanggang maaari ay gusto niyang iwasang mag-isip ng tungkol sa mga nangyari sa nakalipas na mga buwan. Kaya naman kahit may kaunting kirot pa rin siyang naramdaman sa katawan ay pinilit na niyang bumangon at lumabas sa kaniyang silid. Kinailangan niyang magpagaling sa sugat at pinsalang natamao mula sa pakikipagbugbugan sa lalaking estudyante rin ng CSC. Dalawang tadyang lang naman ang nabali sa kaniya. Ang kaliwang kilay niya, labi, at baba ay nagkasugat din at kinailangang tahiin, at maliban pa roo'y nagkar