Chapter 16 -Mahal kita Adi-

2676 Words

❀⊱Adriana's POV⊰❀ Pagkahatid sa akin ni Sebastian ay umalis din agad siya. May lakad daw kasi siya. Tinanong ko sya pero hindi naman niya ako sinagot ng maayos. Medyo nainis pa nga yata sa akin kaya hindi ko na lang kinulit at baka mauwi pa sa away. "Jusko, ano na ang nangyari sayo? Bakit limang araw kang nawala ng hindi mo man lamang kami kinakausap? Alam mo ba na nag-aalala kami sayo? Mahalaga ba kami sa buhay mo, o mas importante na ngayon si Sebastian kaysa sa amin?" nagtatampong ani ni Avvi. "Masyadong nagpakasarap kay Sebby samantalang tayo nag-aalala sa kanya. Seen pa ang chat natin, nakakaloka ka talaga Adi," ani naman ni Jhovel. "Sarap mong sabunutan! Alam mo ba 'yon ha? Nag-alala kami ng todo sayo tapos ikaw naman pala ay nagpapasarap lang sa kandungan ng Sebastian na 'yon!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD