Dylan
*
*
napapailing nalang ako habang pinagmamasdan ko si gemmalyn. pasaway ang babaeng to nakuha pang makipag chismisan sa tindahan habang nakikipag p*****n ang kanyang mga kasamahan.
nakita ko itong naninigarilyo habang panay ang tungga ng beer paikot-ikot sa isang squatter. mag iisang oras na ito sa ka-iikot. hanggang sa nakita kong makausap itong kausap nitong matandang babae.
pinagmasdan ko ito sa malayo. bumaba ako sa motorbike ko. mabilis kong sinundan ito. tinapon ko ang empty can beer na hawak ko. sinuot ko ang night glasses. palage ko ito dala malaya akong nakakakita sa dilim. masyado dilikado kung malalaman nila na ang hinahanap nilang batang nagligtas saakin dati ay si giemma.
kaya nga pinanindigan ko na si Madelyn ang batang nagligtas saakin, step father niya ang big boss. nagpagawa pa ako ng kahalintulad ng kwentas na binigay ko kay Giemma ng bata pa siya.
binigay ko ito kay Madelyn ng hindi nya napapansin nagkataon na may niligtas na batang lalaki si Madelyn dati kaya sinamantala ko ang pagkakataon. hindi basta-basta ang taong may galit kay giemma. isa siyang business man actor and syndicate. may naka-kalat na time bomb sa iba't ibang lugar, hindi isang pagkakamali ko lang ng kilos sasabog ang lahat ng negosyo ni giemma madame ang madadamay na inosenting tao
kahit labag sa loob ko paulit-ulit kong sinasaktan si giemma. double ang sakit saakin sa tuwing makikita ko siyang nasasaktan at umiiyak. harap-harapan ko pinamumukha sakanya na hindi ko siya mahal. gusto ko layuan niya ako para sa kaligtasan niya. pero masyado siyang matatag, mahal na mahal niya ako. nagawa ko siyang tiisin, mahal na mahal ko siya. mula ng 15 years old ako alam kona sa sarili ko na si giemma lang ang babaeng gusto ko makasama habang buhay. naging stalker niya ako pinilit kong tapatan ang galing niya sa pakikipag laban. nag sanay akong sa ilalim mangangalaga ng kapatid ko.
natatawa ako habang pinagmamasdan ang asawa ko bukas ang gate pero umakyat pa siya sa bakod. pinahihirapan niya ang kanyang sarili.
hoy! may puno ba dito?." tanong nito sa kawalan
saglit ito nakipag usap sa phone. ilang sandali lang naglakad na ito palabas sa gate na ito dumaan natatawa pa ito. na realize siguro na bukas ang gate tapos sa bakod pa dumaan.
palihim ko itong sinundan. madalas kasi may sumusunod dito at nagtatakang patayin. yon ang dahilan kung bakit ako nakasunod sakanya lagi. masyado kasi itong careless sa pagilid.
hindi nga ako nagkamali. may nasipat akong isang lalaking mabilis na tumatakbo palapit dito.
mabilis akong kumilos, agad ako nakipag buno sa lalaki na sa tingin ko assassin ng kalaban.
mabilis kong tinarak ang punyal sa dibdib nito. naikimatay nito agad. nakita kong nakikiramdaman si giemma sa paligid.
mabilis akong kumilos. naghanap ako ng puno. sumandal ako at nagsindi ng sigarilyo na parang walang nangyari
mine! sambit nito
mine! sumama ka saakin." malambing na paanyaya ko
tumalikod ito. naglakad palayo dito.
bigla nalang akong kinabahan mabilis ko itong nilapitan hinila niyakap ng mahigpit
i miss you! you're mine! you're mine!" paulit-ulit kong bulong
hindi kita kilala! ni hindi ko makita ang mukha mo." sagot nito sa malamig na boses
please! sumama ka saakin! magpaliwanag ako mag papakilala ako." disperado kong sagot
hindi ko talaga kayang mawala siya saakin. gusto ko siyang suyuin malambingin pero may nag m-monitor sa mga kilos ko. kaya palihim ang lahat ng kilos ko.
hindi muna mine! nagugulohan ako sa mga nangyayari! nakipag hiwalay ako sa asawa ko. ayaw ko muna makipag lapit sa ibang lalaki." piyok nitong sagot
binuhat ko ito na parang sako ng bigas.
hey! put me down! nang gagalaiti nitong utos
no! no! no! you're mine! hindi ka aalis sa tabi ko. akin kalang handa kong gawin ang lahat. huwag kalang lumayo saakin." seryosong sagot ko
lasing ka? gulat na tanong nito
nope! mine! mag kita tayo sa bahay na pinag dalhan ko sayo. kung gusto mo malaman kung sino ang kalaban mo." seryosong saad ko
ang alam ko lang bomb expert! wala sa sarili nitong sagot binaba ko ito sa tabing kalsada.
kinabig ko ang batok nito, masuyo akong hinalikan sa labi. gusto ko iparamdam ang pagmamahal ko sakanya sa pamamagitan ng halik.
pilit na tinititigan ang mukha ko.
i miss you! I regret the many things I have done to you. but I have no choice. just one wrong move. we will all explode." buong pagsisisi na bulong ko
bye! mine! malambing na paalam ko tumalikod na ako naglaho sa dilim bago pa siya makapag salita.
hinintay ko itong makaalis bago ako sumampa sa motorbike ko.
bakit nga ba kame humantong sa ganito? bakit ako nagtatago sa dilim. tiniis ko ang pagtawanan ng mga tauhan ni giemma sa tuwing nag papanggap akong natatakot at walang alam sa pakikipag laban. isa sa mga dahilan kaya mapanatag ang kalaban na sumusubaybay kay giemma dahil sa inaakala nilang mabilis nilang mapapatay ang asawa ko dahil sa wala itong idea sa mga nangyayari.
pinaniwala ko ang lahat na dahil sa pera kaya hindi ko hinihiwalayan si giemma.
pagdating ko sa bahay pumasok na ako hindi na ako nagbukas ng ilaw sinanay ko ang sarili ko sa dilim. malakas ang pakiramdam ko sa paligid.
agad akong pumasok sa aking silid. tinanggal ko ang lahat ng armas sa katawan ko. inilagay ko sa ding-ding kung saan naka display ang iba pang na gamit pang laban
pumasok ako sa banyo. nag umpisang maligo. sinigurado kong malinis ang katawan ko excited akong mayakap at mahagkan ang babaeng nagpapasabik saakin araw-araw.
nagsuot lang ako ng cotton short at t-shirt. naupo ako sa sala habang matiyagang hinihintay ang pagdating niya. inaalala ko ang nakaraan
flashback
sister! salamat po sa pag aalaga sa kapatid ko. paalam ni kuya sa madre na mangangalaga saakin
mag eengat kayong dalawa." mahinahon na sagot ng Madre
opo! sagot ko
kuya! huhu kuya bakit ngayon kalang akala ko wala na akong pamilya! akala ko patay kana." umiiyak kong wika
hey! I'm alive! halika kana mula ngayon magkasama na tayo, hindi na kita iiwan." nakangiting sagot nito habang hihintay na makasakay ako sa sasakyan
wow! kuya sayo ang sasakyan nato? gulat kong tanong nang makita ang kotse.
hahaha ano kaba sempre oo. yan lang ang kaya ng pera ko pasensyahan mo na. natatawang sagot nito
pagkatapos kong pumasok sa sasakyan agad itong nagmaneho,
kuya bakit nawala ka? saan ka nag punta bakit ngayon kalang. nahanap mo ba ang pumatay sa kay papa? tanong ko
gusto mo bang malaman? he ask seriously
opo kuya! sagot ko
may magkakaibigan! nagtratrabaho sila bilang assassin ng isang syndicate. sila Matthew Ortiz, jacinto Cuizon, beniedict Shoun, Stanley Lazano, Blair Agustin, at Dwight Bulgari. hawak sila ni mr Kabir. sila ay assassin na nagtraidor sa kanilang boss pinakulong nila ang lahat ng syndicate at nagkanya kanyang buhay." seryosong paliwanag ni kuya
kuya! diba si Demetrius kabir ay kaibigan ni papa. childhood friends sila ibig sabihin ang papa ni uncle Demetrius ang boss nila papa? inosente kong tanong
tama ka bunso. kaya nga nang pinanganak ako nilihim ni papa ang pagkakakilanlan ko para maging ligtas ako. gusto mo bang protiktahan ang batang babae nagligtas sayo? nakangiting tanong ni kuya
opo kuya! may mga kalalakihan na nagtatanong saakin kong ano ang pangalan ng babaeng nagligtas saakin. sabi ko si Lyn papakasalan ko siya paglaki ko." nakangiting sagot ko
f**k! bakit mo sinabi yon? nag aalalang tanong nito
kuya bakit? nagtatakang tanong ko
paano ko ba ipapaliwanag sayo. you're only 10 year's old baka hindi mo pa maintindihan." sagot ni kuya
kuya naman bakit ang liit ng bahay mo? naiinis na tanong ko
bumaba kana ayusin mo ang mga gamit mo sa kwarto mo mula bukas mag sasanay ka, dapat mahigitan mo ang batang babae na nagligtas sayo. kailangan mo siya protiktahan kung gusto mo siya pakasalan." seryosong wika ni kuya
hindi na ako sumagot. hila hila ko ang bag ko papasok sa maliit na kwarto.
arayyyyy kuya tama na! pagod na ako." reklamo ko
Dylan dalawang linggo kana nagsasanay pero wala kang natutunan." galit na wika ni kuya
kuya bata lang ako gusto ko maglaro." reklamo ko
halika dito papaliwanag ko sayo kung bakit dapat mong matutong lumaban." paanyaya nito pinaupo ako sa upuan sa tabi niya
ang ama ni Demetrius kabir ay pinatay ng batang nag ligtas sayo. kaya nais ni mr Demetrius kabir mahanap ang batang nagligtas sayo. para ubusin ang angkan nito. hindi niya alam na anak ni Stanley Lazano at Blair Agustin ang batang yon. kaya dapat mo siya iligtas. ikaw ang magiging hero niya gusto mo ba yon? tanong ni kuya
sunod-sunod ang pagtango ko. natawa si kuya
end of flashback
napatayo ako nang marinig ko ang pagdating ni giemma. dahilan para magising ako sa malalim na pag iisip.
naglakad ako palapit sa pintuan binuksan ko ito at mabilis na hinatak papasok si giemma
niyakap ko agad ito nang mahigpit.
mine! Your charming presence is the only thing to put a big smile on my face. I have a sincere request for you; never give up on our love. We can only be happy when we are together. I miss you! i love you so so much." puno ng pagmamahal na bulong ko dito
narinig ko itong humihikbi. sinakop ko ang labi nito. patuloy ang pag iyak nito
h-honey." garalgal na tawag nito
kinabig ko ito bago sumagot. yumakap ito saakin ng mahigpit umiiyak sa dibdib ko
ssssssh! it's me honey! handa na akong ipagtapat sayo ang lihim sa pagkatao ko ayaw kona nagtago sa dilim. mahal na mahal kita, hindi ko kayang mawala ka saakin. pangako ipapaliwanag ko ang lahat mula sa simula." malambing na wika ko
bakit? bakit? puno ng hinanakit na tanong nito
nilock ko ang pinto bago ko ito. binuhat papasok sa aking silid.
nilock ko ang pinto. binaba ko ito sa kama.
binuksan ko ang ilaw. napayuko ako.
D-Dylan! ikaw nga si mine." umiiyak na wika nito lumapit ako dito lumuhod ako sa harapan nito hinawakan ko ang magkabilang kamay nito habang nag sasalita
honey! forgive me for all I have done wrong to you for all the pain I have caused you. I did everything for the safety of our loved ones." sensero kong wika
panay ang iyak nito habang pilit na tinatanggal ang kamay sa pag kakahawak ko
sorry! sorry! honey! alam kong sobra kitang nasaktan! sa tuwing nakakagawa ako ng kasalanan sayo. labis akong nagsisisi! sa tuwing nasasaktan ka mas nasasaktan ako. tiniis kita para sa ikabubuti ng lahat, patawarin mo ako sa anim na taon panghuhusga ng mga tao. at sa pagtataksil ko sayo. pakinggan mo ang puso ko honey! iba ang sinisigaw ng puso ko sa lumalabas sa bibig ko. sa tuwing sasabihin ko sayo na i hate you! kabaliktaran ang laman ng puso ko. mahal na mahal kita Gemmalyn! mahal na mahal kita." garalgal na paliwanag ko na mas nagpaiyak dito
naupo ako sa tabi nito. sumubsub ito sa dibdib ko habang umiiyak
galit ako sayo! galit na galit ako sayo. labis mo akong sinaktan. durog-durog na ang puso ko." humihikbing sagot nito
bakit? bakit? mo ako pinagmumukhang tanga. pina-ramdam mo saakin na wala akong halaga sayo! nagtiis ako sa loob ng anim na taon! hindi mo ako mahal! kahit kilan hindi ko naramdaman yon!" puno ng galit na sumbat nito saakin
humiwalay ito saakin pinag susuntok ang dibdib ko hinayaan ko lang ito.
sorry! honey! patawarin mo ako! maniwala ka mahal na mahal kita." pagsusumamo kong sagot.
paulit-ulit mo ako sinisi sa pagkawala ni Madelyn! paulit-ulit mong sinabi na kinamumuhian mo ako! paulit-ulit mo akong sinaktan! nawalan ako ng tiwala sa akong sarili! pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko. pero hindi ako sumako! nagpakatanga parin ako sayo. i hate you Dylan! i hate you! trinato mo akong basura! bakit? ang tagal kong inasam na paniwalaan mo! hindi ko pinatay si Madelyn! bakit bigla ka nalang nanghingi ng tawad ngayon? wala akong maintindihan!." umiiyak na wika nito
hinawakan ko ang magkabilang kamay nito paulit-ulit kong hinalikan! habang humihingi ng tawad!
