"Will you marry me?" puno ng kagalakang tanong ni Roxzelle sa 10-year boyfriend niyang si Jazreal Kin Leandro Jr. sa mismong half-time break ng NBA, habang nakaluhod sa harapan nito, ng mga manlalaro at ng buong madla.
Matinding gulat ang lumarawan naman sa anyo ni Jazreal habang nakatitig sa girlfriend. Umingay ang bulungan ng lahat ng mga tao.
"Are you serious?" di makapaniwala niyang tanong sa dalaga.
"Yes!" nakangiting sagot naman ni Roxzelle, puno ng pag-asa ang anyo.
"No way..." Matinding disappointment ang lumarawan sa anyo ni Jazreal. "You better go home. It’s just a prank, and I’m not falling for your tricks." Tumalim ding bigla ang mga mata nito.
Mas lalo pang umingay ang buong paligid.
Hindi lang matinding panlulumo at panliliit sa sarili ang naramdaman ni Roxzelle, kundi pagkawasak ng kanyang puso.
Isa siyang wedding planner at ang pangarap niyang perpekto at engrandeng kasal ay bigla na lamang gumuho sa isang iglap lang.