giemma
*
*
walang emosyong! pumasok ako sa tarangkahan ng bahay nag liliparan ang bala. kasalukuyan nakikipag laban ang mga tauhan ko sa tauhan ni governor Yehoshua. nakapagtataka bihag namen ang governador pero ang lakas parin ng mga tauhan nito. high security ang mansion ng governador.
boss! umayos ka! ayaw namen mawalan ng boss! galit na sigaw ni Lito
hayst! sagot ko
tumakbo ako paakyat sa hagdan habang hawak ang baril sa magkabilaan kamay pumukaw saakin ang isang pinto na may kandado.
Roger! buksan mo to! utos ko sa binatang tauhan ko.
lumapit naman ito Paulit-ulit binangga ang pinto! lahat ng tauhan nasa pangangalaga ko ay binata walang mga asawa. sa oras kasi na magkaroon sila ng asawa pinapalabas ko na sila sa aking pangangalaga. magiging secret assassin ko nalang sila walang pagkakakilanlan. para sa kaligtasan ng kaniyang pamilya.
boss! tawag ni Roger saakin nang nasira na nito ang pintoan.
ummmm! hmmmmm! nanlaki ang mga mata ko may lalaki at babae nakatali sa kama! may busal ang bibig nila
mabilis akong lumapit sa babae sa tingin ko nasa 40s ang edad! tinanggal ko ang busal sa bibig nito
ahhhhhhh! ang anak ko nasa panganib ang anak ko! takot na wika nito
hey! sandali hindi kita maunawaan! huminahon ka at dahan-dahan mong ikwenento ang kaganapan dito." walang emosyong sagot ko habang kinakalagan ang pagkakatali nito si Roger naman ang ang kalag sa tali ng lalaki
ako si mrs Laila Yehoshua. siya naman ang anak ko. hawak ng asawa ko ang anak namen hindi ko alam kung saan niya dinala, miyembro ng isang samahan ang asawa ko. kabit niya ang pinakilala sa lahat na anak namen. maawa ka miss Bulgari tulongan mo kame." umiiyak na wika nito
bata pa ang kapatid ko 18 lamang siya. hawak kame sa leeg ni daddy! sa Oras na sumuway kame papatayin niya kapatid ko." walang emosyong wika ng binatang Yehoshua
boss! malinis na ang lahat! patay na ang lahat ng tauhan parating na ang mga pulis." wika ni Lito
good! ikaw na ang bahala sa mga pulis. huwag sasabihin na madia na grupo natin ang may kagagawan dito. alam na ni general ang gagawin. ipalala mo lang sakanya." walang emosyong utos ko
Yes boss." sagot ni Lito
caloy! nando! dalhin ang mag ina sa mansion para makausap ng maayos! utos ko
mrs Yehoshua. sumama kayo sa tauhan ko ligtas kayo sakanila. " seryosong wika ko
salamat! sagot ng mag ina
kinuha ko ang phone ko!
Allen! ano ang nalaman nyo kay governador Yehoshua. kabit niya ang sinasabi niyang anak. alamin nyo kung saan ang kinaroroonan ng dalagang Yehoshua." seryosong bungad na wika ko
boss! send ko ang location ng kinaroroonan ng isang hideout ni mr Yehoshua. napag alaman namen na may isang hideout ang governor. boss niya si mr Arnoult! ibig sabihin tauhan siya ni mr Arnoult." seryosong sagot ni Allen sakabilang linya
good! hintayin ang utos ko bago nyo patayin yan! kailangan ko mahanap ang anak niyan." sagot ko
boss! busy ang mga kapatid mo lahat sila clueless parin kung sino ang big boss ng black rose! wika ni Allen
allen! pa-imbistigahan mo si mr Demetrius kabir bestfriend and childhood friends ni tatay. may kutob akong may kinalaman siya. nakapagtataka bakit tinago kame ni tatay kahit ang bestfriend niya walang alam saamin magkakapatid." seryosong sagot ko
noted boss! nasend kona ang location! engat boss." sagot ni Allen
Lito! pagkatapos nyo dito! pahinga na kayo! Roger! joven sumama ka saakin. utos ko
yes boss! sagot nila
pagkatapos ko esend ang location sa mga assassin's na nakabantay saakin mabilis na akong sumakay sa motorbike ko. nauna saakin si Roger salikuran ko si joven! lahat kame nakamotor
parang nagliliparan ang mga motorbike ng mga assassin's ko. nakabilib talaga sila. iba ang pangangalakad ko sa grupo na hawak ko. sikreto ang katauhan ng mga tauhan ko. magkatulad kame ni Kade. may pagkatanga nga lang ang isang yon.
