Napapikit ako at napangiti habang inaamoy ang mga bulaklak na kinuha ko sa greenhouse. Nasa likod ito ng flower shop ng aking lovely mother at busy ngayon dahil sa wedding events na susupplyan namin. May mga tauhan naman siya pero kailangan kong tumulong para na rin ito sa future ng aming branch na ako ang magma-manage. Suot ko ang apron ng shop at nakatali ang mahaba kong buhok. Wala akong pasok ngayon dahil weekend, ang mga magkakapatid iniwan ko muna. Masyado na nilang inaabuso ang aking katawan noh! Napatawa ako dahil ako din naman ang may gusto. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, mahal nila ako! Grabe! Unexpected talaga! Akala ko matatagalan pa bago nila sabihin yon at baka naunahan ko pa sila. I am really glad that I am the woman they love. Ganito din kaya kasaya si Mama ng mag-confessed ang aking mga daddies sa kanila? Malamang! Sobrang happy pa rin nila eh kahit ngayon, at huwag niyo na akong tanungin pag nasa bahay sila. Although soundproof ang mga rooms, alam kong parati nilang ginagawa. Proof non ang well-sated face ng aking Mama at mga pilyong ngiti ng aking mga Papa.
It's not easy to live with two daddies, pag nalalaman ng iba, agad nilang huhusgahan ang mga magulang ko. Masakit kung iisipin pero hindi ko na lang pinansin. Hindi naman sila ang nagpalaki at nag-alaga sa akin. We were showered with so much love, kami ng mga kapatid ko from our parents at yon lang ang importante sa amin. And speaking of kapatid, nandito rin sila at tumutulong wearing casual clothes and apron. May bandana pa sila sa kani-kanilang ulo. Hindi man halata, pero mama's boy ang mga ito.
Nilapitan ko ang aking ina na parang hindi tumatanda at nilapag ko ang mga flowers sa working table.
"Ma, may napansin ako. Hindi ko atah nakikita ang manager mo? Naka-leave ba?" tanong ko sa kanya at nagsimula akong mag-cut ng mga stems.
"I fired her a few days ago. Malay ko ba sa babaeng yon, she was good at her job at alam kung teaser siya. Pero hindi ko akalaing pati ang groom ng bride na isa sa mga clients natin ay lalandiin niya. Ka-imbyerna! Nakinig na lang sana ako sayo." irita niyang sagot at hindi naman ako makapaniwala. Sabi ko na nga ba malandi talaga ang babaeng yon. Noong minsan kasi na dumalaw dito sina Yulises at Falco, nagkipag flirt agad sa babaeng yon. Sinabi ko kay Mama na magiging problema siya in the future pero magaling talaga ito kaya hinire niya pa rin.
“Ha? Sinong na ngayon ang bagong manager mo? Sino ang katulong mo dito?” huminga siya ng malalim at hinarap ako.
“Kakausapin sana kita tungkol dyan. Tutal ikaw din naman ang mamahala sa ipapatayo nating branch, pwedeng ikaw muna ang manager dito sa shop natin anak? Ikaw lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko. Ilang managers na din kasi ang dumaan satin na puro palpak. Kinausap ko na ang mga Papa mo tungkol dito and sabi nila good idea daw para magkaroon ka ng exposure. Okay lang ba? Alam ko mas nag-eenjoy ka sa pagtatrabaho kasama ang mga Silva brothers but I need you here.” tumigil ako sa aking ginagawa at hinawakan ang kamay niya, naka gloves naman kami kaya okay lang.
“Nag-eenjoy nga ako doon Ma, pero mas masaya ako na matulungan kita dito. Nagtrabaho ako doon para may work experience ako, pero mas maganda siguro na andito ako. Hayaan mo, sasabihin ko kay Joaquim okay?
“Salamat anak. Alam ko namang ayaw mong mahiwalay sa magkakapatid. Kumusta na pala kayo? Wala pa rin bang development? Little sister pa rin ba ang turing nila sayo? Tsaka tinanggap mo ba yong date na sinasabi ni Halsey?”
“Ma, ang daming tanong ah.” sabi ko at ngumiti. “Ano kasi uhm… Sasabihin sana ko sa inyo kila Papa pag bumalik na si Yuli pero ikaw ang una kong pagsasabihan.” nagtataka siyang tumingin sa akin. “A few weeks ago kasi, well, nagkaaminan na kami. They said they love me and never treated me as their sister.” napakurap siya tapos ay biglang sumilay ang mapanuksong ngiti niya sa kanyang labi.
