11 - His Confession, Her Command

2051 Words
"Salamat sa araw na ito." Nahinto si Raven sa paglalakad nang marinig ang mahinang tinig ni Gazi. Nilingon niya ito at nginitian. "I had a great time with you. Thank you for spending your day with me." Her smile was warm as she gazed up at his face. "H'wag mong kalimutan ang tungkol sa pustahan natin. Sa Lunes na mag-u-umpisa 'yon." He released a lopsided grin. "How can I forget?" Ngumisi lang rin si Gazi bago itinuloy ang paglalakad at nilampasan siya. He followed her quietly, thinking how to start a conversation. Inabot na sila ng gabi sa kabilang bayan. It's already six thirty in the evening, at kung hindi pa siya nagyayang umuwi ay baka hindi pa rin sila nakababalik doon. Matapos nilang kumain sa barbeque house na katapat ng arcade center ay niyaya siya ni Gazi na magtungo sa isang Eco Park malapit lang roon. Ayon kay Gazi ay tourist attraction ang lugar na iyon, kaya naman hindi na siya nagtaka nang makitang maraming mga dumayo roon upang mamasyal at makita ang malawak na fish pond kung saan mayroong mamahalin at iba't ibang klase ng mga isda. Mayroon doong libreng tinapay na ipinamimigay ng mga staff na maari nilang ipakain sa mga iyon. Gazi enjoyed walking around the part, too. She was like a kid— no, a bird— who was released from its cage. He had never seen her enjoy her day like that before. She was unstoppable. Matapos nilang manggaling sa eco park ay napadaan naman sila sa isang pampublikong parke. Halos takbuhin nito ang bakanteng duyan, pumatong roon, at inutusan siyang itulak ito ng malakas. He found it cliché, but he did anyway. At walang pagsidlan ng tuwa si Gazi. Matapos nilang manggaling sa parke at hinila siya ng dalaga sa isang ice-cream van na nakaparada sa daan. Ni-libre siya nito ng isang home-made ice cream na kinain nila habang naglalakad pabalik sa arcade center— Gazi wanted to play more games. She taugh him how to play video games that he was not familiar with. Ipinaliwanag nito sa kaniya na noong doon pa ito nakatira sa bayang iyon ay madalas itong tumatambay sa lugar na iyon tuwing hapon o sa tuwing may libreng oras ito. Gazi explained that she liked it there— that she was able to forget all her worries and enjoy her teenage life. Mas maigi na raw ang ganoon kaysa sa malulong ito sa mga bisyo— which he agreed and commended. Nang mapagod sila sa kalalaro at nang makita niya ang oras ay doon na siya nagyayang umuwi. Bigla siyang nakaramdam ng kahungkagan nang matanaw ang tulay. Ilang minuto na lang at maghihiwalay na sila nito para umuwi sa kani-kanilang mga tirahan. He wanted to spend more time with her— ang isang buong araw ay hindi sapat. Pero sa tingin niya'y kailangan niyang magtiyaga hanggang sa dumating ang araw na hindi na nila kailangan pang umuwi sa magkaibang bubong. Sa naisip ay bigla siyang natigilan at nahinto sa paglalakad. What was that? he asked himself. Why did I suddenly think of that? "Hey." Napa-kurap siya at natauhan nang marinig ang pagtawag ni Gazi. Hindi niya namalayang nasa unahan na niya ito at nakaharap sa kaniya. He blinked again— before forcing a smile. "Yes?" Matagal na nakipagtitigan sa kaniya ang dalaga— tila iniisip nito kung papaanong uumpisahan ang nais na sabihin. And he remained silent— waiting for her to continue. The truth was, hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin. Parang bigla siyang na-blangko sa naisip kani-kanina lang. Gazi cleared her throat and looked down. "Hindi ko na... tatanggapin ang perang ibinabayad mo sa akin." His mouth dropped in confusion. "What?" Doon nag-angat ng tingin ang dalaga at sinalubong ang mga mata niya. "Ang inisyal na dahilan kung bakit binibigyan mo ako ng fee kada araw ay upang pakisamahan ka ng maayos at tanggapin ang pakikipagkaibigan mo, hindi ba? Kalaunan ay saka mo lang sinabi na paraan mo iyon upang makatulong sa akin— sa amin ni Niel— and I am grateful for that, Raven. Kaya