Pinahiran ko ang aking mga mata dahil hindi ko mapigilan na umiyak ng ihatid namin ang mga kapatid ko sa airport. Kasama namin ang aming mga magulang, kasama ko rin si Joaquim at Yulises na kinakalma ako noong nasa airport kami. Ayaw ko kasing bitawan yong kambal, pati na rin si Mama hindi napigilang umiyak. Nasa sasakyan na ko ngayon kasama ang dalawa, binigyan ako ni Yulises ng tissue, umalis na kami ng pumasok na ang kambal. Narinig ko ang pagtunog ng phone ni Joaquim, tinignan niya ang screen saglit at bumuntong-hininga siya. "Sinong tumatawag?" tanong ko sa kanya. “My sister.” sabi niya at inihagis niya sa akin ang kanyang phone na na-catch ko. Nasa backseat kasi ako at sila ang nasa harapan ng sasakyan. “Sagutin mo nga, I don't want to deal with her right now.” “Ako rin, she’s