ano kaya ang ginagawa ni Dylan ngayon
napahinga ako ng malalim! kanina pa siya tawag ng tawag saakin pero hindi oo pinapansin. nasasaktan ako parang nagka pira-piraso ang puso ko. pero kailangan kong mamulat sa katutuhanan. hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya saakin.
aabalahin ko nalang ang sarili ko sa mga kalaban ko. pagkatapos ng lahat ng ito.. iiwan ko ang organization. gusto ko mamuhay ng tahimik! paghatian ko ang pera ng hawak kong grupo sa bawat miyembro. para makapag simula sila ang mga binata nalang na tauhan ko ang gagawin kong personal bodyguard ko.
gagawa ako ng paraan para magkaanak ako. kame nalang ni kade ang magulo pa ang buhay wala pa kameng anak. nakakaingit ang ibang kaibigan ko lahat sila may mga anak na.
boss! maglakad nalang tayo palipat sa hideout out! may mga kabahayan kasi sa paligid baka maka tunog ang mga kalaban." wika ni joven
bumaba ako sa motorbike ko naunang maglakad ang mga tauhan ko.
nagkalad ako sa gilid ng kalsada! hinubad ko ang jacket ko itinapon ko ito. inabot ko sa nga tauhan ko ang baril sa bewang ko.
maghiwa-hiwalay kayo. hayaan nyo ako huwag kayo mag alaala saakin." wika ko
boss! nasa dulong bahagi pa daw ang hideout ang nag-iisang black mansion." wika ni joven
good! sege na." sagot ko agad sila kumilos. lumapit ako sa isang bukas natindahan
miss isang yusi nga po! maangas kong wika sa tindera
oh miss mukhang bago ka dito ah? sagot ng babae sabay abot ng sigarilyo.
may pinuntahan lang ho akong kaibigan! baliwalang sagot ko
naku mag engat ka miss! huwag kang pupunta sa dulong bahagi. pugad yan ng mga tauhan ni governor Yehoshua" pabulong na wika ng ali
napakunot ang noo ko
miss! pahingi nga po isang beer naku maganda mag usapan yan!." maangas na wika ko
hoy! Nena bantayan mo nga ang tindahan! sigaw ng babae lumabas sa tindahan
napangiti ako buti nalang may marites dito." sa isip ko
binigyan ako nito ng plastic na upuan. nag-umpisa itong magkwento
alam mo ba sabi-sabi ng mga tauhan nakita daw si governor Yehoshua at ang pinakilala nitong anak na nagtatalik sa loob ng sasakyan. hindi lang yon may business man daw na sumuporta kay governor Yehoshua! ar- a- hayst basta may a r ang apilyedo. nalasing kasi ang isang tauhan niya nang nakaraan, dito ayon nagyabang. bigatin daw ang big boss nila. isang ano bayon ang magaling sa pag gawa ng Bomba? basta yon ang sinasabi niya.
bomb expert! sa isip ko
ano po yon ang a r ang apilyedo may big Boss pa aba bigatin nga ho." mangha an wika ko
hoy! Milagring pumasok ka nga dito umiral na naman ang pagiging chismosa! ikaw naman miss bawal manigarilyo dito." galit na wika ng isang lalaki napapanot na
yon daw ang pinaka big boss nila! bulong ng tinawag na Milagring
arayyyyy! Tasyô nasasaktan ako! daing ng babaeng kausap ko nang hilahin sa buhok ang babae papasok sa kanilang bahay
dumukot ako ng limang daan. inabot ko sa dalagita sa tindahan
sayo na ang sukli! nakangising wika ko
pahingi pa ng isang boti ng beer! wika ko
hawak ko ang beer tinutungga ko habang naglalakad ako papunta sa dulong bahagi ng squatter area.
miss! saan ka pupunta? tanong ng nakasalubong ko na matandang babae
mano po lola. pupuntahan ko sana kuya ko nagtratrabaho po siya kay governor Yehoshua. sabi niya sa dulong bahagi daw po kanina pa ako naglalakad hindi pa ako nakakarating sa dulo." napapakamot na sagot ko
ikaw bata ka hindi dito ang dulong bahagi! isang subdivision yon ang tawag dulong bahagi. nakikita mo ba ang kakahuyan nayan. pag aari yan ni governor Yehoshua. tinawag yan dulong bahagi, hindi ko alam kung bakit ganon ang pangalan ng subdivision na yan iisang bahay lang ang nakatayo d'yan! oh sya mag engat ka eneng.". mahabang wika ng matanda napanganga nalang ako
nabobo ako doon ah! akala ko sa dulong bahagi ng barangay nato. mag iisang oras na ako paikot-ikot dito wala pa akong makitang mansion na itim. naglakad ako palabas ng squatter area.
napahinga ako ng malalim! nakarating ako sa malaking gate ng dulong bahagi.