lang..." she stopped and cleared her throat again. "Kaya lang ay parang hindi na tamang ipagpatuloy pa natin ito." Bigla siyang natilihan. Ano'ng pina-plano niya? And he was about to ask her that when she added, "You don't need to pay me anymore— because today, I have realized that I also need a companion." Doon ito ngumiti, na pumawi sa pangamba niya. "Gusto kitang maging tunay na kaibigan, Raven. Kaya naman... kalimutan na natin ang tungkol sa 'agreement' natin. H'wag mo na akong bigyan ng fee." "Pero hindi ba at kailangan mo ng pera para sa gamutan at operasyon ni Niel? How are you going to—" "Sapat na ang perang naibigay mo sa akin. Sina Mommy na ang bahalang magdagdag ng kulang. At ang perang iyon ay tatanawin kong utang, Raven. Hiram ko iyon sa'yo— and I promise to pay back when I already can." "But, Gazi—" "Ang totoo ay may naiwang trust fund sa akin ang mga magulang ng mommy ko," paliwanag pa nito na pumutol sa argumento niya. "Naalala mo noong sinabi ko sa'yong galing sa mayamang pamilya ang nanay ko? That was true. And her parents— my grandparents— left me a huge inheritance. Pero makukuha ko lang iyon kapag umabot na ako sa tamang edad." Gazi pressed her lips to keep them from shaking. "When I turned twenty-one, I can already do whatever I want to do with the money. I can probably buy an island— or the whole San Guillermo— can you imagine that?" Hindi siya kaagad na naka-sagot. Ayaw niyang pabayaran dito ang perang naibigay niya, pero nakikita niya ang determinasyon sa mukha ni Gazi kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hanggang sa muling nagbaba ng tingin ang dalaga at nagpakawala ng malungkot na ngiti. "Alam mo bang nang dahil sa perang iyon ay naging malayo ang loob sa akin ni Mommy? She hated the fact that her parents didn't leave her a penny— na ang lahat ng perang dapat ay napunta rito bilang nag-iisang anak ay sa akin pa ipinamana." Nahihimigan niya sa tinig nito ang kalungkutan, at nais niya itong lapitan upang hilahin at ikulong sa mga bisig niya nang mag-angat ng tingin si Gazi at nagpakawala ng pilit na ngiti. "Kaya pahiram muna ng pera, ha? Kaya naman kitang bayaran— maghihintay ka nga lang ng dalawang taon bago mangyari iyon." Niyuko nito ang mga daliri at nagbilang. Ilang sandali pa ay, "I am turning eighteen in few months time. Isang araw, magigising ka na lang at may pambayad na ako sa'yo." Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "Kung ako lang ay tinatanaw kong tulong ang perang iyon para kay Niel. Hindi mo kailangang magbayad. Ginawa ko lang ang agreement na iyon upang maipaabot ko sa iyo ang tulong ko. To be honest, it made me cringe every time I think how I pathetically offered to pay you in exchange of treating me as a friend." Natawa siya sa huling sinabi— pero sandali lang iyon dahil muli rin siyang nagseryoso. "I will help you complete the amount you need for Niel's operation. Hindi na rin kita o-obligahing gawin ang nasa agreement natin. Just promise me one thing." Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Gazi. "Sinabi ko na sa iyo na sapat na ang lahat ng mga naibigay mo para —" "Gazi, promise me one thing." "Ugh." Umikot paitaas ang mga mata nito saka bumuga ng hangin. "Promise you what?" "Promise me that you will never give up no matter how hard life is. Dahil nangangako rin akong tutulungan kita sa abot ng makakaya ko hanggang sa malampasan mo—ninyo ni Niel— ang pagsubok na ito." Hindi na nagawa pang makasagot sa kaniya ni Gazi. Nanatili lang itong nakatitig ng diretso sa mga mata niya, tila tinitimbang kung gaano ka-totoo ang mga sinabi niya. Makalipas ang ilang sandaling wala pa rin itong sinasabi ay itinuloy niya ang paglalakad at nilampasan ito. "Let's go, Cinderella. Kailangan na kitang i-uwi bago sumapit ang alas-siete." Subalit hindi pa man siya tuluyang nakalalayo ay narinig niya ang pagtawag nito. "Hoy, Raven." Huminto siya at hinarap ito. "Hoy?" "Hindi