“Kaya naman pala sobrang saya ng aura mo lately. Pero kaya mo ba? Apat din sila noh?!” tukso niya.
“Ma naman eh!” angal ko at tumawa siya. "Kaya ko po noh, si Ninang Jewel nga eh. Hinihintay lang pala nila na payagan ako nila Papa na magka-boyfriend."
"Siguro sinabi mo na makikipag date ka sa lalake." tumango ako. "Naku anak, alam ko namang baliw na sayo ang mga Silva brothers noon pa. Sabihin mo rin sa mga Papa mo ha."
"Pag bumalik na po si Yuli, sabay naming sasabihin." tumango lang siya.
"Mamamanhikan na ba sila?" napaangal ako ulit at tumawa rin siya ulit. "Bakit hindi? Masyado niyo lang pinatatagal, doon din naman ang hantong ninyo. Kami ng Ninang Jewel ninyo gusto na ring magkaapo."
"Talaga? Gusto niyong tawagin na lola?"
di-makapaniwala kong sabi.
"Eh di kami ang magiging pinakamaganda na lola sa mundo. Gusto ko na ulit ng bata sa bahay at hindi lang ang mga Papa mo ang binebaby ko." malakas akong napatawa sa sinabi niya at sasagot sana ako ng marinig namin ang pag tunog ng bell na nasa taas ng pinto. Lumingon kami at nakita ko sina Joaquim, Balduin at Falco na pumasok. May dala silang paper bags na may tatak ng restaurant nila.
"Hello! Nagdala kami ng pagkain." sabi ni Joaquim at agad nilang binati ang aking ina. Ngumiti ito sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi, ganun din ang ginawa ng dalawa. Natuwa din ang kambal ng makita sila at nag manly shake sila.
"Bored na kasi kami sa bahay kaya pumunta kami dito at para tumulong na rin." sabi ni Balduin na lumapit sa akin at hinapit ako sa aking bewang.
"Tumulong kayo dyan but, thank you for the food. Sakto at nagugutom ako." sabi ko sa kanila.
"Wow naman, salamat mga gwapo kong inaanak!" tuwang sabi ni Mama. Bumukas ulit ang pinto at napangiti ako ng makita si Amethyst kasama si Ninang Jewel na pumasok.
"Hey everyone! Tutulong din kami!" malakas na sabi nito. Napansin ko na natigilan ang aking mga kapatid at nagpaalam na pupunta sa greenhouse. Mabilis nilang binati si Ninang at nagmamadaling naglakad papunta sa likod. Agad naman silang sinundan ni Amethyst at nagkibit balikat lang naman ang maganda kong Ninang. Lumapit ako sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap.
"Naku, dalaga na talaga ang inaanak ko. Sa wakas, magiging part ka na ng family namin!" excited nitong sabi. Humiwalay naman ako rito at tumingin sa magkakapatid.
"Sinabi niyo na?" tanong ko sa kanila. Napakamot lang sila ng ulo.
"Mom! Bakit niyo naman ako iniwanan don?!" nagulat ako ng makita kung sino ang sumunod na pumasok.
"Yuli!!!" gulat kong sabi. Nilapitan ko siya at mahigpit ko din siyang niyakap. "Nandito ka na pala?! Kailan ka pa bumalik?" tanong ko sa kanya at hindi bumitaw sa kanya. He smells so good, fresh with a hint of spice.
"Kanina pang umaga love." malambing niyang sabi at dinampian ng halik ang aking noo. "I miss you Straw."
"Ako din, sobra kitang na-miss…" nakangiti kong sabi.
"Ang sweet niyo naman!" kinikilig na sabi ni Ninang. "Tignan mo na besh, sabi ko kasi sayo magiging in laws tayo." sabi nito kay Mama. "Magkakaapo na rin tayo!" at tumalon silang dalawa na parang bata at puno ng tuwa ang mga mukha.
"Dinner is on our house tonight para makapamanhikan na kayo." sabi ng Mama ko at napailing lang ako. Tumawa naman ang mga lalake na kahit noong bata pa kami ay parte na ng buhay ko.