Paggising ko kinabukasan, yung eskwela ang unang pumasok sa isip ko dahil monday ng araw na yun. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras 8:15 ng umaga. 11am pa naman ang pasok ko. Naisip ko si Ninong, 7am pa lang umaalis na siya dahil ihahatid niya si Andrei sa bahay ng Ate niya at pagkatapos ay didiretso na siya sa school. Nakita ko ang message niya sa cellphone ko at binasa yun. Ninong: Eat before you go to school. Yung text niya walang pinagkaiba sa mga message niya nang nakaraan. Expect ko pa naman na magiging malambing siya ngayon dahil kami na. Wait kami na nga ba? Wala naman kaming pinag usapan na kami na pero nag kiss kaming dalawa, so kami na nga! Siguro ganito lang talaga siya magtext. Syempre nasanay siyang ganito sakin kaya mahirap naman na baguhin niya yun. Makikita ko n