i love you honey! alam kong ikaw si Lyn." garalgal na wika ko.
bakit mo sinasabi na si Madelyn si Lyn ang babaeng pinangakoan mo ng kasal! ang babaeng nagligtas sayo?. dahil sakanya kaya naging impyerno ang naging buhay ko sayo." galit na sigaw nito
hinahanap nila ang batang nagligtas saakin sa park! hinahanap nila ang anak ni Blair Agustin, ikaw ang batang hinahanap nila, naka monitor sila saakin mula ng bumalik ako! ang clue nila ang babaeng papakasalan ko ang batang hinahanap nila. isang assassin din ang iyong ina. magkasama sila ng aking ama sa trabaho. umalis sila sa kinabibilangan nilang grupo. at pinakulong nilang lahat ng kasamahan nila. nais maghiganti ng anak ng boss nila, dahil sa kagagawan nila papa at aunt Blair at mga kaibigan nila, pinatay nila si papa at aunt pero hindi pa yon sapat para kay Demetrius kabir nais ka nilang patayin. ang una mong mission bilang batang assassin ay si mr Kabir ang big boss ng mga magulang natin. siya ang takas sa bilanguan na pinatay mo bago mo ako iligtas.
niligawan ko si Madelyn. pinaniwala ko silang si Lyn ay si Madelyn! step father ni Madelyn si mr Demetrius kabir, kaya hindi nito magawang patayin.
nag aral ako ng college doon ko nakilala sila flint at Laura Cuizon, umasta akong walang alam sa mga nangyayari! yon ang naisip kong gawin habang palihim na sinusundan ka." mahabang paliwanag ko
bakit hindi mo pinaliwanag saakin? bakit umabot pa ng anim na taon?" puno ng poot na tanong nito
isang pagkakamali lang mine! ubos tayong lahat. maaaring hindi mo alam pero lahat ng bahay at sasakyan mo, lahat ng pinupuntahan mga kapatid mo at tatay mo may nakatamin bomba. isang pindot lang maraming mamatay na inosenting tao." seryosong paliwanag ko
makinig ka! nasa panganib ang buhay natin lahat! isang crazy bomb expert ang kalaban natin.
alam kong galit ka saakin! magalit ka kamuhian mo ako handa akong maghintay hanggang sa kusang maghilom ang sugat sa puso mo na ako mismo ang may gawa." malambing na wika ko
hindi ko maintindihan! bakit hindi sinabi ni tatay saakin na kilala niya ang kalaban? nagugulohan na tanong nito
hindi maaari niyang gawin yon. may nakatamin na Bomba sa lahat ng negosyo nyo. kaya nga nanatiling tikom ang bibig ng iyong ama. may camera din sa lahat ng bahay at business nyo sa lahat nang pinupuntahan nyo." sagot ko
pwede bukas na tayo mag usap? masyado nang madame nangyari ngayon araw." sagot nito
i love you so so much honey! sensero kong wika
I hate you! inaantok na sagot nito hinalikan ko ito sa noo pinahiga ko sa kama.
akmang mahihiga na ako ng sipain ako nito mabilis ako nakailag
i hate you! hiwalay na tayo Dylan! wala kanang karapatan saakin. makikipag kita ako sayo, para lang sa kalaban natin. hanggang doon lang." galit na wika nito
mine! honey! sorry na namimiss na kita. tabi tayo matulog." pag lalambing ko
sa sofa ka matutulog!" singhal nito saakin
sabi ko nga sa sofa ako matutulog." napapakamot sa ulo na wika ko
nahiga ako sa sofa! pagkatapos ko patayin ang ilaw.
napangiti ako. galit siya saakin. paano ko ba siya mapapaamo. nagkabaliktad ang pangyayari
ito na ang kinatatakotan ko. ang kamumuhian ako ng asawa ko.
papaunawa ko pa sakanya ang lahat. para mapatawad niya ako.
paano ba mang ligaw? tanong sa isipan ko
hindi niya ako basta-basta mapapatawad pinag mukha ko siyang tanga. nililigtas ko siya ng palihim pero pag uuwi siya sa bahay inaaway ko siya pinag sasalitaab ng masasama.
dapat kona mahanap ang iksaktong kinaroroonan ng mga tinanim ni Demetrius na Bomba. para matapos na ang lahat.
bumangon ako sa pagkakahiga. naglakad ako palapit sa kama. nakangiting tumabi ako dito
you're always mine! magiging akin ulit yang puso mo honey! papaibigin ulit kita." bulong ko
pinaunan ko ito sa braso ko yumakap ito saakin. napangiti ako
magiging maayos din ang lahat. sa isip ko
tatawagan ko si kuya papaturo ako mang ligaw."sa isip ko