ka dapat nagbitiw ng pangako sa akin," sabi nito sa matigas na tinig at seryosong anyo. "Why not?" he challenged. "Dahil hindi kita titigilan hanggang sa hindi mo iyon tuparin." Ipinag-krus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib at sa seryoso ring anyo ay sumagot, "I don't give promises I can't keep, Gazenchelle." Umirap ito at ginaya rin ang pag-halukipkip niya. "Siguraduhin mo lang." Muli siyang ngumisi. "By the way, iyong sinabi mo kaninang umaga..." Sinulyapan siya nitong muli at nakataas ang kilay na nagtanong, "Ano'ng sinabi ko kanina?" "Na gusto mo ako." Muling umikot paitaas ang mga mata nito. "Gusto ko ang pagkatao mo, hindi ikaw bilang ikaw." "Same banana, baby." "Could you please stop calling me that?" "Calling you what?" Oh, how he loved teasing her... "Baby!" "Yes, baby?" "Oh!" Inis na humakbang si Gazi palapit sa kaniya at dinilatan siya ng mga mata. "Ang sarap mong tirisin!" wari pa nito bago itinuloy ang paghakbang upang mauna na. Nakangisi siyang sumunod dito hanggang sa marating nila ang tulay. And when they were about to separate ways, Gazi turned to him which stopped him from his track. "Do you attend Sunday mass?" Salubong ang mga kilay na sumagot siya. "My mother does, but I don't. Natutulog ako mula umaga hanggang hapon tuwing Linggo." Gazi tsked. "Noong hindi pa malubha ang kalagayan ni Niel ay kasama ko sila ni Mommy na nagsisimba tuwing Linggo. Pero simula nang maratay siya ay mag-isa na lang ako laging nagsisimba. I'll drop by tomorrow morning at your house— sasabay na ako sa Mommy mo. At maghanda ka rin dahil sasamahan mo kami." "Whoa, whoa, whoa." Itinaas niya ang mga palad sa ere. "Sa Lunes pa mag-uumpisa ang parusa ko, bakit napa-aga ang pagmamando mo sa akin?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Bakit, mas pipiliin mo bang matulog na lang buong araw bukas kaysa ang makasama ako?" "Well, I want to spend another day with you but not in the church—" "Bakit, masusunog ka ba kapag pumasok ka sa simbahan? Ganoon ka na ba ka-makasalanan ngayon, huh, Raven Angelo Worthwench?" "Of course not. I just don't like the atmosphere inside the church." "That's what a demon would say, too." Ngumisi si Gazi saka humakbang palapit at huminto ng halos isang dipa lang mula sa kinatatayuan niya. "Salamat ulit sa araw na ito. And see you tomorrow." She then tiptoed and planted a soft kiss on his cheek— which surprised him. Sa tindi ng pagkabigla niya ay hindi siya kaagad naka-apuhap ng sasabihin. He was lost for words— and he couldn't move a muscle. Nang muli siyang harapin ni Gazi at makita ang gulat niyang anyo ay malapad itong ngumisi. "O, namumutla ka. Natuklaw ka ba ng ahas?" loko nito. Wala siyang maisip na sagot. Hindi pa rin niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi na niya mabilang kung ilang babae na ang nahalikan at nai-kama niya, at kung tutuuisin ay simpleng dampi lang sa pisngi ang iginawad sa kaniya ni Gazi, subalit ang epekto niyon ay matindi na tila biglang humiwalay ang kaluluwa niya sa buo niyang katawan. Lalong napangisi si Gazi nang hindi pa rin siya tumitinag. "Ang lakas ng kamandag ko, ano, Raven? Kakayanin mo ba ako kapag naging tayo na?" "Wh—What?" he was finally able to find his voice. Pero imbes na sagutin siya ay pinagtawanan lang siya nito at muli nang tumalikod. Sandali niyang pinag-isipin ang huling sinabi nito, at nang maunawaan ay malapad siyang ngumiti. Malayu-layo na ang nalalakad ni Gazi nang tawagin niya ito. "Hey!" She stopped and looked over her shoulder. "What if I told you that I am starting to fall in love with you?" Gazi smirked. "Well, I can't blame you," she answered before turning her back and continuing her pace. A soft chuckle escaped his throat as he watched her walk away. At nanatili siya roon sa kinatatayuan hanggang sa tuluyang lumiko si Gazi at mawala na sa paningin niya. * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD