"Kate anong gagawin natin dito? Mangangarera ba tayo?" Tanong ni Marian, tumawa kaming dalawa. "Hindi, wait! hindi pa sumasagot yung friend ko." Sabi ni Kate na busy sa cellphone niya. Lumabas na kami sa kotse, maya maya ay may lumapit sa aming lalake, ay hindi, bakla!Kakilala siya ni Kate. Tinignan kami ni Marian ng bakla mula ulo hanggang paa. Lassy ang pangalan niya nung ipakilala siya ni Kate sa amin. "Nakauniform pa kayo, pero okay lang yan. Let's go girls!" Sabi ni Lassy. Sumunod kami sa kanya na hindi ko alam kung saan ba kami patungo. Dumaan kami sa maraming sasakyan, karamihan sa mga nandoon ay kalalakihan. Tingin ko ay mangangarera sila. Umakyat kami sa isang hagdan na hindi ko alam kung anong meron doon. Pag akyat namin, pinatayo kami sa isang balcony. Mula doon kitang kita