◄Sebastian's POV► Natapos ang kaarawan ng kambal na anak nila Harvey ng parang hindi ko ito naramdaman dahil sa dami ng tumatakbo sa aking isipan, pero aaminin ko na nakatulong sa akin ang kambal upang mapagaan ang loob ko, at idagdag pa si Marcus na lagi akong pilit na pinapatawa kanina. Ramdam na ramdam ko 'ying pagpapahalaga nila sa nararamdaman ko kaya pilit nila akong pinapasaya kanina. Madilim na ang paligid at siguradong tulog na rin ang dalawang anak nila Lyka, kanina nga ay nakatulog pa ang sa kambal sa kandungan ko habang kinukuwentuhan ko sila ng masayang alaala namin ni Adriana. Sabi pa nila sa akin na nararamdaman daw nila na after ng kalungkutan ko, may darating daw na kaligayahan sa buhay ko na hindi ko daw inaakala. Alam ko na salita lamang ito ng dalawang batang paslit,