welcome to dulong bahagi. subdivision
Sino ba kasi ang nakaisip ng pangalan ng subdivision nato! eh gubat to ah, bobo ang nagpa rehistro ng subdivision nato. kailan pa nawalan ng kabahayan ang subdivision." kausap ko sa sarili ko tinapos ko ang hawak kong empty bottle
umakyat ako sa bakod! nakahinga ako ng maluwag! nang tagumpay akong nakapasok sa loob, naiinis ako sa chismosa sa tindahan! hindi sinabi subdivision pala ang lugar na tinawag nilang dulong bahagi
saan na kaya ang mga tauhan ko. napangiwi ako kaya pala palabas ng squatter sila. natawa nalang ako sa katangahan ko. nilalamok na sigurado sila
wow! bakit gumagalaw ang daan? naiiling na tanong ko
oh! tapos na pala ang labanan." gulat na wika ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagsabog
hoy! may puno ba dito? tanong ko kahit wala akong kausap
tumunog ang phone ko agad ko sinagot
oh! joven! magiliw na sagot ko
oh c'mon boss! lasing kaba? bungad na tanong ni joven
ha? hindi! may chismosa kasi sa tindahan nakipag usap ako nakainum lang ako ng pitong boti ng beer! hindi ako lasing! kumusta na kayo? seryosong sagot ko
oh! f**k! pinasabog namen ang mga sasakyan na nandito. tinira namen ang mansion para sa evidence ng mga police. parating na ang mga pulis boss umuwi kana para makapag pahinga kana. wala kang bantay pinauna mo lahat dito. hindi ka nila mahanap." naiinis na sagot nito
kumusta ang hinahanap nyo? tanong ko
nandito boss naabutan namen nakakulong sa isang silid! maayos naman ang lagay ng dalaga boss! sagot ni joven
good! umuwi na kayo! isama nyo ang dalaga. nasa mansion ang ina at kapatid ng dalaga." sagot ko binalik ko ang phone ko sa bulsa ng Jean's ko
naglakad ako palabas ng dulong bahagi, naiilang na nag lakad ako palayo. bukas pala ang gate tapos umakyat pa ako sa bakod. nakakahiya ang pinag-gagawa ko
habang naglalakad ako. may naramdaman akong sumusunod saakin! binunot ko ang knife sa boots ko. mabilis akong tumakbo sa naririnig kong kaloslos ng damo.
may nakita akong lalaki naka sandal sa puno habang naninigarilyo.
mine! tawag ko
mine! sumama ka saakin." wika nito
tumalikod ako. naglakad palayo dito.
bigla nalang akong! hinila nito at niyakap
i miss you! you're mine! you're mine!" paulit-ulit nitong bulong
hindi kita kilala! ni hindi ko makita ang mukha mo." sagot ko
please! sumama ka saakin! magpaliwanag ako mag papakilala ako." disperado nitong sagot
hindi muna mine! nagugulohan ako sa mga nangyayari! nakipag hiwalay ako sa asawa ko. ayaw ko muna makipag lapit sa ibang lalaki." sagot ko
binuhat ako nito!
hey! put me down! galit na utos ko
no! no! no! you're mine! hindi ka aalis sa tabi ko. akin kalang handa kong gawin ang lahat. huwag kalang lumayo saakin." seryosong sagot nito naamoy ko amoy alak ito
lasing ka? gulat na tanong ko
nope! mine! mag kita tayo sa bahay na pinag dalhan ko sayo. kung gusto mo malaman kung sino ang kalaban mo." seryosong sagot nito
ang alam ko lang bomb expert! sagot ko binaba ako nito sa tabing kalsada. nasa madilim kame na bahagi.
kinabig nito ang batok ko, masuyo akong hinalikan sa labi,
Dylan! sambit sa isip ko
iisa ang asawa ko at ang stalker ko. yon ang sigurado ako. magkapareho sila ng paraan ng paghalik
i miss you! I regret the many things I have done to you. but I have no choice. just one wrong move. we will all explode." bulong nito nang pakawalan ang labi ko
bye! mine! wika nito tumalikod naglaho sa dilim
nagugulohan akong lumapit sa motorbike ko.
isang maling galaw lang sasabog kameng lahat? ibig sabihin totoong bomb expert ang kalaban namen. hindi ako bomb expert, ang angkan lang ng Cuizon ang bomb expert. kailangan ko alamin ang lahat bago ako lalapit sa mga Cuizon. sa isip ko
huwag nyo ako susundan! wika ko sa mga Tauhan ko
sumalodo lang ang mga assassin's ko bago pinaharorot ang motor nila paalis.
habang nagmamaneho ako nakasalubong kopa ang mga kapulisan.
ilang sandali lang nakarating na ako sa mansion, bumalik kame dito sa mansion but this time hindi kona kasama si Dylan!
boss! nag hihintay si general sa loob." salubong saakin ni Lito
miss! Bulgari! gusto kong malaman kong isusuko moba saamin si governor Yehoshua? magalang na wika ni general
general abid! gusto kong malaman mo na ang kalaban natin ay isang bomb expert," sagot ko
patayin nyo na si daddy! pakiusap ayaw konang makita si mommy na ginagamit ng iba't ibang lalaki pakiusap." pagmamakaawa ng binatang Yehoshua.
hindi siya ang ama ng mga anak ko pinatay niya ang asawa ko at ligal na inampon ang mga anak ko. sinasaktan niya kame sapilitan ang papakasal ko governor Yehoshua." umiiyak na sagot ni mrs Yehoshua.
nasagot na ang tanong ko. aalis na kame boss giemma! wika ni general
tatawagan nalang ulit kita general," sagot ko nakipag kamay ako bago sila umalis
bukas lilipad kayo pa ibang bansa. tauhan ko ang bahala sainyo mag bagong buhay kayo. " nakangiting wika ko
naiiyak na niyakap ako ng mag-iina habang walang patid ang pasasalamat
magpahinga na kayo. kung nagugutum kayo may pagkain sa kusina. may hinanda na silid ang tauhan ko para sainyo, " nakangiting wika ko
pagkatapos ko makipag-usap sa mag iina, iniwan ko na ang mga ito.
mabilis akong naligo at nagbihis. kumuha ako nang spycam. inilagay ko sa bulsa ng Jean's ko.
aalamin ko kung Sino ang lalaking yon. mine malalaman ko din kung sino ka. gusto ko malaman kung bakit niya ako sinusundan. may malalim siyang dahilan."
huwag nyo ako susundan. may mahalaga akong lakad, alamin nyo kung sino-sino ang bomb expert. siya ang big boss na kalaban natin." seryosong wika ko habang palabas ng bahay
yes! boss." seryosong sagot nila
pauwiin nyo ang mga assassin's sakanilang pamilya. papatawag ko nalang sila." wika ko bago sumampa sa motorbike
habang nagmamaneho ako papunta sa bahay ni mine, patuloy din ang pag agos ng luha saakin mga mata.
Emma! napaka manyak mo talaga. palage mo ako ninanakawan ng halik. kababae mong tao." pagalit na reklamo ni Dylan
sorry ang sarap mo kasi halikan. ikaw ang first kiss ko." magiliw na sagot ko nahiga sa damohan ginawa kong unan ang lap ni Dylan
may girlfriend ako. dapat hindi mo ako hinahalikan." mahinahon sagot nito
ayaw mo ba na hinahalikan kita? nakangusong tanong ko
ayaw you're my friends not my girlfriend okay. hindi nanghahalikan ang magkaibigan." mahinahon sagot nito habang nakatitig sa malayo
bumangon ako. naglakad palapit sa mga naglalaro ng football
hey handsome who wants to kiss me. come kiss me." mapang-akit na wika ko
wow! miss! nakapasok ka naman sa school hindi ka naman estudyante dito ah." magiliw na wika ng isang gwapong mag Aaral
hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan.
bigla nalang may humila saakin
she's my girl dude, stay away from her." walang emosyong wika ni Dylan
ano ba bitawan mo nga ako. gusto ko ang lalaking yon. gwapo siya masarap siguro siya humalik, gusto ko magkaroon ng boyfriend." pang aasar ko dito
bigla nalang ako natigilan ng lumapat ang labi nito saakin. hindi ako nakakilos natuod ako.
ayos lang halikan mo ako kung kilan mo gusto, basta pag tayong dalawa lang may girlfriend ako. magkaibigan parin tayo. ayaw kong makitang may ibang lalaki kang kalandian sasaktan kalang nila." seryosong wika nito
napahinga ako ng malalim. nang aalala ang masasayang alaala ng magkaibigan palang kame ni Dylan, kaibigan ang tingin niya saakin pero ako boyfriend ang trato ko sakanya.
sasaktan lang ako ng iba siya mismo ang nanakit saakin. pinag pira-piraso niya ang puso ko.
huminto ako sa. harapan ng maliit na bahay ni mine. tinanggal ko ang helmet ko. pinunasan ko ang luha sa aking mga mata
lakas nang kabog ng dibdib ko bumaba ako sa motorbike ko naglakad ako palapit sa pinto
akmang kakatok na ako nang may humila saakin. papasok ng bahay wala akong makita ang dilim
mine! Your charming presence is the only thing to put a big smile on my face. I have a sincere request for you; never give up on our love. We can only be happy when we are together. I miss you! i love you so so much." puno ng pagmamahal na bulong saakin ng pamilyar na boses.
nag-unahan ang sa pagpatak ang aking luha.
napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang malambot na labi nito sa labi ko.